Eleven Pakiramdam niya may nakadagan sa kanya na mabigat. Pero hindi niya magawang imulat ang mga mata niya sa sobrang puyat. Masakit ang mga mata hindi na niya magawang idilat ang mga mata. Pakiramdam niya din na parang mabibiyak ang ulo niya sa sobrang sakit. Isama pa ang tuyong-tuyo niyang lalamunan. Kailangan ko ng tumayo. Baka gising na si Malik. Wala pang nakahandang pagkain. Naisip niyang bigla. Kaya kahit hindi maganda ang pakiramdam niya pinilit niyang imulat ang mga mata. Naguluhan pa siya ng pagmulat ng mata niya wala siya sa sarili niyang kwarto. Unknowingly nailibot niya ang paningin kung nasaan siya. Hindi nga niya kwarto ito. Kwarto ito ni Malik. Lumingon siya sa kanan niya at nakita niya si Malik na mahimbing pa din ang tulog sa tabi niya. At infairness nakayakap

