Warning: This content is intended for mature audiences. [DARA SHIN NORVILLE's P.O.V.] "I love you so much, Dara." Pagkatapos niyang ibulong sa akin 'yun, bahagya niyang nilayo ang labi niya sa tainga ko. At dinikit niya ang kanyang noo sa noo ko dahilan para bumilis na naman ang pagtibok ng puso ko. Kitang-kita ko kung paano pumikit nang dahan-dahan ang kanyang mga mata na para bang dinadama niya ang katawan ko sa katawan niya. Maya-maya lang, nagdilat siya ng mga mata at diretsong tumitig sa akin na para bang hinihigop niya ang kaluluwa ko. Naduduling na rin ako sa sobrang lapit ng distansya namin sa isa't-isa. Napakagat-labi ako dahil doon. Nagbaba siya ng tingin sa mga labi ko. At ilang segundo lang ang nakalipas, unti-unti na niyang nilalapit ang labi niya sa nakaawang ko nang m

