Chapter 15

1008 Words
Carlos Jay Cervantes "Ang lapad naman ata ng ngiti mo? Mukhang merong magandang nangyari sa'yo r'yan." ani ni Ate Paris sa kabilang screen. Ngayon lang ulit kami nakapag-usap ni Ate Paris dahil sa dami ng ginagawa ko sa kompanya. Simula nang ipasa sa'kin ni Tanda ang posisyon niya ay naging abala na ako. Hirap na hirap ako no'ng una dahil nga wala akong exprience sa pagpapatakbo ng kompanya. Kahit naman tinuruan ako ni Hera ay wala pa rin akong tiwala sa sarili ko. Mabuti na lang at nand'yan si Hera inaalalayan ako. "Kumusta ka naman? May umento na ba sa plano mo?" Hindi ko pa na i-kwento kay ate Paris ang naging progress ng plano ko naging abala kasi ako sa unang project ko. "Hindi na niya ako sinusungitan." "Mabuti kung gano'n. Ipagpatuloy mo lang 'yang ginagawa mo." "Madalas na rin kaming lumalabas pero-" Napatakip ako ng tenga nang bigla siyang tumili. "OMG! Iba talaga ang karisma mo pagdating sa babae." "Pero wala naman kaming espesyal na napag-usapan puro tungkol trabaho pa rin ang pinag-uusapan namin." Nagbago ang ekspresyon niya sa sinabi ko. "Anong klaseng babae ba 'yan at puro na lang trabaho ang nasa isip. Wala bang social life 'yan?" "Ewan baka-" Naputol na naman ang sinasabi ko nang muli siyang magsalita. "O my! Manang ba ang babaeng 'yan? Paano siya nagustuhan ni Dad? Given na bata pero hindi ko ma-imagine na may affair si Dad na isang manang." Sinend ko kay ate ang stolen shot picture ni Hera na kuha ko. "Sino 'to? Wrong send ka ata." "'Yan si Hera." Nakita kong nanlaki ang mga ata ni Ate. "Di nga. Siya 'to? Kaya pala laging bukang bibig ni Dad ito. Ang ganda naman pala ng babaeng 'to pero mas maganda pa rin ako at saka isa siyang kabet kaya hindi kami magkalevel ng kagandahan." Ito na naman po tayo, ang kapatid kong singtalay ko ang kahanginan. "Speaking of Dad, kumusta siya r'yan?" "Ayun nasa mall nagsha-shopping kasama si Tito Rodrigo sakto rin kasing nandito ito sa Los Angeles para sa isang conference." Simula ng ako na ang pumalit kay Tanda puro na lang ito bakasyon at pasarap sa buhay. "Kailan daw siya uuwi rito sa pilipinas?" Sana matagal pang umuwi si Tanda para mahaba-haba pa ang panahon ko para agawin si Hera sa kanya. I mean, mailayo si Hera sa kanya. "Hindi ko alam. Wala naman siyang sinabi. Sa tingin ko hindi magtatagal uuwi rin si Dad d'yan. May namimiss daw siya r'yan sa pilipinas. Sa tingin mo ba ang kabet niya ang tinutukoy niya?" Wala namang ibang mamimiss si Dad kundi Hera lang. Hindi naman kaming mga anak niya ang tutukuyin niya dahil hindi naman siya showy pero alam namin na mahal na mahal kaming lahat ni Tanda. Siyempre nanggaling kami sa kanya. "Siguro. 'Wag kang mag-alala sa pagbabalik ni Dad sisiguraduhin kong mahuhulog na sa'kin si Hera." Fig Wala na 'tong atrasan. Gagawin ko lahat mapa-ibig si Hera. "Siguraduhin mo nakasalalay sa'yo ang kinabuksan nating lahat at ang kompanya natin." Kailangan kong makaisip ng plano para makuha ko na talaga ang puso ni Hera. "Sige Na CJ arang dumating na ata si Dad. I-ikamusta mo na lang ako sa iba pa nating kapatid d'yan." "Walang anuman Ate." -----***----- Hera Garcia "Mga bakla, mauna na ako sa inyo. May date pa kami ng jowa ko." ani ni Mikey saka naunang umalis. "Ako rin Hera magkikita pa kami ni Hero para sa food tasting namin." ani naman ni Myla. "O siya umalis na kayo. Aalis na nga't lahat-lahat nang iinggit pa." Bubulong-bulong na ani ko. Kainis naman kasi kung bakit ngayon pa naisipan ni CJ na pa-over tymin ako, e, ngayon ang uwi ni Dad galing sa conference sa Los Angeles. Alas dyes na ng gabi nang matapos ako. Matawagan na nga si Tatay Igme para masundo ngayon gabi na kung magje-jeep ako. Muntik ko ng makalimutan pinaayos pa pala ni Tatay Igme ang taxi niya at bukas pa makukuha. Wala akong ibang choice kundi ang mag-abang ng masasakyan. "Nag-overtime ka rin pala?" ani ko nang makita si CJ pagkabukas ng elevator. Pumasok na ako at pumwesto sa kabilang panig ng elevator. "May tinapos akong importante at kailangan kong ipasa sa board bukas. Pauwi ka na? Ihahatid na kita gabi na at napadelikado sa isang tulad mo kung mag-aabang ka pa at saka wala ng masyadong bumabyahe ngayon." aniya. "Salamat, CJ. Hindi talaga ako tatanggi." Salamat naman at hindi ko na kailangan pang mag-abang pa ng masasakyan. "Anong nangyari?" ani ko nang biglang tumigil ang elevator at namatay ang lahat ng ilaw. Agad sinalakay ng kaba ang puso ko. Takot ako sa madilim at masisikip na lugar. Dali-dali kong kinapa ang cellphone ko sa bag ko at nang mahawakan ko ito ay agad kong kinuha. Nadismayang binalik ang celphone ko sa bag. Wala rin namang silbi dahil nang tingnan ko ito ay 5% na lang ang battery. "CJ may cellphone ka ba r'yan?" Pilit kong kinakalma ang sarili ko. Kung magpapanic kasi ako lalong mawawalan ako ng hangin. "Naiwan ko sa opisina. Mukhang bukas pa tayo makakalabas dito. Hanggang 7pm lang kasi ang mga operator dito." Nabaliwala ang pagpapakalma ko sarili ko at nagsimulang mag-panic sa sinabi niya. Hindi pwede 'to. Hindi ako makakatagal ng ilang minuto sa ganitong klaseng lugar. Ano pa kaya isa, dalawa o higit pang oras. "Hin-di pwe-de to." Garagal na ang boses ko. "Anong nangyari sa'yo, Hera? Teka, 'wag kang gagalaw r'yan lalapitan kita." "Ta-kot a-ko sa madilim at masisi-kip na lugar. Hin-di a-ko maka-hinga." "Sandali, asan ka ba? A, ito. Halika humilig ka sa'kin." Sinunod ko ang sinasabi niya. "May kung ano ka bang pamaypay r'yan?" Kinuha ko ang pamaypay ko at inabot ko sa kanya. Pinaypayan niya ako habang nakahilig sa kanyang balikat. Medyo bumuti ang pakiramdam ko. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" "Medyo ayos na. Salamat." "Mabuti naman. 'Wag mo ng masyadong isipin ang sitwasyon natin para hindi ka mag-panic ulit. Sige magpahinga ka lang d'yan. Dito lang ako." Sa sinabi niya unti-unting namimigat ang mga mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD