"A-anong ginagawa natin dito" dahil dinala niya ako sa dagat kung saan ang huli naming pagkikita ni kuya. "D-dito nangyari ang trahedya diba? May babae akong kapatid pilit siyang sumama mangisda sa akin, ng hindi namin inaasahan ay biglang umulan ng napakalakas at iyon ang naging dahilan kaya nalunod ang kapatid ko, nasagip ko ang kapatid ko, pero ako hindi ko kinaya masyadong matataas ang alon, kaya nawalan ako ng hinanga nun, nagising na lang ako na nasa isa akong napaka gandang bahay." hindi ako makapaniwala dahil buong buo ang kwento niya, kung ano ang alam ko ay ganon din siya. "Nawalan ako ng memorya, alam ko ang mga nangyari pero ang kapatid ko ay hindi ko maalala, kahit ang buong pamilya ko, buti na lamang mababait ang mga nag alaga sa akin, dinala nila ako sa maynila upang ipag

