RFUE Chapter 3: Inang Mapag-aruga, matanggap kaya?

2054 Words
Jeonho's P.O.V Sobrang mapag-aruga ng aking ina. Sa kabila ng puntong kailangang tumingin sya sa aking pagkatao, marami syang mga payo, kalinga, at higit sa lahat, maarugain at mapagpatawad na puso na binabahagi sa akin. Kumbagang, to gistly say "Dine-develop nya ang aking pagkatao." Pero, paano kaya nya tatanggapin kung ibalita ni Sister Remedios sa kanya ang tungkol sa isang sagradong misyon na pagdadaanan ko? Matatanggap pa kaya niya ito sa kabila ng kanyang karamdaman? Ika-apat na ng hapon, buhat nang kami ay umuwi na buhat sa paaralan ay kasama pa namin na sumakay si Sister Remedios at ni Eri sa pamamagitan ng isang ridesharing app. Ako na ang nagpabook sa kanila papunta sa aming tahanan para mapagpatuloy ang aming usapan. "Sister, kapag sinabi nyo po sa nanay ko itong binalita mo sa akin, matatanggap nya po ba kaya nya yun?" ang nanginginig na pagtatakang tanong ko. Agad tumango sya nang walang pasubali at may kasabayang ngiti pa para kay Eri. Pero, hindi pa rin ako mapakali at hindi ako makuntento sa kung ano ang maaring mangyare sa akin at sa aking ina na wala pang alam sa kung ano ang magiging kahihinatnan ko sa buhay. Lumipas ang napakaraming minuto ay dali na kaming bumaba sa aming pinagsakyan. "Maraming salamat, kuya. Eto ang eksaktong bayad sa aming pagsakay sa napakaaliwalas at napakakomportable mong sasakyan. Hanggang sa susunod na sakay namin sa iyo, kuys," ang aking bungad na pagpapasalamat kay Kuys na itago na lang natin sa pangalang Reomeoro. Matapos kaming ihatid ni Kuys Reomeoro ay nakarating na rin kami sa aming bahay. Pinapasok ko sina Sister Remedios at Eri sa aming munting bahay na tinatawag naming "Bahay-Kubo". "Okay rin itong bahay mo. Maaliwalas at mapayapa. Nasaan pala ang nanay mo?" ang pasubaling sabi ni Sister Remy. Agad kong tinawag ng dali-dali ang aking maarugaing ina. Hindi na nagulat sa pagdalaw ni Sister Remy sapagkat ilang beses na ring dumalaw sa amin si Sister Remy buhat ng bago ko makilala si Eri. "Sister Remy, tuloy po kayo. Sa kasama ng anak ko, iha, tuloy ka na rin sa aming munting bahay," ang bungad na pagbati ng aking ina kasabayan ng pagalok na pumasok sa aming munting bahay. Napahanga na lang bigla si Eri sa mga nakita nya at tuluyang bumulusok ang pagsabi ng WOW. Higit akong natuwa kay Eri. "Sya nga pala, may sasabihin ako sa iyo, Gng. Eume," ang bungad na pananalita ni Sis. Remy. "Nararamdaman ko ho na sana'y magalak ho ako sa sasabihin ninyo, Sister," ang matugunang paggalang ng pagtugon ng aking ina kay Sister Remy. Ramdam ko na kahit papaano na parang handa na rin sya sa kanyang sasabihin na alam ko na rin ang balita na binahagi rin at inalam na rin Eri. Hindi kami kumibo, tikom ang bibig namin at ni isang salita ay wala kaming binahagi. Pinagpatuloy ni Sister ang kanyang pananalita ukol sa balitang ihahatid nya sa aking ina. "Ginang Eume, napapansin ko na napakabait, napaka-motivated at higit sa lahat, well-groomed ang iyong anak na si Jeon. Sa katunayan, nararamdaman ko na sa kanya ang pagiging relihiyoso." "Matagal ko na hong alam yun at kung meron man syang espesyal na misyon ay matatanggap ko rin ito sa kabila ng banig ng karamdaman na aking tinatahak ngayon. Pero, kung anuman po yun ay malugod kong tatanggapin yun," ang maramdaming pag-ayon ng nanay ko. Biglang bumulusok na lang aking hikbi sa pag-alam na tanggap ng aking ina ang aking tatahaking landas. "Iyang hikbi ng anak ninyo ay isang masayang hikbi, hudyat na tinatanggap ninyo ang pagpasok ng iyong anak sa isang sagradong misyon. Salamat at tanggap nyo na kaagad. Pero, huwag kayo hong mag-alala, Ginang Eume. Kahit nakapasok na ang inyong anak sa sagradong misyon, itong kasama kong si Eri ay magbabahagi rin sa iyo ng magandang balita sa kung anong magiging role nya sa buhay ng anak ho ninyo," ang masayang pagtugon ni Sister Remy ukol sa pag-ayon ng nanay ko na tanggap nya ang aking misyon. Lumingon bigla kay Eri at tinanong: "Ano yun, Eri? May sagradong misyon ka rin ba katulad ng anak ko? Pag-ingatan mo ang aking anak at huwag mo syang pababayaan." Sabay ngumiti sa harap nya. Si Eri, despite na tahimik sya habang binabahagi ni Sister Remy ang magandang balitang iyon ay bumungad na lang sya ng ganito: "Hindi ko ho pababayaan ang inyong anak, Ginang Eume. Aalagaan ko po sya ng husto sapagkat magiging Personal Assistant ko po sya. Huwag po kayong mag-alala, wala po akong gagawin sa kanya na masama." Agad tumigil ang hikbi ko at tinanong agad si Eri ukol dito: "Bakit mo sinabi sa aking ina iyon?" Agad namang sumagot si Eri: "Dahil ayaw kong galawin ang iyong katawan at aarugain ko ang iyong buong pagkatao." Dito na sumiklab ang aking pagkangiti dahil sa sagot nya. Ngunit, ikinagulat ito ni Sister Remy at ng aking ina. "Papaano mo nasabi yun sa amin? May nangyare ba sa inyong dalawa noon?" sabayang tanong ni Sister Remy at ng aking ina kay Eri. Eri's P.O.V Kahit ano man ang masabi ko sa kanila ay buong puso kong ilalaha para matapos na rin ang isyung bumabagabag sa aking buhay. Ako nga pala si Erigeli Crestaritisija, ang butihing matalik na kaibigan ni Jeonho, at totoong may nangyare sa amin noon pa bago man kami magdesisyon na tumahak sa sagradong buhay. "Papaano mo nasabi yun sa amin? May nangyare ba sa inyong dalawa noon?" sabayang tanong ni Sister Remy at ng ina ni Jeonho patungo sa akin. Bigla na lang akong yumuko. Pero, bago man ako magsalita ay bumitaw ng maingat na salita si Jeonho: "Ako muna'y pupunta sa aking kuwarto at hindi ko isasara ang aking munting pinto. Makikinig ako sa kung anong sasabihin mo. Kung ano ang totoo, yun dapat ang iasal mo sa kanila at kung may katanungan man sa iyo ukol dyan sa nilabas mo, dapat katotohanan ang lumabas at walang paligoy-ligoy." Agad ngang pumasok sa munting kwarto ang aking matalik na kaibigan. Matagal na itong nangyare sa amin talaga at katotohanan talaga ang ilalahad ko. "Sige, ngayon na nasa kwarto na ang aking anak, ilahad mo sa amin kung ano ang nangyare sa inyong dalawa. Baka naman, meron akong hindi nalalaman ukol sa inyong dalawa. Matagal na kitang tinanggap dito sa aking pamamahay. Sabihin mo sa akin at kay Sister Remy ang buong katotohanan. Handa kaming makinig," ang pagtitimping sabi ng ina ni Jeonho. Hindi man ako humikbi, agad akong nagsimula ng aking kwento. "Bago man sumapit itong pagkakataong maibahagi sa inyo po ni Sister Remy ukol sa parehas na sagradong misyon na gagawin namin, may nangyare na po sa amin noon," ang aking madamdaming pagsisimula. FLASHBACK "Buhat nang magsimula ang pagbubukas ng klase, ilang buwan na ang nakakalipas: "Natatakot naman ako dito sa paaralang ito. Napakatahimik naman masyado itong paaralan na ito," ang bungad ko. Biglaang dumating ang inyong anak at ginulat ako. Nang gulatin ako ay sabay yumakap ako sa kanya. Naramdaman ko sa kanya ang kanyang sexuality na hindi ko pa dapat maranasan ho. May makailang ulit nang mangyare sa akin ito ngunit hindi natutuloy. Itong anak ho ninyo ay may kakaiba akong nararamdaman. "Huwag kang matakot. Ako ang bahala sa iyo," bungad na pananalitang may pagkademonyong sabi ni Jeonho. Hindi pa man karaming estudyanteng pumapasok pa noon at wala pang mga gurong dumadaan. Agad akong pumiglas sa kung anuman ang gagawin nya. Nang tangka nyang yakapin ako muli ay kinagat ko na kaagad ang kanyang daliri. Agad kumaripas ng takbo ang inyong anak. Tatangkain nya po akong gahasain noon." [END OF FLASHBACK] "Kaya, buhat po noon, nagkaroon po ako ng severe traumatic experience na paulit-ulit na nangyare sa akin," ang matimping pagbabahagi ko sa kanila. Agad pumasok bigla sa kwarto si Ginang Eume at sinara ang pinto para kausapin ang anak nyang matalik kong kaibigan. Hindi ko sukat akalain na sa kabila na papasok kami sa sagradong misyon ay nakakagulat at nakakagimbal ang pagtataka sa akin bigla. Isa itong malaking pagsubok sa aming dalawa kaya naisipan namin na takasan ito. Tinanong ako agad ni Sister Remy ukol sa nangyare: "Sigurado bang may nangyare talaga sa inyo o ayaw mo lang ibahagi dahil baka may masamang balitang ihatid ako sa kanyang ina na baka ikagulat rin nya?" Agad akong tumango ng walang pasubali at nagpatuloy sa kwento. Maririnig man ng ina ni Jeonho ito ay baka lumakas pa ang kutob ko na hindi na pumasok sa sagradong misyon ang anak nya. "Opo. Buhat nang kinagat ko ang daliri nya pagkatapos nyang kumaripas ng takbo ay hindi pa po natapos doon. Sumama pa po ng isa pa para may witness daw po," ang mahikbi kong pagpapatuloy sa kwento. "Mommy Eume, pwede bang lumabas muna po kayo at pakinggan natin itong kwentong ito? Mukhang may malaking problema nga ang anak ho ninyo," ang pagtawag ni Sister Remy. Dali-daling lumabas ang ina ng matalik kong kaibigan at nagpatuloy ako agad sa kwento: "Matapos nyang magtawag ng isang kasama ay biglaang pumasok sa isipan ko na talagang gagahasain na po ako ng anak po ninyo. Hindi ko po mapigilang lumuha sa hapdi at sakit na aking nararamdaman. Hindi ko po sukat akalain na gagawin po sa akin yun ng inyong anak na sobrang napakademonyo noon." Agad at dali-daling nagsabi na ng katotohanan din ang ina ng matalik kong kaibigan: "Totoo po yun, Sister Remy. Sadyang nangyare po ng lubusan ang pangyayaring ito. Lumabas na katotohanan po mula sa anak ko ang nangyare sa puntong ito. Sister Remy, paki-gabayan nyo ho ang aking anak buhat dito sa sitwasyong nangyare sa kanila," ang matampuhing pagsasabi ni Ginang Eume. "Kumalma po kayo, mommy. Hayaan po ninyo. Kakausapin ko po ng masinsinan ang anak po ninyo. Sa totoo lang po, patuloy po ang pagbibigay ng gabay ko po sa kanya dala ng traumatic experiences na nagawa ng parehas ng panig. Alam na rin ho ito ng mga magulang ni Eri. Kaya, kapag pumasok na sa sagradong misyon ang inyong anak at itong si Eri, patuloy kong gagabayan silang dalawa," ang makalmang pagtalakay na pagsasabi ni Sister Remy. Dali-dali ring lumabas nang lumuluha ang aking matalik na kaibigan at niyakap ako ng paunti-unti na walang malisya. Pipigilan na sana ni Ginang Eume ang pagyakap ng matalik kong kaibigan sa akin pero bumungad kaagad ng pagpapatawad sa akin si Jeonho: " I AM SORRY, ERI. Hindi ko sinadyang gawin sa iyo ito. Napagtanto ko na rin talaga na may kamalian talaga ako sa buhay na buhat nito'y nagkaroon din ako ng traumatic experience. Pagbigyan mo sana ako ng ikalawang pagkakataon ngayong tatahak na tayo sa sagradong misyong ito." Pumalakpak kaagad ang nanay ko at si Sister Remy bilang pagtugon na apology accepted na sa kanila yun. Agad akong bumungad ng ganito: "Hindi ko hahayaang iwanan ka despite na ginawa mo sa akin yun. Matalik na kaibigan kita, alam mo yan. Matagal na kitang pinatawad buhat ng nangyare sa atin yun. Makalimutan man natin ito sa pagpasok natin sa sagradong misyon, hindi kita pababayaan at gagabayan rin kita sa lahat ng bagay. Kami ni Sister Remy ang bahala sa iyo. Ngayong nasa sagradong misyon na tayo, hindi na natin magagawa ang ginawa natin noon." Agad lahat kaming nagyakapan bilang pagtugon ng pag-accept ng patawad ko sa harap nila. Jeonho's P.O.V Habang nakikinig nga ako sa kwento ni Eri ay pumasok sa kwarto ko ang aking ina at mahigpit na pagtitimping pagbungad ang binigay sa akin: "Papapaanong nangyare ito sa inyong dalawa? Diba sinabi ko na sa inyo na ingatan mo ang sarili mo at huwag mong gagawan ng masama si Eri? Bakit mo ginawa ito sa kanya," Sasagot na sana ako sa kanya buhat sa sitwasyon na yan, ngunit lumabas ang ina ko buhat ng tawagin sya ni Sister Remy para pakinggan ang buong katotohanan sa nangyare sa aming dalawa ni Eri. "Matapos nyang magtawag ng isang kasama ay biglaang pumasok sa isipan ko na talagang gagahasain na po ako ng anak po ninyo. Hindi ko po mapigilang lumuha sa hapdi at sakit na aking nararamdaman. Hindi ko po sukat akalain na gagawin po sa akin yun ng inyong anak na sobrang napakademonyo noon," ang pagbubungad ni Eri matapos pumasok ang aking ina sa kwarto ko. Agad akong bumulusok sa luha buhat nang malaman ko iyong matagal nang panahong isyu ito sa aming dalawa at katotohanan nga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD