[DARA SHIN NORVILLE's P.O.V.] Naalimpungatan ako sa liwanag na sumisilaw sa aking mga mata. Hindi ko pa maimulat ang mga mata ko at ina-adjust ito sa liwanag. Nais ko sanang kusutin ang mga mata ko pero hindi ko maiangat ang braso ko dahil pakiramdam ko ay may mabigat na bagay na nakapatong dito. Kaya wala akong nagawa kundi dahan-dahan itong imulat. Nang maimulat ko na sa wakas, nilibot ko ang mga paningin ko sa silid na siyang kinaroroonan ko. Nandito ako sa silid na pinapalibutan ng bamboo tree bilang bedpost ang puting kamang kinahihigaan ko, at may bedside table rin sa gilid ng kama na yari sa narra kung saan mayroong nakapatong na kulay cream na lampshade, mayroon ding dalawang single light brown villa chair sa gilid at light brown small cabinet sa tabi nito. At nang mapagtanto

