[Sa puntong ito, dito na magsisimula ang mas malalaking pagsubok sa kwentong ito na kailangan na ng gabay ng mga magulang at nakakatanda para mas lubusang maunawaan ng mga kabataan, dalaga't binata ang sitwasyon na mababasa sa kabanatang ito.]
Eri's P.O.V
Hindi ko lubusang maunawaan kung ano ba ang maaring mangyari sa amin ni Jeonho.
Iniisip ko na baka mapalabas ako dito despite na may nangyari sa aming dalawa ni Jeonho. Baka naman, sa puntong ito ay baka ibang landas pala ang tatahakin naming dalawa pero sagradong misyon pa rin.
Hindi ko rin kase masabi ng diretsahan kung bakit nangyare sa amin yun pero tinanggap na nila ang pagpapatawad namin sa isa't isa. Kaya, hindi ko na alam, kung medyo-medyo ba na matutuluyang maging madre sa kabila na may anak o baka naman, ibang misyon ang tinatahak ko at hindi ang pagmamadre.
Pagkatapos naming dumalaw kay Jeonho at sa kanyang ina na si Ginang Eume ay biglaan akong napapaisip bigla ng katanungang kailangang itanong kay Sister Remy:
"Sister Remy, papaano na ang sagradong misyon ko? Papaano kung nalaman ninyo na buntis ako? Matatanggap pa ba ako sa kongregasyong aking papasukan?" biglaang tanong ko.
Hindi na bago kay Sister Remy ang katanungang ito, sapagkat, marami na rin akong narinig na mga kapwa kong madre na ganun din ang sitwasyon nila. Kaya ito ang nasabi nya sa bawat katanungang pinupukol sa kanya katulad sa akin: "Ayon kase sa Roman Catholic laws, hindi pwedeng pumasok ang isang babaeng buntis na gustong maging madre. Kailangan ang babae ay may vow of chastity, ibigsabihin, kailangan wala kang kalandian o sabihin natin wala ka dapat na kahalinhan. Dapat mananatiling single ka at virgin katulad ko," ang pagpapaliwanag ni Sister Remy.
"Papaano na po ito? Ano kaya po ang susunod na gagawin ko?" ang pagtatakang tanong ko.
Ngunit, sa halip na sagutin na nya ang aking ikalawang tanong ay hindi na muna nagsalita si Sister Remy sapagkat kailangan na nyang magpahinga sa kanyang kwarto at dali-dali akong bumalik sa aking sariling kwarto. Nang makapasok na ako sa aking sariling kwarto ay niyakap ko na lang ang sarili ko bilang saksi na ako'y isang makasalanang nilalang na kailangang tanggapin ang katotohanang hindi ako pasok sa isang sagradong misyon.
Ang sabi ko na lang sa sarili ko ay: "Bahala ka na po, Panginoon, sa kung ano ang maaring misyon na ibibigay nyo sa akin. Patawarin nyo po ako sapagkat ako at si Jeonho ay nagkasala sa ginawa naming hindi maganda. Bigyan nyo na lang po ako ng magandang palatandaan sa kung saang landas nyo po ako tatahakin."
Pagkatapos nito, nagdasal ako ng mataimtim bago humiga sa aking kinahihigaan.
Kinabukasan...
Paggising ko sa umaga ay parang may naririnig akong hindi maganda...
"Eri, ang ina ni Jeonho, nasa ospital," ang sigaw ni Sister Remy.
Naguluhan ako bigla sa kung ano ang maaring mangyari. Nataranta rin ako sa naging balita. Biglaang nagring ang phone ko... Si Jeonho nga!
"Eri, magmadali ka dito. Nasabihan ko na si Sis Remy na masamang pangitain ang nangyari sa nanay ko," ang tarantang pagtitimpi ni Jeonho.
Dali dali akong nagbihis na kaagad. Isinakay na rin ako kaagad ni Sister Remy sa sasakyan ng paaralan.
Pagdating namin sa ospital, dali dali rin naming tinanong kung nasaang room nanay ni Jeonho. Agad naming pinuntahan at bumungad sa amin si Jeonho, balisang balisa.
Nang papalapit na kami, agad tumayo si Jeonho at niyakap kaming parehas at simula nang bumulusok ang luha.
"Ang nanay ko ay nadiagnose ng severe hypertension at hindi na kinakaya ang kanyang sitwasyon," ang bulusok ni Jeonho habang kayakap namin sya.
"Patuloy naming ipagdadasal. Nakakausap mo naman ba sya?" tanong ni Sister Remy.
"Sa ngayon po, hindi po sya nakakapagsalita, ni hindi nakakagalaw ng maayos," ang patuloy na pagbulusok ni Jeonho. Naluluha sya sa kung anong nangyayari sa kanyang ina. Hindi na nya malaman kung papaano ang gagawin nya sa susunod na mga pagkakataon kapag nawala ang nanay nya.
Sister Remy's P.O.V
Pagkagising ko sa umaga, nagdasal ako ng mataimtim dahil nagpapasalamat ako sa Panginoon na talagang ginising pa nya ako dahil may misyon pa akong magagawa sa aking buhay.
Pagkatapos kong magdasal, saktong may tumatawag na. Si Jeonho ang tumatawag. Ipinagdasal ko na sana ay okay sya.
"Magandang umaga, Jeonho. Kamusta--," ang aking bungad. Pero, bigla na lang lumuluha si Jeonho nang tatanungin ko na sya kung kamusta na sya. Hinayaan ko na munang lumuha sya.
"Anong problema? Kalma ka lang ha. Everything will be fine. Anong nangyari sa iyo? Nasaan ka?" ang mahinahon kong pagtanong.
Hindi ko na malaman kung ano ang nangyari kay Jeonho, pero noong nagsimula na syang magsalita ay nagulantang ang lahat (take note, nakaspeakerphone pa ako sa mga panahong ito at hindi pa visiting hours dahil ang visiting hours namin ay sa hapon pa hanggang gabi at umaga pa lang.)
"My mom is in the hospital. She's not in a good condition. Sister Remy, pwede bang samahan nyo ako dito? Hindi ko kinakaya ang sitwasyon na ito. I am not in a good mood position to be here all alone. My mom was diagnosed with severe hypertension," ang pagtahang pagsabi ni Jeonho pero biglaang bumulusok muli ang luha ni Jeonho matapos nyang masabi yun.
Hindi nga tama ito. Mukhang bubulusok ang emosyon ni Jeonho kapag nawala ang nanay nya.
"Sige, hayaan mo. Darating kami dyan at dadamayan ka namin, okay?" ang marahang pagsagot ko sabay baba ng telepono.
Nang marinig ni Eri ang mga pangyayari ay biglaan na lang tumawag din si Eri kay Jeonho.
"Eri, magmadali ka dito. Nasabihan ko na si Sis Remy na masamang pangitain ang nangyari sa nanay ko," ang tarantang pagtitimpi ni Jeonho.
Dali-dali ngang nagbihis na si Eri at sumakay kami sa sasakyan ng paaralan.
Nang mga sandaling nasa sasakyan kami ay nagsimula na akong magdasal ng rosaryo para sa pagbuti ng kondisyon ng nanay ni Jeonho. Hindi ako mapakali, pero, kampante ako na talagang bubuti ang kondisyon ng nanay ni Jeonho.
Pagdating namin sa ospital, dali dali rin naming tinanong kung nasaang room nanay ni Jeonho. Agad naming pinuntahan at bumungad sa amin si Jeonho, balisang balisa.
Nang papalapit na kami, agad tumayo si Jeonho at niyakap kaming parehas at simula nang bumulusok ang luha.
"Ang nanay ko ay nadiagnose ng severe hypertension at hindi na kinakaya ang kanyang sitwasyon," ang bulusok ni Jeonho habang kayakap namin sya.
"Patuloy naming ipagdadasal. Nakakausap mo naman ba sya?" tanong ko sa kanya. Sa oras na ito ay biglaang pinunasan ni Jeonho ang kanyang luha.
"Sa ngayon po, hindi po sya nakakapagsalita, ni hindi nakakagalaw ng maayos," ang patuloy na pagbulusok ni Jeonho. Naluluha sya sa kung anong nangyayari sa kanyang ina. Hindi na nya malaman kung papaano ang gagawin nya sa susunod na mga pagkakataon kapag nawala ang nanay nya.