Nine Maaga siyang gumising para maghanda ng agahan ni Malik. Pero bago pa man siya lumabas ng kwarto niya ay nag ayos siya ng katawan niya. Nang makapaghilamos na siya nagpasya na siyang lumabas ng kwarto niya. Habang palabas siya nagtatali siya ng buhok para walang sagabal sa mukha niya pagnaglilinis na siya. Sa paglabas niya nagulat siya sa nakita. “Ah!”sigaw niya sabay takip ng kanyang mata. Sino ang mga taong ito. Bakit nakahubad silang lahat. Sinilip niya ulit sa pagitan ng kanyang mata. Nakahubad nga ang mga ito. Sabay-sabay na mura ng mga lalaki sa harapan niya. Samantalang ang mga babae naman na kasama ng mga ito ay parang wala namang reaction sa ginawa niyang pagsigaw. “What happen?!”nagmamadaling tanong ni Malik. Nang lingunin niya ito nakita niyang mukhang kakagising la

