"Pakikuha muna 'yung Iphone ko sa kuwarto, naiwan ko yata." ‘Leah, chill ka lamang. Hinga ng malalim at 'wag painitin ang ulo! Argh!’ Hindi ako kumibo saka dali-daling tumungo sa kuwarto ng binata upang hagilapin ang phone ni Sir Michael. Nilibot ang paningin sa mga lugar na posibleng pagpatungan sa phone ngunit walang nakita. Tinignan ko rin sa banyo at nagbabakasakaling nailapag niya sa faucet ngunit ang naroon lamang ay pulos regimen ni Bebe Mich, hinanap din sa ilalim ng kama't baka nalaglag ng di sinasadya pero bigong makita. Ilang minutong tumengga sa loob ng kuwarto hanggang sa naisipang lumabas para sabihin sa binatang hindi nahanap ang phone nito. "Sir, hindi ko po nakita ang phone ninyo sa kuwarto." "It's okay. I suddenly got the phone on my pocket." "A-ano?" "I said, yo

