Chapter 13

1000 Words
Carlos Jay Cervantes Hinatid ko na palabas ng kompanya si Ana? Anne? Angie? Ewan, nakalimutan ko ang pangalan ng babaeng 'yun. Nakilala ko siya kagabi sa bar. Hindi ko inaasahan na makikita ko pa siya pagkatapos ng nangyari kagabi. At mas lalong hindi ko inaasahan na maabutan kami ni Hera sa loob ng elevator kanina. "Baby, just call me. I'll wait for you." aniya. "Don't worry. I'call you." Asa naman siyang tatawagan ko pa siya. "Bye, Baby." aniya saka hinalikan ako sa lips. Hindi pa talaga siya nakontento kanina. Tsk. "Bye. Take care." saka ko isinirado ang pinto ng taxi. "Manong, kapag bumalik o hinanap ako ng babaeng 'yun sabihin mong nasa ibang bansa na ako naka-assign. Basta 'wag niyong papapasukin ang babaeng 'yun." Bilin ko sa gwardya. "Opo, Sir." Tinanguhan ko ang gwardya bago pumasok sa loob. Isa na lang ang problema ko si Hera. Bakit ba kasi dumating pa 'yung babaeng 'yun? Paano ko pa mapapabago ang isip ni Hera tungkol sa'kin. Ang tanga-tanga ko rin kasi imbes na ilayo ko sa'kin 'yung babae pinatulan ko pa. Tawagan ko kaya si Ate baka may maganda siyang suhestiyon. "Hello Ate?" "Napatawag ka CJ? Kumusta ang plano mo?" ani ni Ate sa kabilang linya. "Hindi ko pa nasisimulan mukhang palpak na ang plano ko." Parang nawalan na ako ng pag-asang matagumpay ang plano ko. "Paano mo nasabi 'yan?" "E, kasi Ate nahuli niya akong may kahalikan sa loob ng elevator." "E, bakit ka naman d'yan ka nakipaghalikan. Paano kung si Dad ang nakakita sa'yo? Naku naman CJ kontrolin mo nga 'yang pagiging playboy mo." "Kaya nga Ate, anong gagawin ko? Bad shot na bad shot na ako sa paningin ni Hera." "Umpisahan mo kaya sa paghingi ng paumanhin sa nakita niya kanina at tigilan mo na ang pambabae mo. Ipakita mo sa kanya na nagbago ka na kung gusto mong successful ang plano mo." Salamat kay Ate bumalik ang kagustuhan kong maikasatuparan ang plano ko. "O sige na, ibaba ko na 'to may pupuntahan pa akong art exhibit. 'Wag ka na ulit magloko-loko r'yan. Goodbye, brother." aniya saka pinatay ang tawag. Tama si Ate, titigilan ko na munang mambabae at mag-focus sa pagpapaamo kay Hera. Sa ngayon, hihingin muna ako ng despensa sa nasaksihan niya kanina. "Lyn, papuntahin mo si Ms. Garcia rito." ani ko kay Lyn mula sa pagitan ng intercom. Mayamaya'y tumunog ang intercom ko. "Sir, nandito na po si Ms. Garcia. Papapasukin ko na ba." ani ni Lyn. "Papasukin mo na." Umayos ako ng upo nang bumukas ang pinto. "Pinatawag niyo po raw ako, Sir CJ?" Walang ganang aniya. Alam ko na kung bakit ganyan siyang makipag-usap sa'kin. "Maupo ka. Anyway, drop that 'Sir' kapag tayo lang dalawa." Nakita ko ang pangungot ng noo niya. "Nakakaasiwa kasi alam mo na. Siyempre, naging mentor kita sa loob ng isang buwan. Mataas ang tingin ko sa'yo kaysa posisyon ko." Mas lalong nangunot ang noo niya sa mga pinagsasabi ko kaya hindi na niya natiis at nagtanong. "Saan ba pautungo ang usapan na 'to? Akala ko ba pag-uusapan natin ang nalalapit nating project?" 'Yun ba ang sinabi ni Lyn kaya mabilis siyang nakapunta rito sa opisina? Ang galing naman pa lang mang-uto ng isang 'yun. "Actually, kaya kita pinatawag dito ay dahil gusto kong humingi ng despensa sa nasaksihan mo kanina sa elevator." Mahinang ani ko na sakto lang na marinig niya. Kunot-noong nakatitig pa rin siya sa'kin. Tinatansya siguro nito kung nagsasabi ba ako ng totoo. Hindi ba talaga kapani-paniwala ang pagmumukha ko? "Bukal sa loob ko talaga ang pagpahingi ng despensya. Ayoko ng may nag-iisip sa'kin ng masama saka pangako hindi na mauulit ang gano'ng eksina rito sa kompanya." Maniwala ka na para matapos na ang usapan. "Fine. Basta 'wag na maulit 'yun. Mabuti na lang at hindi si Mr. Cervantes ang nakakita sa inyo." Baka inatake na 'yun sa puso. "Paano 'yun lang ba ang pag-uusapan natin? What about the proposal?" aniya. "'Yung proposal nasa mesa na ni Dad. 'Wag kang mag-alala oras na mabasa 'yun Dad tatawagan agad kita." "Sige. Aalis na ako." Tatayo na sana siya nang pigilan ko ng braso. "Bakit may kailangan ka pa?" Ito na, gagawin ko na ang susunod na steps ko. "May gagawin ka ba this lunch break?" "Wala naman. Bakit?" aniya habang despensa." Ayan na naman ang mga titig niya. "Sige pumapayag na ako. So, ano pwede na ba akong umalis? May marami pa akong gagawin." "Wala na. Basta mamaya usunduin kita sa opisina mo." "Kahit 'wag na. Sa baba na lang tayo mag-abot." "Okay. Kinakits later." -----***----- "Madalas ka ba rito?" aniya habang pinaghila ko siya ng upuan. "Hindi. Ngayon lang din ako nakapunta rito. Nakita ko lang din kasi ito sa internet kaya ito susubukan natin ang pagkain nila." Tumawag ako ng waiter at sinabi ang mga order namin ni Hera. "We will serve your food immediately." ani ni waiter bago pumanhik sa pantry. Nagkwentuhan lang kami ni Hera habang hinihintay ang order namin. Puro tungkol sa kompanya at kay Tanda ang kinukwento niya. Malaki ang pasasalamat niya kay Tanda dahil kung hindi raw rito hindi siya makakapagtrabaho sa kompanya. "Kaya kung ano man ang nais ipagawa ni Mr. Cervantes ay gagawin ko." aniya. "Kasama ba ro'n ang pakikipag-relasyon mo kay Dad?" Sa isip ko. "Maswerte kayo at nagkaroon kayo ng ama na tulad ni Mr. Cervantes." aniya. Kung alam mo lang kung gaano ka unfair si Tanda sa aming magkakapatid. Mayamaya'y dala na ng waiter ang mga order namin. "Here's your order, Sir, Ma'am. Enjoy your food." ani nito saka muling pumasok sa pantry. "Kumain na tayo." -----***----- "Thanks for the treat." aniya nang ma-i-park ko ang kotse sa parking lot ng kompanya. Inaamin kong nag-enjoy ako sa lunch namin. "Salamat din. Nag-enjoy ako sa lunch natin." "Ako rin. Paano mauna na ako sa'yo. Alam mo na at para na rin makaiwas sa tsismis." Oo nga naman, grabe kung magtsismisan 'tong mga empleyado kaya nga nalaman ko ang tungkol sa mga kinikilos ni Tanda at Hera.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD