Five: New love

1372 Words
"HINDI ako sasama." Padarag na ibinaba ni Jae ang hawak na kutsara, bakante sila ngayon dahil lunch at kumakain sa isang fast food chain na naman. "Are you serious?" Gagad pa ni Jae. Hindi talaga siya makapaniwala. Kahit pa kailan ay hindi naman naging KJ ang kaibigan. Why now? Binaba nalang ni Vivianne ang tingin sa platong nasa harap. Sa gilid nito ay naroon naman ang tahimik na si Red. Buo na ang desisyon niya. Ayaw niya talagang sumama. Hindi niya alam ang pupwedeng mangyari sa Freshmen's Ball sa Freshmen's Welcome Party na gagawin sa susunod na linggo. Siguradong dadalo si Dirk, hindi nito alam pero patagal ng patagal ay mas lalong ayaw niya iyong makita. Narinig nito ang lahat. Ang sinabi ng mga kaibigan at ang sinabi ni Dirk tungkol sakanya noong nasa New Grandstand sila. Malinaw niyang narinig ang lahat kahit alam ng mga ito na mahimbing lang siyang natutulog. "Viv, join us. Minsan lang naman yun mangyayari eh, baka nga isang beses lang. It would be fine!" Napabaling na siya sa nagdadabog niyang kaibigan. As much as she wanted to join as well, hindi mawala sa isip niya ang mga posibleng mangyari. Natatakot ito para doon. Natatakot itong papasukin na naman si Dirk sa buhay niya, natatakot itong masaktan na naman ulit. Sino ba ang hindi? "Viv, anong problema?" Agad siyang nagpanic sa tanong ng kaibigang kanina pa hindi umiimik. Kilala niya ito, tahimik ang kaibigan kapag may malalim na iniisip. "W-Wala, ano ba kayo!" Pinilit nito ang sariling tumawa, dahil iyon ang gusto niya, ayaw nitong isipin pa ng mga kaibigan ang mga ganong bagay. Mayroon pang mas mabigat na problema ang dapat unahin. Hinarap nito si Jae bago magpatuloy sa pagkain, "Pag iisipan ko." Ayos na iyon para sa mga kaibigan niya, mabuti't nailipat na ang pinag uusapan at minadali narin ang pagkain dahil kailangan pang bumalik sa eskwelahan. "PAG IISIPAN raw niya." Awtomatikong bumagsak ang mga balikat ni Dirk. Kasama nito ngayon si Jae at Red na parehas nang natapos ang kani kanilang mga klase. Nasa food court sila't nilalantakan ang mga pagkaing binili. "Kami ha, we're helping you para kay Vivianne. Pero wag na wag mo ng uulitin ang dati dahil ako mismo bubugbog sa'yo. I swear." Napangiti siya sa tinuran ni Red na itinigil pa ang pagkain ng kwek kwek para magsalita. Napailing ito ng maalala kung paano niya nagustuhan ang kinakain. "Kaya nga andito ako diba? Gusto ko talagang ayusin, Jae, Red." Tumigil ito para tingnan ang mga kaibigan. "Thank you." Malakas ang sumunod na paghalakhak ni Jae, "Don't mind! Alam naman naming okay ka para kay Viv. Wag ka nalang talaga uulit." Pabiro itong sumaludo sa kaharap. "Yes, Ma'am!" NEXT days were like a bomb, madalian ang mga iyon pero hindi na halos magkandaugaga si Vivianne sa dami ng gawain. Iisang bagsakan ang lahat. Iiilang requirements at reporting, pati quizzes considering na halos isang buwan palang matapos ang pagbubukas ng klase. Pero wala naman ang mga iyon kung talagang gusto mo ang ginagawa mo. Walang kaso kay Vivianne ang pagsasalita sa harap ng maraming tao, iyon pa nga ang gusto niya talagang gawin. Marami lang ang mga iyon pero kayang kaya niya naman. Alam niyang wala pa iyon sa mga mararanasan sa mga susunod pang mga taon. Pero mas alam niyang hindi niya kakayanin ang pupwedeng mangyari ngayon. Suot ang High-collar Tea length mint green gown, tinatahak niya na ang daan papasok sa BUCENG Gymnasium. Huminga muna ito ng malalim bago tuluyang pumasok at makita ang mga kaibigan. Whatever happens, happens. "Wow, Viv! You're stunning!" Natatawang pinaikot pa siya ng mga kaibigan. "Sabi sayo bagay yan eh." Hinarap nito si Jae at niyakap. Jae's wearing her Boat neck mermaid gown while Red have her Jayne Mansfield inspired long gown. Napailing nalang ito kay Red habang pabiro niya itong niyakap. Ang babaeng iyon talaga, hindi papayag na hindi pagkagastusan ang event na mga ganito. Her gown speaks power and money. Agad silang nagtungo sa napiling upuan ng mga kaibigan, isa iyong pabilog na mesa na pang animan. Tatlo silang magkakaibigan, pagkatapos ay ang tatlo naman ay kaklase umano ni Jae. Doon palang niya nagawang ilibot ang mga mata sa buong venue, ang dating gym ay nagmistulang isang palasyo. Iba iba ang disenyong mayroon doon, bago ang paningin na yon para sakanila lalo pa't hindi naman siya palapunta sa mga ganong uri ng okasyon. Kinakabahan man, naitawid ni Vivianne ang programa hanggang matapos kumain. Bumalik lang ulit ang pamamawis ng malamig ng mga kamay nito ng magsimulang isa isahin nang kunin ang mga kaibigan nito para yayaing sumayaw. Those were actually random guys! Pero pumapayag naman ang mga kaibigan. Wala namang siguradong bad guys dito? Natawa siya sa naisip. Now, she suddenly feel alone! But she doesn't mind. Okay na iyong ganon na pinanonood lang nito ang mga kaibigan kaysa sumama siya sa mga lalaki at makipagsayaw lalo pa't hindi niya kilala. Kaya ganoon nga ang ginawa niya, pinalipas niya ang iilang minuto. Paminsan minsa'y kumakain at nanonood sa mga loka loka niyang mga kaibigan na nakailang beses nang nagpapit ng mga kasayaw. Sandali niyang nakalimutan ang mga naiisip. Makita lang nito ang mga kaibigang tumatawa ay ayos na siya. But life doesn't play that way dahil nang may naramdaman itong kamay sa harapan niya ay agad siyang napasinghap. "May I have this dance?" Ayaw nitong tingnan ang lalaki sa harap, her eyes were fixed at the hand in front of her. Kilalang kilala niya ang mga kamay na iyon at hindi siya pwedeng magkamali. "Viv?" Pagkuha ng lalaki sa atensyon niya. Of course she can hear those! Ang problema lang ay ayaw tanggapin ng sarili niya ang nangyayari. Ito na nga ba ang sinasabi niya kaya hindi niya naging desisyon ang pagdalo sa mga ganto pero pinagbigyan niya ang mga kaibigan. Baka naman kasi nag ooverthink lang siya. Pero ngayon! Hindi nalang nasa isip niya ang lahat. Seeing Dirk's hand in front of her makes her shivers. Ano ba ang dapat na gawin niya? Paano niya ba iyon hihindian? Tumayo agad si Vivianne pero hindi tinanggap ang kamay na nakaatang sa harapan niya. "A-Ayoko." Ayaw niya. Ayaw niya dahil ayaw nitong makakuha pa si Dirk ng kaonting pag asa para sakanila. She can't give Dirk another chance. Malinaw na malinaw na sasaktan lang ulit siya ng binata kapag nagkataon. Ayaw nitong ipakitang pwede pa.. katulad ng sinasabi ng isip nito. But her heart doesn't agree with that. Alam niyang kontra doon ang puso niya. "Viv, ngayon lang naman eh. Please?" Doon na siya napabaling sa lalaki kaya hindi na nito napigilan ang mabilis na pagtibok ng puso. With his tuxedo and a versatile slip on boot with elastic side gussets, Chelsea boots together with his low fade haircut ay halos habulin ni Vivianne ang paghinga. Ngayon lang sila naging ganto kalapit ng binata pagkatapos ng halos isang taon. "I can't.." Mapait na natawa si Dirk. Paano nagagawa ni Vivianne sakanya ang lahat ng iyon? Hindi naman nito sinadya ang nangyari at pinagsisisihan niya naman na ang mga 'yun kaya bakit hindi man lang siya mabigyan ng pagkakataon? "Vivianne?" Sabay silang napalingon ni Vivianne sa nagsalita mula sa likod. Awtomatikong nagtiim ang mga bagang niya. What does this boy wants? Hindi ba nito nakikita na siya ang kausap ng babae? "Axl.." Nagulat talaga si Vivianne sa nakita. Naisip na ang mga posibleng mangyari. Naalala ulit ang napag usapan nila ni Dirk sa loob ng Red Lights. Axl, with her taper fade haircut at peak suit na tinernuhan ng formal leather lace up, smiles wider. Totoong maganda si Vivianne, mas lalo lang ngayong nakaayos ito. "You're really beautiful.." Mahina siyang natawa nang makita niya ang pamumula ng pisngi ng dalawa. "May I have this dance?" Sa narinig ay agad na nilingon ni Vivianne si Dirk, napansin niya agad ang pamumula ng mga mata nito. Kapagkuwan ay bumaling muli kay Axl. Kapag ba ginawa ko ito it will stop Dirk on pursuing me? Titigilan niya na ba ako? Her heart immediately feel pained with that thought, gugustuhin ba talaga niya iyon? Pinakatitigan ni Vivianne ang mga nakaabang na kamay ni Axl sa harap niya bago inilagay ang sariling kamay sa ibabaw nito. "Yes."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD