Chapter 10

1255 Words
Hera Garcia Pinagmamasdan ko lang ang mga katulong at kinuhang catering ni Dad na kasalukuyang nag-aayos sa garden kung saan gaganapin ang birthday party namin ni Hero. Mascaquerade ball ang tema ng party namin. Ayaw pa nga sana ni Hero. Gusto niya parang prinsipe at prinsesa kaming dalawa. May pagka-isip bata kasi ang isang 'yun. "Happy Birthday Ate. Ito nga pala ang regalo ko sa'yo. Pasensiya at 'yan lang nakayanan ko medyo gipit ako ngayon sa pera." ani ni Shane sabay abot sa'kin ng isang maliit na box na may kulay pulang ribbon. Si Athena Shane ang sumunod sa'kin. Actually, hindi naman talaga kami totoong magkapatid. Inampon siya nina Mommy at Daddy nang mamatay ang matalik na kaibigan ni Dad at walang kilalang kamag-anak ang kukupkop sa kanya dahil parehong lumaki sa bahay ampunan ang mga magulang niya. Gano'n pa man ay ituring ko pa rin siya na paramg tunay na kapatid. Actually, dalawa silang inampon nina Dad, 'yung isa si Tanya pero si Tanya ay totoong kamag-anak ko. Anak siya ng kapatid ni Dad at nang namatay ito ay inahabilin kay Dad si Tanya. "Ano ka ba ayos lang. Kahit hindi mo na ako bigyan. Ang importante lang naman sa'kin ay makasama ko kayong mga kapatid ko sa birthday ko." Totoo 'yun, bihira na kasi kaming magkasama-sama. Itong si Shane, bumukod sa'min mulan no'ng makapagtapos siya ng pag-aaral. Gusto niya raw tumayo sa sarili niyang mga paa. Ayaw pa nga siyang payagan ni Dad no'n dahil baka kung mapano ito at malayo kami sa kanya at laging sinasabi ni Dad na 'mga baby pa raw niya kami' na siya naming agad ikinangiwi. Sa huli, walang nagawa si Dad at sinuportahan ang desisyon ni Shane. "Ang ganda naman tingnan ng view na naabutan ko." Sabay kaming napalingon ni Athena Shane sa likod at nakita namin si Tanya na may bitbit namang maliit na kahon. "Happy Birthday, Ate Hera." Sabay abot niya sa'kin ng kahon na may pula ring ribbon. "Nag-abala pa talaga kayo. Anyway, salamat dito." "Siyempre, ate ka namin kaya group hug!" Masayang ani ni Tanya sabay yakap sa amin ni Shane. Gumanti na rin kami ng yakap ni Shane. "Ang mga prinsesa ko." Agad kaming napakalas ng yakap sa isa't isa at sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. "Papz, sali po kayo. Girls, group hug uli kasama si Papz." ani Tanya. Sabay naming niyakap si Dad. -----***----- Alas otso ng gabi ang simula ng party ngunit alas sais pa lang ay puno na ang venue ng mga kilalang businessman at iba pang bisita. Lahat sila ay may kanya-kanyang suot na maskara. "Ate, ang dami taga-media sa labas." ani ni Shane. "Nakakainis naman kasi 'yang si Heroshi. May pa announcement-announcement pa siyang nalalaman, e, alam naman nating lahat na gustong-gusto nun ibalandara ang mukha sa madla. Si Papz naman, sinusuportahan ang spoiled bratt na 'yun." ani ni Tanya. Pareho kasi kaming magkakapatid na ayaw ng exposure. "Hayaan mo na ngayong gabi lang naman." "Na sana ini-enjoy mo dahil birthday mo. Kapag ako nag-birthday ipapa-banned ko talaga 'yang Heroshi na 'yan." ani ni Tanya. "Sama nito. Anyway, Ate nand'yan na sina Tay Igme. Nasa likod bahay sila. Nahihiya raw silang pumasok." ani ni Shane. "Salamat, Shane. Sige pupuntahan ko sila." Agad kong pinuntahan sina Tatay Igme sa likod. Sila pa naman ang espesyal na mga bisita ko. "Tay, Nay, mabuti't nakarating po kayo. Teka, nasa'n po si Junjun? Hindi niyo ata kasama." "Ayon, ayaw sumama. Nahihiya raw siya." ani ni Nay Senda. "'Yung bata talagang 'yun." Napakamahiyain pero pagdating sa skwela halimaw ang isang 'yun. "Ito nga pala ang regalo namin sa'yo. Pagpasensiyahan mo 'yan lang ang nakayanan namin ng Tatay Igme mo." ani ni Nay Senda sabay abot sa'kin ng isang maliit na bilao. Alam ko na ang laman nito. May favorite. Palabok. "Nag-abala pa po kayo. Salamat po." "Anak, hindi mo naman sinabi na mga kilalang negosyante at artista ang mga bisita mo. May mga taga-media pa." ani ni Tay Igme. "Nah. Hindi ko 'yun mga bisita Tay. Mga bisita 'yun ni Dad at ng pinsan ko. Pareho kasi kami ng birthday ni Hero at isa po siyang model. Naiinis nga ako kung bakit may taga-media pa. Mabuti na lang at pumayag sila ng masquerade ball ang tema ng party kahit papano hindi nila ako makikilala. Ayokong ma-expose sa madla. Gusto ko lang ng pribadong buhay." "Kaya nga gustong-gusto ka namin dahil hindi ka tulad ng ibang mayaman. Matapobre." ani ni Nay Senda. Ningitian ko lang si Nay Senda. Ayoko ng magbigay komento pa. "Hali na po kayo. Pasok tayo." "Anak, hindi ba nakakahiya. Hindi nababagay itong damit namin sa party mo. Uuwi na lang kami." ani ni Tay Igme. "'Wag po kayong umuwi. Kayo lang po ang bisita ko at saka ako na po bahala sa susuotin niyo. Tara na po." Dinala ko sina Tay Igme at Nay Senda sa guest room. Nando'n kasi ang mga susuotin at maskara nila na gawa ni Tanya. "Ang gwapo ko rito, Senda para akong isang mayaman tingnan dito." ani ni Tay Igme habang nakaharap sa salamin. "Hanggang sa pangarap ka na lang, Igme." ani ni Nay Senda habang mini-make up-apan na kinuha kong make up artist. Agad akong lumapit sa pinto nang may kumatok. "Ate, magbihis ka na. Malapit na mag-umpisa ang party. ani ni Shane. "Sige. Ikaw na ang bahala kina Tay Igme." Nakilala na rin ng mga kapatid ko sina Tay Igme at Nay Senda. "Walang problema, Ate ako na ang bahala sa kanila." ani Shane. "Nay, Tay, magbibihis po muna ako. Si Shane po ang bahala sa inyo." Paalam ko sa kanila. "Sige anak, 'wag mo na kaming alalahanin." ani ni Nay Senda. -----***----- Isinuot ko ang aking maskara na kulay silver na may color blue na design terno sa gown ko habang nakaharap sa full lenght mirror. "Your very beautiful my daughter." Nakita ko mula sa salamin si Daddy na nakatayo sa may pintuan ng kwarto ko. "Happy birthday sweety." aniya habang lumalapit sa'kin. "Thank you for everything, Dad." saka ko siya niyakap. I'm so thankful to have a daddy like him. "This for you, sweety." Naramdaman kong may nilagay siya sa leeg ko. Isang kwentas. "This is beautiful. Thank you, Dad." "Your always welcome, sweety. So, shall we?" Inangkla ko ang kamay ko sa braso ni Dad saka kami lumabas ng kwarto. -----***----- "Good evening ladies and gentlemen. Let's all welcome the birthday celebrants Heroshi Davin and Heranaya Davin." Pahayag ng host. Inalalayan naman ako ni Hero hanggang paakyat sa stage. Pareho pala kami ng mask ni Hero. Ito talagang lalaking to walang originality. Pag-akyat namin sa stage puro flash ng camera ang nakikita ko. "Ahm. Good evening everyone thank you for coming in our birthday." ani ni Hero sabay akbay sa akin.. "Thank you for coming and enjoy the rest of the night." Pagkatapos kong sabihin 'yun ay bumaba na ako ng stage. May i-a-announce pa kasi si Hero. Kung ano 'yun ay hindi ko alam. Mabilis ang aking hakbang para pumunta sa table nina Tatay Igme. Sa pagmamadali ko nasagi ko 'yung lalaking may dalang wine at buhos ang lahat ng laman nun sa suot niya. "I'm really sorry, Mister." Kinuha ko ang panyo ko sa pouch na dala ko at dali-dali kong pinunasan ang damit niya. "Pasensiya na po. Hindi ko talaga sinasadya." "Ako na." ani nong lalaki sabay kuha ng panyo ko. "Sorry po ulit." Nakatungo kong sabi. "Bro!" Tawag ng isang lalaki sa kaharap kong lalaki at walang ano-ano'y umalis tangay ang panyo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD