CHAPTER 7

3270 Words
[DARA SHIN NORVILLE's P.O.V.] Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang sinag ng araw mula sa veranda. Babangon na sana ako nang maramdaman ko na may mabigat na nakadantay sa aking tiyan. Paglingon ko sa tabi ko, nakita ko si kuya na mahimbing na natutulog. Napabuntong-hininga na lang ako. Pagtingin ko sa wall clock, alas-siyete na pala ng umaga. Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin ng kamay niyang may gasa. Tumayo na ako mula sa pagkakahiga at dumiretso sa banyo dito sa kwarto ko. Hindi na pala ako nakapagpalit ng pambahay kahapon. Tch. Pagkatapos kong maghilamos at mag toothbrush, nagpunas ako sa face towel na nakasabit sa pinto ng banyo. Paglabas ko, naabutan ko si kuyang natutulog pa rin nang mahimbing. Wala ba 'tong balak pumasok sa opisina niya? Tch. Lumapit ako sa kinahihigaan niya.. "Kuya. Kuya." Niyuyugyog ko siya. "Kuya, gising na." "Hmm." Inalis niya lang ang pagkakayugyog ko sa kanya at tinuloy ang pagtulog niya. "Kuyaaaaa." Mas nilakasan ko pa ang pagyugyog sa balikat niya. Kainis naman 'to si kuya. Bahala na nga siya diyan. Male-late pa ako dahil sa kanya eh. Tch. Dumiretso ako sa cabinet ko para kumuha ng uniform na isusuot ko ngayon. At pagkatapos ay pumasok na sa banyo ko. Pagkatapos kong maligo, nagpunas muna ako at dito na rin sa banyo nagsuot ng uniform. Iniwan ko na lang doon ang towel na ginamit ko. Paglabas ko ng bathroom, gising na pala si kuya. Naabutan ko siyang kinakalikot ang cellphone niya habang may seryosong expression. Hindi niya napansin ang presensya ko kaya naglakad na lang ako palapit sa kanya. "Kuya." Nag-angat siya ng tingin sa akin gamit ang walang emosyon niyang titig. Napairap naman ako dahil doon. "Papasok ka po ba sa opisina mo?" Pero hindi niya pinansin ang tanong ko. Napansin ko pa ang bahagyang paggalaw ng adam's apple niya habang nakatitig lang sa suot ko. Napakunot-noo naman ako. Bakit ba gan'to makatitig si kuya? Tch. Tiningnan ko ang suot kong uniform. Okay naman ah? Anong problema? "Kuya!" Nabalik ang titig niya sa mukha ko. At hindi nakatakas sa mga mata ko ang ngisi niya. Pero binalewala ko na lang 'yun. "Ako na ang magluluto ng breakfast natin, tutal ayaw mo naman paglutuin si manang." Napansin kong tututol pa sana siya pero hindi ko na siya hinintay sumagot bagkus dumiretso na ako palabas ng kwarto ko at iniwan na lang siya doon. Yeah. Totoo ang sinabi ko. Lahat ng gawaing-bahay ay hinahayaan na ni kuya kay manang pwera lang sa pagluluto ng kakainin naming dalawa. Ewan ko ba sa kanya kung bakit. Eh sa katunayan, masarap naman magluto si manang. Maarte lang talaga si kuya. Pagdating ko sa kitchen, naabutan ko si manang sa banyo na naglalaba. "Manang, nag-almusal na po ba kayo? Kumain po muna kayo, mamaya na po 'yan." "Tatapusin ko na lang muna 'to, iha. Tutal nakapagkape naman na ako." "Sige po, manang." Dumiretso na ako sa refrigerator para kumuha ng ingredients para sa kakainin namin ni kuya. Makalipas ang ilang sandali, tapos na akong magluto, umakyat na ako para tawagin si kuya sa kwarto ko. Pagpasok ko, wala siya. Nasa kwarto na 'ata niya. Isasara ko na sana ang pinto nang makarinig ako ng lagaslas ng tubig mula sa bathroom ko. Dito na siguro siya naligo. Pumasok ako sa kwarto ko at sinara ko ang pinto. Naglakad ako papalapit sa pinto ng bathroom para sabihan si kuya na nakahanda na ang pagkain. Paglapit ko, may narinig ako mula sa loob na hindi ko maintindihan kung ano. Napakunot-noo ako. Eh? "Ugh. Fvck." Narinig kong ungol ni kuya mula sa loob. Ano kayang ginagawa niya? Hindi ko magawang kumatok dahil baka magalit siya sa akin. Baka kasi may importante siyang ginagawa. Patuloy lang ang naririnig kong pag-ungol ni kuya mula sa loob kasabay ng paglagaslas ng tubig mula sa shower. "Ahh. Sht. Dara." Nagulat ako nang biglang banggitin ni kuya ang pangalan ko. Teka? Tinatawag niya ba ako? Kumatok ako at nagsalita. "Kuya? Bakit mo po ako tinatawag? May kailangan ka po ba?" Tuloy-tuloy kong tanong. "Sht." This time, hindi na siya umuungol pero nakarinig ako ng pagkalabog mula sa loob na para bang nagmamadali siya. Eh? Ano bang nangyayari sa kanya? Nabigla na lang ako nang bumukas bigla ang pinto ng banyo, at iniluwa nun si kuya na nakatapis lang ng towel sa ibabang bahagi ng katawan niya. Nanlaki ang mga mata ko at naramdaman ko ang biglang pag-iinit ng mukha ko sa senaryong nakikita ko. Napalunok ako. Kitang-kita ko si kuya na walang pang-itaas. Hindi ko alam kung anong ekspresyon ng mukha niya ngayon dahil hindi ko maialis ang mga mata ko sa... Sa.. Napalunok akong muli... Ghad. Mayroon palang gan'to si kuya. Kitang-kita ko pa ang pagtulo ng butil-butil ng tubig mula sa kanya. Pero ewan ko kung bakit parang na-glue ang mga mata ko sa bahaging 'yun. Ugh. Ang init. Nararamdaman ko ang init na nagmumula sa katawan ni kuya kahit hindi naman ako nakadikit sa kanya. Ang kanyang bahagi sa bandang tiyan ay nakakasilaw dahil sa anim na pandesal na nakadikit doon. Parang.. Parang.. Gusto kong malaman kung malambot ba 'yun o matigas. Gusto kong hawakan. Ito ang unang pagkakataon na makakita ako ng anim na pandesal sa katawan. Ano nga bang tawag doon? Muntik na akong mapatalon sa gulat sa pagsigaw ni kuya. "What the heck, Dara?! What do you think you're doing?! Why did you disturb me?! Fcvk!" Kitang-kita ko ang nanlilisik niyang mga mata habang ang kanyang mukha at magkabilang tenga ay namumula na sa galit. Habang ako naman ay naguguluhan ko siyang tiningnan. "Kuya kasi, tinawag mo po ako. Baka kako may kailangan ka. Ano ba kasing ginagawa mo po sa loob ng bathroom? Bakit mo po ako tinawag?" Naku-curious kong tanong sa kanya. "At saka, ano po 'yang nasa tiyan mo? Bakit may anim na pandesal ka po? Pwede ko po bang hawakan? Matigas po ba 'yan o mala--" "Damn it, Dara! Stop it, will you?!" Napalabi naman ako dahil galit pa rin siya. Parang naku-curious lang eh. "Pero kuya," "No! I said, stop it!" Wala na lang akong nagawa kundi mapabuntong-hininga sa inaakto niya. Gusto ko lang naman malaman kung malambot ba o matigas 'yung pandesal niya eh. Ang damot naman niya. "Kuya, nakahanda na po 'yung breakfast natin. Ako ang nagluto. Sumunod ka na lang po sa kitchen." Walang gana akong naglakad palabas ng kwarto at iniwan na doon si kuya. "Oh, nasaan na ang kuya mo, iha?" Naabutan ko si manang na naglilinis sa sala. "Nasa taas pa po, naliligo." "Ah ganon ba? Nasabi na ba sa'yo ng kuya mo?" Tumigil siya saglit sa pagpupunas ng alikabok sa TV at hinarap ako. "Ang alin po 'yun?" Nakakunot-noo kong tanong. "Pinapauwi muna ako ng kuya mo sa probinsya ng isang buwan. Namimiss ko na rin kasi ang mga anak ko." Pinagpatuloy na niya ang paglilinis. "Talaga? Ginawa po 'yun ni kuya?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Bumabait na 'ata si kuya ah. "Oo nga eh. Kahit nga ako, hindi makapaniwala, at alam mo ba, siya rin daw ang bahala sa pama--" "Dara, let's eat." Naputol ang sinasabi ni manang nang marinig namin ang malamig na tinig ni kuya mula sa likod ko. Walang emosyon ko siyang nilingon at nauna nang maglakad papunta sa dining area. Nagtatampo pa rin kasi ako sa kanya eh. :3 Pagkaupo namin sa dining chair, hindi ko siya tinatapunan ng tingin. Hindi na siguro nakatiis sa pandededma ko kaya nagtanong na siya. "What the hell is your problem?! Why are you treating me this way?" Malamig niyang tanong. "Wala po, kuya." Sagot ko na hindi tumitingin sa direksyon niya. Ramdam ko pa rin ang mga mata niya na nakatingin ngayon sa akin. "Damn it! Don't ignore my presence." Naiinis na niyang tanong kaya naman hinarap ko na siya at napalabi ako. "Just tell me what the fcvk is your problem?!" Salubong ang kilay niyang tanong. Napabuntong-hininga ako at muling napayuko. "Eh kasi naman, kuya. Gusto ko lang naman malaman kung malambot ba o matigas 'yung pandesal na nasa tiyan mo po. Naku-curious lang kasi ako." Inangat ko ang paningin ko sa kanya at nakakunot-noo pa rin siya. "Don't you know that curiousity kills the cat?" "But--" "No more buts. Finish your breakfast now." Mahinahon na ang boses niya, at nagpatuloy na siyang kumain. Kaya wala akong nagawa kundi ipagpatuloy na lang ang pagkain ko. Pero nabalik ang tingin ko sa kanya nang magsalita muli siya. "You can touch it if you want to satisfy your curiosity, but not now. Maybe next time." Namamalikmata lang ba ako na nakita ko siyang ngumisi? - "Go home early. Our parents are coming home tonight." Napatingin naman ako kay kuya dahil sa sinabi niya. Uuwi ang parents namin? Bakit biglaan? "And remember what I told you, stay away from those assholes." Wala na lang akong nagawa kundi tumango at mapabuntong-hininga. "Okay po, kuya." Palabas na sana ako sa sasakyan niya ng hinapit na naman niya ako para gawaran ng madiin na halik sa pisngi. Napapikit naman ako dahil doon. Nang makaalis na ang sasakyan niya, dumiretso na ako papasok sa campus. Habang naglalakad ako, napatigil ako nang may biglang tumawag sa pangalan ko. "Dara." Nilingon ko ito at nakita ko siyang naglalakad papunta sa direksyon ko. "Sabay na tayo. Let's go." Saad niya bago ngumiti kaya napangiti na naman ako. "Okay. Tara." Tugon ko at naglakad na nga kami nang sabay. Habang naglalakad kami, nag-uusap lang kaming dalawa. "Nga pala, where did you go yesterday? Hindi ka um-attend sa afternoon classes natin." "Ah, may emergency kasi sa bahay eh." Pagdadahilan ko na lang. Hindi naman pwedeng sabihin ko na dahil kay kuya. Remember what I told you, stay away from those assholes. Napatigil ako nang biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni kuya kanina. Hinarap ko siya. "A-ahm. Mauna ka na. May dadaanan lang ako." "I'll go with you, then." "No thanks. I can manage." "I insist." "I'm going to the CR." Kaya ayun, wala na siyang nagawa kundi tumango at magpaalam na. Ang totoo, hindi naman talaga ako pupunta sa CR. Dinahilan ko lang 'yun para hindi ko siya makasabay sa paglalakad papuntang classroom. I hate to do this but I need to. This is the only way to protect him from my overprotective brother. Tch. Ayaw ko madamay siya. Ayaw kong mapahamak siya. Mahalaga siya sa akin. Kaibigan ko siya kaya kailangan ko siyang protektahan mula kay kuya. Pero.. Napatigil ako sa paglalakad. Hindi naman siguro malalaman ni kuya kung makikipag-usap pa rin ako kay Luke, at saka wala naman si kuya dito sa school, so hindi niya makikita. Okay. Nakapagdesisyon na ako. Naglakad ako nang mabilis papunta sa classroom. Pagdating ko doon, naabutan ko siya na nakaupo na sa upuan niya, which is sa tabi ng upuan ko. "Did you bring your chef uniform?" Tanong niya sa akin pagkaupo ko. "Yeah, why?" "Sabi ni prof, we have a cooking session later." Napatango-tango na lang ako sa tinuran niya. Pagdating ng professor namin, nagsiayos na kami sa pag-upo. "Good morning, class. I'll be assigning your partnerships for the session later today, so you'll have time to buy your ingredients." "Alexandra Sparkle and Kier Lance Maniego," Tumayo si Kier pagkatawag ni ma'am sa pangalan nila, at kinuha niya 'yung papel na naglalaman ng ingredients. Pagkatapos ay bumalik na siya sa upuan niya. "Alayne Mae Hernandez and Vincent Trei Lim," Ganon din ang ginawa ni Vince. "Andrea Shyr Villafuerte and Adrian Sean Jimenez," Ghad. Sino kayang makaka-partner ko? "Keanna Rich Fuentes and Larry Dela Vega." "Dara Shin Norville and.." Napalunok ako. Sino kayang makakasama ko sa session mamaya? Napansin ko naman ang paglingon ng mga blockmates namin. Iniisip siguro nila kung sino ang sunod na papalayuin sa akin ni kuya. Tch. Napapikit na lang ako nang mariin at napabuntong hininga nang marinig ko kung sino ang partner ko. - "So, what time are we going to buy the ingredients?" Lunch break at naisipan ko na dito na lang mag lunch sa rooftop. Baka kasi makita na naman ni kuya na may kausap at kasama ako 'pag sa likod ng campus pool area ako mag lunch. "After na lang siguro natin kumain." Sagot ko sa kanya. Kanina, niyaya niya ako na sabay na lang kami mag lunch. Pumayag na rin ako para mapag-usapan 'yung tungkol sa inassign sa amin para sa session mamaya. After lunch, mamimili kami ng ingredients. Wala rin naman kaming klase for one hour pagkatapos ng vacant para sa araw na ito eh. Nakalimutan kong sabihin, thrice a week lang ang pasok namin. Tuesday, Wednesday, and Friday ang schedule namin, at ngayon nga ay Wednesday na. - "Ano pang kulang?" Tanong ko sa kanya habang tulak tulak namin ang cart. Siya kasi ang may hawak ng list of ingredients. "Flour and shredded mozzarella cheese." Saad niya. Nandito na kami sa Robinson Supermarket. Dito namin naisipan mamili ng ingredients. Hindi ko naman maiwasan na kabahan. Kanina ko pa kasi nararamdaman na parang may nagmamasid sa amin. Pagkatapos namin mabayaran sa cashier ang lahat ng binili namin, agad ko na siyang niyaya na bumalik sa school. "Why are you hurrying? It's only 1:05 PM." Napatigil ako sa tanong niya. "Baka kasi ma-late na tayo." Sagot ko na lang. Kahit ang totoo, kinakabahan ako na baka nga may nagmamasid sa amin. "Right. Let's go." Ngumiti na naman siya kaya napangiti ako. Pakiramdam ko, nawala ang kaba sa dibdib ko. Grabe talaga ang epekto ng ngiti niya sa akin. Pagdating namin sa parking lot, nilagay muna niya sa compartment ang mga pinamili namin at saka ako pinagbuksan ng pinto ng car niya. Pagpasok ko, umikot na siya para sumakay sa driver's seat. Biglang bumilis ang kabog ng puso ko sa sunod niyang ginawa. Napalunok ako. Unti-unti siyang lumapit sa akin. Anong gagawin niya? Hindi ko alam pero napapikit ako bigla. Ramdam na ramdam ko ang pisngi niya na nakalapat sa pisngi ko. Ghad. Ang bango niya. Nanatiling nakapikit ang mga mata ko at hinihintay ko lang ang susunod niyang gagawin pero narinig ko na lang na parang may nag-click sa likod ko, kaya napadilat ako. Bahagya siyang lumayo sa akin dahilan para magtama ang mga mata namin. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Hindi ko maipaliwanag. Ang bilis bilis ng pagtibok ng puso ko. Ang lapit pa rin ng mukha niya sa akin. Gahibla ng buhok ang lapit niya sa akin. Nararamdaman ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko sa sobrang lapit niya. Napansin kong bumaba ang tingin ng mga mata niya sa labi ko. Nakagat ko ang ibabang labi ko sa paraan ng pagtitig niya doon. Ewan ko pero naiilang ako. "A-ahm. Tara na. B-baka ma-late pa tayo." Nakahinga ako ng maluwag nang lumayo na siya sa akin at umupo na nang maayos sa pwesto niya, pero ramdam ko pa rin ang pintig ng puso ko. Binaling ko na lang ang atensyon ko sa daan nang paandarin niya ang makina. Napatingin ako sa side mirror, teka bakit ako namumula at nakangiti? Pero agad nawala ang ngiti ko at napalitan ito ng pangamba nang may maaninag akong isang bulto na nagtatago sa likod ng poste dito sa parking lot. Ghad. May nagmamasid nga sa akin. Pero sino siya? Anong motibo niya? Hindi ko maiwasang kabahan. Hindi naman pwedeng si kuya dahil alam kong nasa opisina niya ito. Hindi pa rin nawawala ang kaba ko kahit na unti-unti nang nawawala sa paningin ko ang bulto na 'yun dahil sa paglayo ng sasakyan ni Luke mula doon. - Tapos na ang klase namin at nandito na ako sa bahay. Nagulat naman ako nang maabutan ko si kuya na nakatalikod sa gawi ko habang nanonood ng TV sa sala. Pumasok ba siya? Oo siguro dahil naka-office suit pa siya. Umuwi lang siguro siya nang maaga dahil nga darating sila mommy ngayon. Si manang ay umuwi na ng probinsya kahapon. Paakyat na sana ako sa kwarto ko para magpalit ng damit nang mapatigil ako. "Dara." Mapanganib ang boses niyang tawag sa akin dahilan para maikulong ko ang mga palad ko sa kamao ko. "Our parents canceled their flight. They rescheduled it for next week." Malamig ang tinig niyang turan. Nilingon ko siya at kinunutan ng noo. "Why?" Nakatitig lang siya sa akin. "I don't know." Kibit-balikat niya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa single sofa at dahan-dahang naglakad papalapit sa akin habang hindi inaalis ang malamig niyang titig sa akin. Pagkalapit niya, agad nagtagis ang mga bagang niya at tinapunan ako ng matalim na tingin. Napalunok ako dahil doon. Napansin kong may kinukuha siya sa bulsa niya pero hindi pa rin inaalis ang masama niyang tingin sa akin. Ano na namang ginawa ko? May ginawa ba akong masama? Wala naman ah. "What's the meaning of this, Dara?!" Mapanganib ang boses niyang tanong dahilan para mapalunok ako. Nabaling ang mga mata ko sa mga letratong hawak niya. Letrato na kuha kanina habang nasa mall kami ni Luke. Letrato habang nagtatawanan kami. May letrato na nasa kotse kami. May letrato na sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa, at marami pang iba. Nagtataka ko siyang tiningnan sa kabila ng takot na nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Anong ibig sabihin nito? "Pinapasundan mo ba ako, k-kuya?" Nag-igting ang mga panga niya at hinawakan ako nang mahigpit sa braso dahilan para mapaigik ako sa sakit. "Just answer me, DAMN IT!" Napapikit ako at muntik nang mapatalon sa gulat dahil sa pagsigaw niya. Kinaladkad niya ako paakyat sa kwarto niya. Pagkapasok namin, agad niyang nilock ang pinto, at sinandal ako sa pader. "Kuya, w-what's happening to you? Y-you're hurting me again." Naluluha na ako sa pananakit niya. "Fcvk it, Dara! Stop crying. It's your damn fault!" Matalim niyang bitaw ng salita sa akin. Humihikbi na ako pero parang wala lang siyang naririnig. Nagulat ako nang bigla niyang suntukin ang pader sa gilid ko. Napapikit ako. Nawala bigla ang takot ko sa kanya at napalitan ito ng pag-aalala nang makita kong may tumutulong dugo sa kamao niya. Napapikit ako nang mariin. Sinasaktan na naman niya ang sarili niya. "K-kuya. You're bleeding." Hindi niya pinansin ang sinasabi ko katulad ng hindi niya pagpansin sa pagdurugo ng kamao niya. Bagkus mas tinaliman niya lang ang titig sa akin habang hindi pa rin ako pinapakawalan mula sa pagkaka-trap ko sa magkabilang braso niya at ng pader sa likod ko. Agad namang nagragasa ang kaba at takot sa dibdib ko nang makita kong nagdilim bigla ang expression niya sa mukha. "K-kuya." Hahawakan ko sana siya para pakalmahin pero hinawakan niya ako nang mahigpit sa magkabilang braso ko at agad akong napatingala sa kanya nang magsalita siya. "How many times do I have to tell you to stay away from those assholes?!" Galit na galit niyang saad. Bakit ba lagi na lang siyang nagagalit? Napahagulgol na ako. "K-kuya, bakit ba ganyan ka magalit?! Parang n-nakikipagkaibigan lang naman sila sa akin eh." Naiiyak kong turan sa kanya. Ayaw ba niya akong maging masaya? Ayaw niya ba akong magkaroon ng kaibigan? Wala na siyang ginawa kundi palayuin sa akin ang mga kaibigan ko. "Because your attention is mine. Your heart is mine! Your mind, your soul, your body is mine! Because you're mine! You are mine. Only mine!" Galit na galit at paulit-ulit niyang turan sa akin kasabay ng pagyugyog niya sa magkabilang braso ko na para bang gusto niyang itatak ko 'yun sa isip ko. Paulit-ulit niya 'yun sinasabi kasabay ng pagtagis ng bagang niya. And the next thing he did was the thing I never expected him to do: He aggressively pressed his lips against mine. na nakapagpagulat sa akin. - -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD