RFUE Chapter 7: Isang Malaking Pagkakamali (Part 3)

2010 Words
Jeonho's P.O.V Narinig ko biglaan ang komprontasyon ni Eri, ama ni Eri at ni Sister Remy. Nakita ko rin kase at naramdaman ko ang sinapit ng tatay ni Eri. Lumabas ako at nang aakmang susugurin ko na sya ay bigla naman syang bumaril ng paitaas. "Tumigil ka, Jeonho!" ang galit ng tatay ni Eri sa akin. Kumopronta ako at nagtanong: "Bakit ako titigil? Isang malaking pagkakamali ang ginawa mo talaga! Minahal ko ang nanay ni Eri more than anything else. Pero, ano po ginawa ninyo? Dinamay mo ang damdamin ng nanay ko dahil sa inyo. Sinira mo rin ang pagkatao ng nanay ko. Tignan ninyo kung anong kinasapitan nya." Tinuro ko ang kwarto na kung nasaan ang nanay ko at tuluyang pumasok sa kwarto ang tatay ni Eri. Natigilan ang tatay ni Eri at biglaang pumasok sa kwarto. Binitiwan nya ang baril na pinutukan nya. Pagpasok ng ama ni Eri sa kwarto ng nanay ni Jeonho ay matinding hinagpis at matinding iyak ang nabulalas nya. "Isa talagang pagkakamali ito. Nadamay ang nanay ni Jeonho dahil sa akin. Tama si Jeonho. Talagang isang malaking pagkakamali ito," ang sabi ng tatay ni Eri. "Tapos sasabihin nyo sa akin na tumigil ako? Nasaan ang hustisya po? Hindi nyo ba naiintindihan ang sarili nyo? Wala kang kwentang ama kay Eri. Kaya, tama lang na dapat kang parusahan dahil sa ginawa mong kasamaan laban sa nanay ko at nanay ni Eri. Hanggang kailan po ba kayo magkakaganyan? Wala na ba kayong konsensya sa sarili ninyo?" ang matinding galit na sabi ko sa kanya. Hindi na lumaban muli ang tatay ni Eri dahil alam nyang nadamay ang nanay ko dahil sa kinasapitan niya. "Jeonho, tama ka nga. Dapat hindi kita pinigilan," ang matinding pagsisising sabi ng ama ni Eri. Ngunit, naghinagpis ako at lumaban ako ng pabalang at sinabi ko ang mga katagang ito: "The damage has been done. Sinira mo na rin ang emosyon ko. Napakahirap bang sabihin na SORRY? Sumugod ako tapos sasabihin ninyo na tumigil ako? Ano ka? Siraulong tatay ka ba? Wala ka na bang nararamdaman para sa anak mo. Matinding trauma ang kinasapitan ng kasintahan ko. Oo, kasintahan ko ho sya." Nagulat ng biglaan ang tatay ni Eri at lumuhod sa harap nya na nagbabakasakaling mapatawad sya, ngunit, kahit anuman ang gawin kong pagpapatawad ay hindi ko pinatawad ang tatay ni Eri, sabay balik sa kwarto at pinalayas ko ang tatay nya sa harap ko. Umalis ng tuluyan ang tatay ko na hindi nya dala ang baril para hindi na nya ito maputukan at maging ebidensya ito. Agad kaming umalis ni Sister Remy at muling nagpaalam kay Jeonho. Hindi na kami matahimik sa buhay na kinasapitan ng nanay ko at ng nanay ni Eri dahil sa isang walang kwentang ama na nagpakasasang barilin ng ilang beses ang nanay ni Eri at idamay ang nanay ko dahil sa pakikipagbuno nya. Ilang oras na rin ang nakakalipas at tuluyang nakalabas na kami ng ospital dahil naging maganda na ang kalagayan ng nanay ko, ngunit binilin ng doktor na ihiga ko muna ang nanay ko hanggang sa tuluyang gumaling ito sa kanyang kinasapitang sakit dulot ng tatay ni Eri. "Anak, mahal na mahal kita," ito ang isa sa mga salitang binitiwan ng nanay ko ng magkamalay na siya pagkauwi ng bahay namin. "Mama ko," ang hagulgol kong sabi. Labis akong natutuwa dahil sobrang ganda ng kinasapitan ng nanay ko. Pero, inalalayan ko sya at nilagyan ng beddings ang kanyang likod para nakahiga pa rin sya kahit bumangon na sya. "Huwag ka muna daw tuluyang mabangon, mama," ang unang bilin ko sa kanya. "Ako na po munang bahala sa mga gawaing-bahay dahil ikaw pa'y nagpapagaling sa iyong kinasapitan sa tatay ni Eri." "Alam ko yun anak. Responsibilidad mo yan at ako'y nagpapasalamat sa iyo. Susundin ko ang payo ng doktor at sisiguraduhin kong magiging maayos ang kalagayan ko," ang bilin ng nanay sa akin. Agad naman akong gumawa ng isang magandang bagay na kailangang kasapitan ng tatay ni Eri dahil sa ginawa niya sa nanay ko. "Samahan ka na muna ng pinsan mong lalaki na pulis para ipablotter tatay mo. May ebidensya ka namang pinutukan ang baril ng tatay ni Eri nang hindi na tuluyang makawala," ang payo sa akin ng nanay ko. Agad akong tumango. Agad-agad naman akong sinalubong ng pinsan ko at pumunta sa presinto't barangay para ipablotter lahat ng mga nangyare. Nakita lahat din ng pinsan kong lalake ang kinasapitan ng tatay ni Eri kaya alam nya ang lahat ng mga pangyayareng naganap. "Oh, anong ganap natin, Jeonho? Bakit may dala kang baril?" ang tanong ng hepe sa akin. "Dala ko po itong baril, hepe, sapagkat pinutok ito ng tatay ni Eri nang ambagang susugurin ko sya dahil sa sinapit ng nanay ko at ng nanay ni Eri," ang matinding paghihinagpis na sabi ko sa hepe. "Isang beses lang pong pinutok nya ito at tuluyang binaba nang makita ang sinapit ng nanay ko na nasa ospital sya ilang oras na ang nakakaraan," pagpapatuloy ko sabay hagulgol sa harap ng hepe. Naintindihan ng hepe ito at kinuha ang baril bilang ebidensya laban sa ama ni Eri. "Police Inspector Charles," ang bungad ng hepe sa pinsan kong si Charles, "ilahad mo ang buong pangyayareng naganap sa kinasapitan ng nanay ni Eri at nanay ng pinsan mong si Jeonho. Nakikita ko kaseng sincere naman ang pagkakalahad ni Jeonho sa akin." "Sige po. Ito ay nangyare kamakalawa nang nagkaroon ng komprontasyon sa pagitan ng mga magulang ni Eri at tuluyang nakita ni Eri ang lahat ng mga ginawa ng tatay nya sa nanay nya," ang bungad ng pinsan ko sa hepe. "Ipagpatuloy mo," ang sabi ng hepe. Kaagad namang kinwento ang lahat ng pangyayareng naganap. Nang dumating na sa puntong matapos na ang lahat ng pangyayareng naganap na inilahad ay agad dumating sa puntong ang hepe ay napaisip dahil naging mabuting ama ni Eri naman. "Inspector, itatanong ko lang. Bakit naging masalimuot ito? Eh nakita ko namang dinepensahan lang pala ng tatay ni Eri ang kanyang dalagang anak na nasa kumbento. Wala akong nakikitang kasalanan sa kanya," ang tanong ng hepe. Agad sasagot na sana ang pinsan ko nang tuluyang pumasok si Eri at sinabi "Dahil ayaw nya po akong pumunta sa kumbento at maging isang prostitute." Nagulat bigla ang hepe sa sinabi ni Eri at tuluyang binigyan ng pagkakataong ilahad lahat ito. Tumango ang hepe sa mga sinasabi ni Eri habang kinekwento ito, hanggang sa umabot na sa puntong lahat ng sinabi ng pinsan kong si Charles ay tama na rin naman, pero, nagkaroon ng pagkukulang sa kung ano ang nangyare ng mga sumunod na pagkakataon dahil ang pinsan ko'y pinatawag noon pa man ding nangyare ang sitwasyong masalimuot. "Inspector, you're clear. You're doing a good job, balik ka na sa trabaho mo. Just pitch me kapag may krimeng nagaganap. Kausapin ko muna ang pinsan mong ito at si Eri," ang matigas at matatag na pagsabi ng hepe kay Charles. Sumaludo ang parehas na pulis at kinamayan sya at tuluyang umalis ang pinsan ko. "Sige, Eri, after noong pangyayareng ito, nakita mong binaril din nanay mo ng iyong ama?" ang pagpapatuloy na pagiimbestiga sa kwento. "Opo, hepe" sabay naming sabi sabay hagikhik ng konti. Pero, tuluyang bumalik sa normal ang kwento matapos ang konting hagikhikan naming tatlo ni hepe at ni Eri. "So, ibigsabihin, noong pinatawag ko itong pinsan ng kasintahan mo, eh eto na ang nangyare?" ang madiing tanong ng hepe. "Opo. Tuluyang binaril ng tatay ko ang nanay ko. Pero, noong mga panahong iyon, matapos mangyare yun ay angkang dadakmain sana ng mga tao ang tatay ko ay natakot ito at tuluyang pumunta sa direksyong walang mga taong haharang sa kanya po," ang tuluyang pagdadamdam na sabi ni Eri. "Opo, hepe. Nakita naming tumakbo sa ibang direksyon ang ama nya po't hindi na nahabol ng mga taong nakasaksi dito. Nadala pa namin ang nanay ni Eri sa hospital pero naging Dead On Arrival ito. Sumabay pa ang pagkahilo ng nanay ko at nawalan ng malay ng ilang oras ang nanay ko at sinugod din po sa ospital," ang mariing nasabi ko sa pagsasang-ayon sa sinabi ni Eri sa hepe. "Hmm. Magaling na mga bata at napakahusay ninyong magkwento. Sige, nasulat ko naman ang mga key points ng nangyare. Ako na ang bahalang magblotter dito at iimbestigahan natin ito. Kung sakali, Eri, na may kasalanan nga ang tatay mo, tuluyan mo na bang--" akmang tanong ng hepe pero bago man matapos ang tanong ay mariing sinabi ni Eri nang ganito: "Hepe, gusto ko na po talagang mahuli ang tatay ko bago pa man sya makapanbiktima ng iba." "Hepe, may pangyayare po sa harap ng isang mall. Ang ama ni Eri ang nasangkot dito," ang pagtimbre ng pinsan ko. Nagulat ang hepe at tinanong kung malapit lang ba ito sa presinto. Agad tumango ang pinsan ko at tuluyan naming pinuntahan ang mall. Nang akmang puntahan na namin ang mall ay tuluyang nakita ang kinasapitan ng pinsan ni Eri na syang binaril ng ama ni Eri. Nakita naming duguan at tumawag ng ambulansya at sinugod sa malapit na ospital. Naging maayos naman ang kalagayan ng pinsan ni Eri, pero, kailangan pang obserbahan dahil sa utak pinutukan ang pinsan ni Eri. "Bakit mo na naman ginawa ito, ama ko? Akala ko ba titigil ka na? At bakit may baril ka na naman?" ang iyak na pagtanong ni Eri sa ama nya. "Tay, sumama ho kayo sa amin sa presinto," ang mahinahong pagsabi ng hepe sa tatay ni Eri. Agad itong sumunod sa presinto nang walang alinlangan. Alam nyang kasasapitan na nya ito dahil sa sinapit ng nanay ni Eri at nang pagkasalimuot na pagkakawalang malay ng nanay ko matapos ang pangyayareng naganap ngunit okay na naman sya matapos iuwi sa bahay. Nang mga sumunod na oras at matapos ang pagiimbestiga ng tatay ni Eri at ng hepe ay tuluyang sinampahan na ng kaso ang tatay ni Eri at tuluyang nanahimik na ang buhay ni Eri dahil nagkaroon na ng hustisya ngayon pa lang. Eri's P.O.V "Hepe, may pangyayare po sa harap ng isang mall. Ang ama ni Eri ang nasangkot dito," ang pagtimbre ng pinsan ng kasintahan kong si Jeonho na si Charles. Bumalik na naman sa alaala ko ang pagkakasugod ni Jeonho sa ama ko na tuluyang pinutok ang baril. Nagulat ang hepe at tinanong kung malapit lang ba ito sa presinto. Agad tumango ang pinsan nyang si Charles at tuluyan naming pinuntahan ang mall. Nang akmang puntahan na namin ang mall ay tuluyang nakita ang kinasapitan ng pinsan kong lalake na syang binaril ng ama ko. Nakita naming duguan at tumawag ng ambulansya at sinugod sa malapit na ospital. Naging maayos naman ang kalagayan ng pinsan ko, pero, kailangan pang obserbahan dahil sa utak pinutukan ang pinsan ko. "Bakit mo na naman ginawa ito, ama ko? Akala ko ba titigil ka na? At bakit may baril ka na naman?" ang iyak na pagtanong ni Eri sa ama nya. "Anak, patawarin mo na naman ako. Hindi ko naman ito sinadyang sapitin ang kalagayan ng pinsan natin," ang mahagulgol na pagsisisi ng ama ko. "Tay, sumama ho kayo sa amin sa presinto," ang mahinahong pagsabi ng hepe sa tatay ko. Agad itong sumunod sa presinto nang walang alinlangan. Alam nyang kasasapitan na nya ito dahil sa sinapit ng nanay ko at nang pagkasalimuot na pagkakawalang malay ng nanay ng kasintahan ko matapos ang pangyayareng naganap ngunit okay na naman sya matapos iuwi sa bahay. Nang mga sumunod na oras at matapos ang pagiimbestiga ni hepe sa tatay ko ay tuluyang sinampahan na ng kaso ang tatay ko at tuluyang nanahimik na ang buhay ko dahil nagkaroon na ng hustisya ngayon pa lang at matagal ko nang gustong mangyare ito. OO! Tama ang narinig ninyo. Ilang beses nang pabalik-balik sa kulungan ang ama ko dahil sa dami ng krimeng ginawa nya at isa na rito ang pagkakabaril sa nanay ko at sa pinsan ko. Pero, tuluyan nang nagkaroon ng hustisya ngayon pa lang kahit wala pang pagdinig sa korte, at ngayon ay magiging mapayapa na ang buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD