Maxine's POV "Kuya!" nagulat ito dahilan para malaglag ang dala niya. "K-kuya wag mong s-sabihin na b-bakla ka!" pagkasabi ko nun, tumawa siya ng tumawa. "Tangek! Anong bakla, sayo ito!" ng bigla niyang iaabot sa akin ang napaka gandang dress. "Anong gagawin ko naman dito?" "Pamunas! Basahan Yan e!" kaya tinignan ko siya ng masama. "Alam ko! Pero para saan? Bakit mo ako binigyan nito?" "Kawawa ka naman kasi e, iisa lang ang dress mo." napangiti naman ako, pero biglang nawala iyon ng may sinabi pa siya. "Isang suot na lang kasi ng dress mo, warak na! Kawawa naman!" "KUYAAAAAAAA!!" at nag habulan kami na parang mga bata. _______________ Andito kami sa isang university, kasama ko si Clarance at si kuya. "Kuya ano bang gagawin natin dito?" pagtatanong ko dito. "I-aaply kita na jan

