Marami akong nalaman tungkol kay Ulvia sa school dahil sa kakadaldal niya. Buti nga 'di siya napapagod.
Ang school ay mayroon daw apat na parte, at ang structure ng school ay pabilog kung saan mayroong kagubatan sa gitna.
Ang West Wing na kinaroroonan namin, kung nasaan ang opisina ni Professor George, ang infirmary, ang faculty rooms pati na rin ang detention room, o mas kilala sa tawag nilang Dungeon. Sabi ni Ulvia, walang sinuman ang gugustuhing pumunta roon. Kinilabutan naman ako dahil doon.
Sa South Wing naman nandoon ang lahat ng classrooms, ang school Dining Hall, library at ang auditorium kaya ikino-consider na 'yun ang pinakamalaking parte ng school.
Sa East Wing, nandoon ang dormitory. Hiwalay ang sa babae at sa mga lalaki. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag dahil kanina ko pa prino-problema ang tungkol sa tirahan.
At ang huling parte ay ang North Wing, ito ang lugar kung saan walang estudyante ang pwedeng pumunta. Pero sabi ni Ulvia, may isang estudyante raw ang nagtangkang pumasok doon at halos wala ng buhay nang makabalik. Naikuwento pa raw niya na kung inaakala ng lahat na ang South Wing ang pinakamalaking parte ng school, walang-wala iyon sa North Wing. Dahil iyon daw ang pinaka-puso ng school.
"Pinaka-puso? Anong ibig sabihin nun?" tanong ko kay Ulvia.
"Well, hindi ko rin alam. Walang may alam. Dahil pagkatapos nun, umalis sa school na 'to ang lalaking 'yun." sagot niya.
Ano naman kayang meron sa North Wing?
"Pero alam mo bang may mga ilan na estudyanteng nakakapunta sa North Wing ng walang kagalos-galos pagbalik?" napalingon naman ako sa kaniya at napakunot ng noo.
"Huh? Akala ko ba ipinagbabawal sa lahat?"
"Hindi ko rin alam kung paano nila nagagawa iyon. Pero isa na run si Zynon Carter." sabi niya at napangisi.
"Zynon Carter?" siya yung lalaki. "Anong meron sa kaniya?"
"Siya ang ikino-consider na pinakadelikado, pinakamagaling na estudyante dito sa school, at pinakamatalino!"
Napaismid naman ako. Naalala ko tuloy nang makita ko siyang nakasuot ng barong.
"Talaga?"
"Oo, at pinakagwapo pa! Perfect is his last name nga ika nila. Pero magye-yelo nga lang ang magtangkang lumapit at kumausap sa kaniya dahil ang suplado at masyadong cold sa mga tao. Hindi rin siya pumapasok sa mga klase. Ni isang beses lang sa isang buwan siya makita dahil palagi siyang nasa North Wing."
"Ta-talaga?"
"Yeah, right! Kaya mag-iingat ka sa kaniya!" sabi niya at kinindatan pa ako. Napangiti na lang ako ng alanganin. Talagang mag-iingat ako.
"And isa pang nakakapasok sa North Wing ay ang School President, si Gwen Zifarro." sabi niya.
School President? Ang sinasabi ba niya ay yung babaeng mataray na kulot ang buhok?
"Si Gwen, hmm, paano ko ba siya ide-describe? Laging nakataas ang kilay at para siyang agila na kung may ginagawa kang kalokohan ay makikita at makikita ka niya. Isa siya sa kinatatakutan dito sa school. Daig pa niya ang mga professors sa pagka-istrikto. She's a walking terror."
Muntik naman akong mapatawa dahil sa paraan ng pagkukuwento ni Ulvia. Seryosong-seryoso kasi siya.
"Hay nako! Huwag na nga natin silang pag-usapan! Nai-stress ang beauty ko!" sabi niya sabay flip ng hair.
"Pero may isa ka pang dapat malaman sa school na 'to, Xhiena," sabi niya at sumeryoso uli siya. Bilib talaga ako sa bilis ng pag-shift ng mood niya.
"Ano naman iyon? Akala ko kasi nasabi mo na lahat, eh." sabi ko kaya napailing siya.
"Na-ah. Marami ka pang malalaman sa mga darating na araw. Walang-wala pa ang mga sinasabi ko sa'yo. My words are not enough, you've got to see and experience it for yourself," sabi niya at naalala ko naman si Meredith sa kaniya. Pero ang pagkakaiba, tama ang english ni Ulvia.
"So, ano nga 'yon?"
"Ang tungkol sa Caste System kung tawagin."
"Caste System?" pag-uulit ko tapos napatango siya.
"Ang Caste System na dapat alam ng bawat estudyante sa school. Isa itong sistema na magtatakda sa'yo kung ano ang magiging buhay mo sa buong school year," paliwanag niya kaya napatango-tango ako, "Depende sa'yo kung magiging malas ka ba o swerte."
"Ang ibig mong sabihin, parang wheel of fortune, ganun?"
"Hmm, may parang ganoon na nga," sabi niya kaya napangiti na lang ako, "Ang school kasi na 'to ay may tatlong uri ng mga estudyante, ang mga pure blood, half bloods at ang mga crossbreed. Well, wala naman gaanong pagkakaiba sa tatlong iyon, maliban sa mas malakas nga lang ang mga pure blood."
"Eh, ikaw ano ka sa tatlong iyon?" tanong ko at ngumisi siya.
"I'm a half blood."
Napatango-tango na lang ako at nginitian din siya. Eh, ako kaya?
"So balik tayo sa Caste system," sabi niya at napatingin uli ako sa kaniya, "Ang goal ng school ay ma-train ang lahat ng mga estudyante, maging masama man o mabuti sa hinaharap. Kaya naman, sa bawat lessons kung gaano kataas ang success rate mo ay ganoon din kataas ang points mo, well at the same time, ganoon din kataas ang rank mo, then you'll live a luxury life here, lahat sagot ng school."
"So, ibig mong sabihin, kailangan lagi ng points?" sabi ko.
"Yes, you just need to gather points as necessary. Every month, inilalabas ang mga ranks and pataas ng pataas ang target points na kailangang abutin ng mga estudyante. Kaya kung tamad kang pumasok, babagsak ang rank mo," sabi pa niya.
"So, ano-ano 'yung mga sinasabi mong rank?"
"Well, first, the Wimps are the one who has the lowest points, Neophytes have the average points and lastly those who reached the target points or more than that, they are called as Prime. Kapag sobrang mataas o kaya naman, naabot mo ang target each month, tatratuhin ka ritong isang hari o reyna and you'll be doomed when you belong to the Wimps. Everyone will treat you like a trash. So you need to work harder as possible."
Woah. So mayroon palang gano'ng sistema pati rito.
"So, na-explain ko na sa'yo ang lahat. Halika na, puntahan na natin 'yung kwarto mo sa dormitory," nakangiti niyang sabi kaya tinanguan ko siya.
Habang papunta kami sa East Wing ay parang naging occupied ang isip ko ng mga ka-praningan.
"Gusto mo bang malaman kung sino ang may hawak ng pinakamataas na rank?" biglang tanong ni Ulvia kaya kaagad akong napatingin sa kaniya.
"Sino?"
"Halata naman, eh," nakangising sabi niya. "Zynon Carter."
Natigilan ako.
"Paano niya nakuha ang pinakamataas na rank, eh gaya ng sabi mo minsan lang siya pumasok sa klase?" takang tanong ko.
"Isa lang ang dahilan."
"Ano?"
"Because his last name is perfect," sagot niya kaya napanganga ako.
Ano raw? Anong kinalaman nun?
"Hindi kita maintindihan," sabi ko kaya napatawa siya.
"Noong first day of school, halos hinakot na niya ang lahat ng points, to the point na kahit ilan pang target points ang ilabas para sa monthly ranking ay mas mataas parin ang points na mayroon siya, dahilan para manatili siya sa rank niya." paliwanag niya kaya napanganga na lang ako. Ganoon ba talaga siya kalakas at katalino? O kaya exaggerated lang magkuwento itong si Ulvia.
Ibang klase.
Ang lalaking iyon, siya lang ang nakakaamoy ng dugo ko. Siya ang may pinakamataas na rank. Siya rin ang pinakamagaling at matalino. Siya lang ang may malaking tsansang patayin ako.
Ang tanong, makakatagal kaya ako sa school na ito?