CHAPTER 3

1535 Words
[DARA SHIN NORVILLE's P.O.V.] Vacant time at dito ako dumiretso sa likod ng campus pool area kung saan tahimik at walang ibang tao. Kitang-kita mula dito sa pwesto ko ang labas ng campus kahit na medyo malayo ito. Walang ibang nagagawi dito dahil siguro may kanya-kanya silang hangout place. Nilabas ko ang picnic mat na lagi kong dala dito sa school at nilatag na malapit sa puno ng narra kung saan ako laging nakapwesto. Pagkaupo ko, nilabas ko na ang lunchbox ko na ginawa ni kuya kanina. Yes. Si kuya lagi ang nagluluto 'pag ako ang kakain. Hindi niya hinahayaan na may ibang magluto para sa akin. Gusto niya, siya lang. Pero dito sa school lalo na at culinary ang kinukuha kong course. Syempre hindi maiiwasan na makatikim ako ng pagkain na hindi siya ang nagluto. Pagbukas ko, caldereta pala ang niluto niyang ulam. My favorite. Natatakam na tuloy ako. Kahit na sinabi ko sa kanya kanina na ako na lang ang magluluto dahil marunong naman ako since 'yun ang major ko, eh hindi siya pumayag. Nagagalit lang siya. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ba gustung-gusto niya na siya lang ang magluto para sa akin. I tried to ask him pero nagalit lang siya nang tanungin ko sa kanya 'yon. Kaya naman hindi ko na sinubukan ulit magtanong at hinayaan na lang siya. Tutal, 'yun lang naman ang gusto niyang gawin sa akin eh, ang ipagluto ako. Kaya hindi na rin kumuha ang parents namin ng mga maids and chefs dahil hindi naman din tumatagal dahil kay kuya. Hindi naman din magawang magalit nila daddy kay kuya dahil ang laki ng naitutulong ni kuya para sa kompanya. Hindi alam nila daddy kung paano ako tratuhin ni kuya, kung gaano ka-overprotective sa akin si kuya. Dahil halos doon na sila tumira sa states and once in a blue moon lang sila kung umuwi dito. Pero kahit ganon, hindi ko nagawang magtampo sa kanila, dahil wala naman akong nakakapang galit sa puso ko para sa kanila. Hindi rin naman kasi sila nawawalan ng oras na tumawag sa amin through skype. Twice a month naman silang nakakatawag at kinukumusta kami. Hindi ko alam kung bakit hindi ko rin masabi sa kanila ang mga kinikilos ni kuya. But these past few days, since they went back to the States, I haven't had a chance to talk to them. I sighed at that thought. Hindi ko alam kung kailan ulit sila makakatawag. I missed my parents. Wala akong pakealam kahit sinabi man ni kuya na hindi ko dapat iniisip ang ibang tao, even our own parents. Duh. He can control me, but he can't control my mind. Tch. Winaksi ko na lang sa isip ko 'yung mga isiping 'yun at pinagpatuloy ko na lang kainin ang lunch ko. Kahit papaano, napapangiti ako ni kuya sa pamamagitan ng mga luto niya. Ang sarap talaga niya magluto. Habang kumakain ako, naramdaman ko bigla ang pag-vibrate ng phone ko sa bulsa ko. Binaba ko muna ang lunchbox sa picnic mat at pinatong ang spoon and fork sa box bago ako uminom muna ng tubig sa tumbler ko. At saka ko kinuha ang phone ko para sagutin ang tawag. Pagtingin ko sa screen, agad na kumabog ang puso ko at napalunok ako sa kabang nararamdaman. Feeling ko, namamawis ang mga palad ko. Ugh. Bakit siya napatawag? I slide to answer, saka ito tinapat sa tenga ko nang may nanginginig na kamay. "H-hello?" I stuttered. Tch. "(What took you so long to answer your phone?! Damn it!)" Narinig ko ang madiin na boses ni kuya. Napapikit ako dahil doon. Galit na naman siya. Ayaw niya pa naman pinaghihintay. "S-sorry, kuya. I was eating my lunch and--" "(Who's with you?!)" Putol niya na may halong pagbabanta. "W-wala po." I heard him smirk. "(Good. I will fetch you later after your class. Don't go anywhere.)" Matalim pa rin ang tinig niya na punung-puno ng awtoridad na hindi pwedeng tanggihan. "S-sige po, kuya." Pagkatapos kong sabihin 'yun, narinig ko na lang ang pag-end ng call. Napahinga naman ako nang maluwag. Hindi ko namalayan na halos hindi na pala ako humihinga habang kausap si kuya sa kabilang linya. I was about to continue my lunch when I heard a familiar voice from behind me. "Hey, you're here." Napalingon ako at nakita ko na naman ang nakangiting mukha ni Luke dahilan para lumiit na naman lalo ang mga mata niya. I smiled back. Pero paano niya nalaman na nandito ako? Mukhang napansin niya ang pagtataka sa mukha ko kaya naman nagsalita ulit siya. "I was just walking when I saw you and decided to come here." Nakangiti pa rin siya. "Ganon ba? Tara sabay na tayo kumain." Saad ko nang nakangiti rin naman. Umupo siya sa tabi ko at nilapag niya sa picnic mat ang lunch niya na mukhang binili niya sa cafeteria. Nagke-kwentuhan lang kami habang kumakain. Nalaman ko na nag-iisa lang pala siyang anak. Dito rin siya sa Pilipinas nagtapos ng elementary pero pagka-graduate niya ay nag-migrate sila ng parents niya papuntang New york kaya doon na siya gumraduate ng high school at nagtapos ng first year college hanggang first semester ng second year. Umuwi lang pala sila dito sa Pilipinas para umattend ng birthday ng anak ng bestfriend at business partner ng daddy niya, which is ako. Tinanong ko siya kung bakit dito na siya nag-aaral ngayon, sabi lang niya na nag-transfer siya dito. Gusto ko sanang itanong kung bakit pero masyado na 'ata akong nagiging matanong tungkol sa personal niyang buhay kaya winaksi ko na lang 'yun sa isip ko. Ang dami kong nalaman tungkol sa kanya, mahilig din pala siyang magluto kaya ito ang kursong kinuha niya. Marami rin kaming similarities kaya nakakatuwa rin siyang kasama. Masaya ako na kasama ko siya. Sana, mas maging matalik pa kaming magkaibigan. Natapos na kaming kumain. Pagkatingin ko sa wristwatch ko, may thirty minutes pa bago ang sunod na klase which is ang major namin. Kaya nagdesisyon kaming tumambay na lang muna dito. Habang nagke-kwentuhan at nagtatawanan kami, hindi ako mapakali pero hindi ko na lang pinahalata sa kanya at tinago na lang ang pagkabalisa ko sa pagtawa sa mga jokes niya. Pakiramdam ko kasi, may mga mata na naman na nagmamasid sa akin. Lihim akong lumingon-lingon sa paligid. "Dara, are you alright?" Napalingon ako kay Luke nang tanungin niya 'yun. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Hindi ko magawang magsalita kaya tumango na lang ako at pinilit kong ngumiti. Pinanliitan niya ako ng mata na para bang sinusuri ako. "You don't seem fine." May pagdududa ang tinig niya pero bakas pa rin ang pag-aalala sa boses niya. Magsasalita na sana ako nang maramdaman ko na naman ang pag-vibrate ng phone ko sa bulsa. Kinuha ko ito at mas lalong bumilis ang kabog ng puso ko nang tingnan ko ang caller id. Kuya calling... Sinenyasan ko si Luke na tumahimik muna kaya tumango lang siya kahit na may pagtataka sa mukha niya. Pagkatapos sinagot ko na ito after ng ilang ring. "K-kuya." I gulped to calm myself. "(Enjoying your lunch and laughing with that asshole?!)" Mapanganib na tinig ni kuya dahilan para mabitawan ko ang phone ko. Paano nalaman ni kuya na magkasama kami ni Luke? Sht. Nabitawan ko ang cellphone ko habang kausap si kuya. Hindi agad ako nakasagot. Dali-dali ko itong kinuha at tinapat ulit sa tenga ko. "A-ahm." Hindi ko alam ang isasagot ko. Patay. Ginala ko ang paningin ko hanggang sa napadako ang mga mata ko sa labas ng campus. And there he is, leaning on his own car while looking at me intently. Hawak niya ang phone niya na nakatapat sa tenga niya habang ang isang palad naman niya ay nakakuyom na. Agad na naman ang pagragasa ng kaba sa dibdib ko. "K-kuya," Narinig ko siyang ngumisi sa kabilang linya. "(Tell that asshole now to stay away from you!)" Mapanganib pa rin ang boses niya pero hindi ako nagpatinag. Napapikit ako nang mariin at nagbuntong hininga para pakalmahin ang sarili ko. "No!" Nagmatigas na ako kay kuya. Sumosobra na kasi siya. Hindi na nakakatuwa 'yung pagiging overprotective niya. "(Sinusuway mo ba ako, Dara Shin Norville?!)" Galit na galit na siya pero ayoko. I won't tell Luke to stay away from me. "No. I won't do that." "(Ginagalit mo ba talaga ako, Dara?! Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa lalaking 'yan kaya layuan mo siya!)" Mababakas pa rin sa boses niya ang sobrang galit. Napipikon na talaga ako sa kanya. "Ewan ko sa'yo!" Binabaan ko na siya ng phone at napa-cross arms na lang habang nakabusangot. "Hey, you alright?" Saka ko lang napansin na nandito pa pala si Luke. Nilingon ko siya. At nang tingnan ko ang mukha niya na puno na naman ng pag-aalala, realization hit me. Nanlaki ang mga mata ko at napabalik ang tingin ko sa labas at sinundan din naman ni Luke ng mga mata niya ang tinitingnan ko kung saan nandoon pa rin si kuya. Na ngayon ay nagtatagis na ang mga bagang habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa direksyon namin. Napababa ang tingin ko sa mga kamao niya na ngayon ay namumuti na sa pagkakakuyom. Sht. Binabaan ko ng phone si kuya. Lagot. - -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD