Maxine's POV
Grabe akala ko bata,yun pala isip bata!
"Pero ok na gwapo naman e- ano ba yan maxine! Ok? Aalagaan mo! Wait paano bang alaga yung tipong papaliguan ko siya! Ay gusto ko Yun ah! hehehehe!
Pero wait, bakit kaya pinapa-alagaan Yun? Special Child siguro yun, Tama oo special Child nga iyon!" sabi ko sa sarili ko habang
nagpupunas ng sahig ng kwarto niya.
"Wait ano Ito? B-brief!" jusskooo bakit may brief don!
"Napakaburara naman nun!"
"Anak ng- ano bang ginagawa mo dito sa kwarto ko!" nagulat ako ng bigla siyang sumigaw,pagharap ko,wow ulam ano ba yan kakay ang bastos ah! Nakatapis lang Kasi siya ng tuwalya!
"T-teka b-brief ko Yan ah!"
"Ayyy, oo nga hehe n-nakita ko k-kase diyan! Burara ka kase!"
"A-ano ba t-tumalikod ka nga!" ayy oo nga pala,
"Pasensya na ang ganda kasi ng view hehe" Bulong ko
"Ano may sinasabi ka?"
"Hehehe Wala"
"Sir kakain na daw Po! Sir,Sir!" pag pasok ko ay...
*PAK*
"aray ko ang balakang ko,huhuhuhu ang sakit" ng mag angat ako ng tingin ay nakita ko si Clarance na tawa ng tawa sa ginawa niyang kalokohan,
Lagyan ba naman ng polbos ang buong sahig na siya namang naging dahilan para madulas ako.
"Hahahaha, ang tanga kasi, linisin mo yan ah! Hahaha" at tuluyan ng bumababa.
Bumababa na din ako para kumuha ng walis tambo at dustpan at pamunas.
"Ano ba iyanaxine,bakit ang rumi rumi na naman ng mga hagdan! Juskooo kakalinis ko lamang diyan" sita sa akin ni manang selly..
ng tignan ko ay may mga polbos na nagkalat doon na dahilan ay ako dahil punong puno talaga ako ng polbos.
"Ako na ho ang bahala diyan"
"Ano napagtripan kaba?"
"Wala ho e,, trabaho ko ho Ito e, Kaya magtitiis para na rin ho sa mga pamilya ko sa probinsya."