Stuck in the Past

2594 Words
“WHAT brought you here Marco?” walang kagana-ganang tanong ni Limuel ng sa kapapasok lang na pinsan niya. Naupo ito sa maliit na couch sa loob ng kaniyang private office kahit hindi pa man niya ito inaalok na maupo. “Well as far as I recall ako pa rin naman ang nagmamay-ari ng kumpanyang ito kaya may karapatan naman siguro akong bisitahin ang bawat employee ko dito.” Kaswal na saad nito habang inililibot ang mga mata sa loob ng kaniyang opisina. Simple lamang ang ayos ng kaniyang opisina. Everything around the office was just a plain white and black motif. “Were you satisfied in what you are seeing?” sarkastikong tanong niya. Nagkibit balikat ito. “You haven’t been back pinsan. Nasaan na ang masayahin at positibong lalaki sa angkan ng mga Soriaga?” mababakas ang pangungulila sa tinig nito. “Actually namimiss na namin ang dating ikaw, yung Limuel na makulit, masayahin at mapagmahal.” He gritted his teeth. “Matagal ng patay yung taong hinahanap mo Marco. So wala kayong magagawa kundi pagtiyagaan ang bagong Limuel na nakakaharap niyo.” He said in a cold voice. “Now if you wouldn’t mind marami pa akong gagawin ayokong magpabaya sa trabaho ko na ibinigay niyo.” Binigyang diin niya ang huling katagang binitawan niya. “Alam mong parte ka ng kumpanya Limuel. Hindi ka basta empleyado dito dahil part owner ang mga magulang mo sa kumpanyang ito.” paalala nito sa kaniya. “Exactly! Mga magulang ko ang may investment dito not me. In fact wala ako ni isa mang pag-aari sa lahat ng yaman ninyo.” May bitterness sa kaniyang dibdib habang sinasabi iyon. “Bakit ba pilit mong inilalayo ang sarili mo sa pamilya natin?” tila naiinis na ring wika nito. “Dahil hindi ako nararapat sa pamilyang ito. Sa ating magpipinsan ako lang ang walang nararating! Si Renzo masaya na siya sa pamamahala ng ARGC, si Brenan naman may kumpanyang nakalaan sa kaniya na dapat niyang pamahalaan. At ikaw, ikaw lang naman ang nagmamay-ari ng kumpanyang ito. Samantalang ako, nananatili akong walang silbi sa angkan natin.” Mabigat ang loob niya habang pilit iwinawaksi ang mga negatibong ideya sa kaniyang isip. Bumuntong hininga ito. “You know that’s not true. Malaki ang naitutulong mo dito sa kumpanya. Huwag mong isipin na wala kang silbi.” May concern sa tinig nito. “Hindi mo kailangan magalit sa mundo dahil lamang sa mga nangyari sa iyo. Nakaraan na iyon dapat mo nang kalimutan. Maaaring nawala na nang tuluyan ang pag-asa d’yan sa puso mo na matupad ang pangarap mo. Pero hindi pa ba sapat na nabuhay ka sa kabila ng mga nangyari? Hindi ka sasaya kung palagi ka na lamang nagagalit sa mga tao sa paligid mo.” Pangangaral pa nito. “I know what I am doing Marco. And don’t you worry hindi ko naman pinapabayaan ang kumpanya kahit pa ganito ang ugali ko.” Pag-a-assure niya. “You sure do. Pero sana naman huwag kang maging harsh sa mga taong nakapalibot sa iyo.” May pahiwatig na wika nito. Nakakunot ang noong nilingon niya ito. Parang nahihinuha na niya ang nais nitong tumbukin. “May kinalaman na naman ba sa pangaral mo si Miss Sandoval?” naiiritang tanong niya. Ang tinutukoy niya ay ang assistant c*m secretary niya na kani-kanina lang ay sinesermunan niya. Tumango ito. “Partly may kinalaman nga siya. But my point is try to be nice to your employee. Alalahanin mo na wala tayo sa posisyon natin kung wala sila.” Napatiimbagang siya. “Yeah, pero kung unefficient naman ang empleyado hindi ba may karapatan naman tayong kastiguhin sila? At tsaka maayos naman akong nakikitungo sa mga empleyado mo dito. Masyado lang talagang nakakakulo ng dugo ang pinaggagagawa ng dati mong assistant!” pangangatwiran niya. Naiinis na muling binalikan niya ang kaniyang ginagawa. “Kung madalas na pumalpak puwede mo nang kastiguhin pero kung isang beses lang naman dapat bigyan mo nang pangalawang pagkakataon. Efficient assistant si Kelly. Hindi niya ako binigyan ng problema noong sa akin pa siya nagtatrabaho. Nagtaka nga ako na pagdating sa iyo ay nahirapan siyang bigla. Pero hardworking na employee siya. Bukod doon isa din siya sa mga i.t genius ng kumpanya kaya hindi mo maaaring sabihin na palpak siya. ” puno ng kumpiyansang wika nito. Hindi niya ito masisisi kung ipagtanggol man nito ang babae. Bago niya maging assistant ang babae ay naging assistant c*m secretary ito ng kaniyang pinsan. Pero hindi pa rin sapat na dahilan iyon para makaligtas ito sa nagawa nitong pagkakamali. “Hindi iyon ang naobserbahan ko Marco. Alam mo ba na ilang meetings ko na with our client ang napuranada dahil lang sa kagagawan niya?” sa tuwing maaalala niya ang kapalpakan ng sekretarya niya ay kumukulo ang dugo niya. “Naikuwento na sa akin iyan ni Jeniah, sinabi niya na ilang deals ang hindi naisara pero partly ay ikaw ang may kasalanan.” “What?” inis na bulalas niya. “Ako pa ngayon ang may kasalanan na unefficient ang dati mong sekretarya.” Hindi na niya napigilan ang pagtataas ng kaniyang tinig. Mukhang nainis ito sa pagtataas niya ng boses. “Don’t you dare use that kind of tone on me Limuel! I am still your boss!” ma-awtoridad na wika nito. “Hindi kasalanan ni Kelly na hindi maipaalala sa iyo ang mga appointment mo dahil hindi ka niya matagpuan. Hindi mo ba naisip na kasalanan mo talaga? Noong panahon na dapat my pirmahan kayo ng kontrata ng Marcelo Sportswear, nasaan ka? Ilang beses kang kinontak ni Kelly pero out of coverage palagi ang linya mo. Now tell me sino ang may mali?” may halong panunumbat ang tinig nito. Hindi siya kaagad nakakibo. Sa parting iyon ay aminado siya na nasa parte niya ang pagkakamali. Nang mga panahon na iyon ay nabalitaan niya ang engagement ni Andrea ang dating kasintahan niya at step sister ni Kelly sa dating kasama at kaibigan niya sa training. Kaya naman nagpakalunod siya sa alak. Nang magising siya ay nasa bisig na siya ng isang babae na hindi niya matandaan kung saan niya nakilala. After that day a multi-million deals had vanish just like a bubble. Magkahalong hiya at galit ang naramdaman niya ng mga oras na iyon. Instantly, ang assistant niyang si Kelly ang napagbuntungan niya ng galit. Dahil parte ng trabaho nito ang palagi siyang i-update sa mga meetings niya at ibang activities na kailangan niyang daluhan. “Hindi ka makakibo ngayon dahil alam mong ikaw ang mali. Pero alam mo ba kung bakit pumayag pa rin si Mr. Marcelo na ituloy ang deal sa AdTech? Iyon ay dahil kinausap siya ni Kelly para ituloy ang deal. Now tell me, iyan ba ang masasabi mong unefficient assistant?” pagpapatuloy nito. Nagulat siya sa rebelasyong iyon. Ang akala niya ay napag-isip ng CEO ng Marcelo Sportswear na malaking kawalan kung aatras ito sa kanilang deal. Nais niyang mapahiya sa kaniyang sarili ngunit hindi iyon lubos na mapapayagan ng kaniyang mataas na pride. “But that’s not enough. Alam mo bang isang deal na naman ang nawala dahil sa kapabayaan niya?” hirit pa rin niya. Hindi siya makapapayag na siya ang lumabas na may kasalanan ng lahat. He was working hard to prove that he still have use in the family. “You were talking about PhilInvest Corporation.” He said a matter of fact. Hindi na siya nagulat na alam nito ang nangyari. Malamang na naisumbong na iyon dito ni Kelly. Being the cousin of Marco’s girlfriend she has all the chance to squeal everything to his cousin. “So naisumbong din ba sa iyo ni Miss Sandoval ang kapabayaan niya? Na dahil sa pagiging pabaya niya ay nawala ang isang deal na hinahantay ng kumpanya?” humalukipkip siya paharap dito. “Aminado siya sa kaniyang pagkakamali. Pero sa tingin mo ba hahayaan na lamang niya ang pagkakamali niya? Maghintay ka ng ilang araw, dahil kakatok na lang sa pinto ng opisinang ito ang General Manager ng PhilInvest. Hindi ko na sasabihin ang mga katagang ‘I told you’ when that time happens.” Tila siguradong sigurado ito sa mangyayari. Napaismid siya. “You truly trust that secretary of yours Marco.” Naiiling na pakli niya. Ngumiti ito. “She’s something Limuel. Just try to be friend with her.” “Hindi kaya si Miss Sandoval ang mahal mo at hindi si Jeniah?” “Gago! Alam mo kung gaano ko kamahal si Jeniah. Hindi naman lingid sa iyo ang hirap na pingdaanan ko mapaniwala ko lang siya na wagas ang nararamdaman kong pagmamahal sa kaniya.” Nais niyang mapa-ewww sa mga sinabi nito. Mababakas ang kagalakan sa tinig ng kaniyang pinsan dahil sa labis na pagmamahal sa fiancée nito. “But seriously pinsan, subukan mong buksan ang loob mo kay Kelly makikita mo ang mga bagay na nakita ng ilan sa mga empleyado dito especially our male employee. Subukan mo lang, malay mo siya pala ang hinihintay mong tao na makapagpapabalik sa dating ikaw.” Seryosong turan nito bago walang pasabi na lumabas ng opisina. Naiwan siyang tigagal sa mga sinabi nito. Nang tuluyang magsingk-in sa isip niya ang nais nitong gawin niya ay natawa na lamang siya ng pagak. Siya? Makikipaglapit sa babaeng iyon? No way! Aminado siya na halos lahat ng male and female employee ng AdTech ay labis ang respeto at paghanga sa kaniyang assistant. She’s really a hardworking employee there’s no doubt about it. Kaya lang ay para bang palagi nitong ipinamumukha sa kaniya na mas may alam ito kaysa sa kaniya. Minsan ay parang nakakalimutan nito kung ano ang posisyon nito. She has a tendency to be bossy. At iyon ang hindi matanggap ng kaniyang ego. Napailing na lamang siya. There’s no way he would ever stoop down his pride for her. Minsan na niyang ibinaba ang sarili niya sa Ate Andrea nito ngunit ano ang napala niya? Walang kapantay na sakit dulot ng pagtalikod nito sa kaniya. Tinalikuran siya nito sa mga panahong kailangan niya ang suporta at pagmamahal nito. Kaya naman sumumpa siya sa kaniyang sarili na hinding hindi na siya magkakaroon ng anumang kaugnayan pa sa kahit sino mang malapit sa ex girlfriend niya. Although alam niyang hindi kailanman naging malapit ang mga ito sa isa’t isa base na rin sa pagkukuwento ni Andrea noong mga panahong sila pa. Alam niyang si Kelly mismo ang mailap sa kabila ng paglapit ng dating kasintahan dito. Magkagayon man ay hindi pa rin sapat na dahilan iyon upang kalimutan niya ang ipinangako niya sa kaniyang sarili. Hindi man magkadugo ang mga ito ay may kaugnayan pa rin ang mga ito sa isa’t isa. Muling itinuon niya ang kaniyang sarili sa isang tambak na dokumentong kailangan niyang pag-aralan. Ngunit bago pa man niya magawa ang trabaho ay bigla na lamang sumirit ang sakit mula sa kaniyang mga kamay. Kasabay niyon ay ang pagbalik ng mga masakit na alaalang nais na niyang ibaon sa limot. MASAYANG itinaas ni Limuel ang hawak ng basong may lamang alak upang makipag-cheers sa mga kasama. Kasalukuyan silang nagdiriwang sa kaniyang pagpasa para sa training ng aircraft maintenance na gaganapin sa Laoag sa isang linggo. Masayang masaya ang mga kaibigan niya dahil tanging siya lamang ang nakapasa sa naturang training. “Para sa nalalapit na pagsakay ni Limuel sa eroplano!” anang kaibigan at pinsan niyang si Brenan. Isa na itong matagumpay na negosyante. “At para sa maraming chika babes na mabibingwit ni pogi!” dagdag naman ni Elong, isa sa mga kaklase niya. Natawa siya sa tinuran nito. “Bulol! Sa eroplano ako sasakay kaya paano ako makakabingwit ng chika babes nun?” tinunggo niya ang hawak nitong baso. “Ay oo nga no? O sige para sa nalalapit na pagyaman mo na lang.” nakangising wika nito. Naiiling na lamang siya sa mga kalokohan ng mga kasama niya. “Basta parekoy huwag kang makakalimot ha?” wika naman ni Bryan na bigla na lamang umakbay sa kaniya. “Para kayong mga sira! Sa Laoag lang ako pupunta at mahigit tatlong buwan lang ako doon.” Natatawang kinalas niya ang pagkakaakbay nito sa kaniya. Nagulat na lamang siya ng bigla na lamang itong umiyak. “Hoy Bryan bakit umiiyak ka?” tanong ni Brenan. Patuloy lamang ito sa pag-iyak. “Parang namatayan lang ah.” Natatawa namang komento ni Elong. Hindi ito nakapalag ng batukan ito ng kaniyang pinsan. Makikisali pa sana siya sa kaguluhan ng mga ito ng biglang tumunog ang cellphone niya. Noon lamang niya naalala na susunduin nga pala niya ang kaniyang kasintahan. Bigla siyang napatayo sa kaniyang kinauupuan. Dahil sa kaniyang ginawa ay bahagyang nakaramdam siya ng pagkaliyo. Si Brenan ang nakapansin sa kaniya. “Ayos ka lang insan?” mababakas ang pag-aalala sa tinig nito. Marahang ipinilig niya ang kaniyang ulo. “Oo naman insan. Nabigla lang siguro ako ng pagtayo. O paano iwan ko muna kayo kailangan ko pang sunduin si kumander.” Inisang lagok niya ang natitirang lamang ng baso niya. Bahagyang tumagilid ang pagkakatayo niya ng magsimula siyang maglakad. Mabuti na lamang at maagap na nahawakan siya ng mga kasama niya. “Pare ayos ka lang ba talaga? Ipasundo na lang natin sa iba si Andrea-.” “Hindi puwede pare!” mabilis na tutol niya. “Alam niyo naman na ayaw na ayaw nun ng ipinasusundo sa iba.” Sinikap niyang makalakad ng tuwid. “Sigurado ka ba Limuel na kaya mo? If you want ipagdadrive kita. Dala ko yung kotse ni Mama.” Suhestiyon naman ng kaniyang pinsan. Mababakas ang pag-aalala sa tinig nito. Umiling lamang siya. “Kaya ko pa! See? Tuwid pa salita ko.” Idinaan niya sa pagtawa ang sinabi upang mapanatag na ang mga ito. Walang nagawa ang kaniyang mga kasama kundi hayaan siya. Pagdating sa kapakanan ng kaniyang kasintahan na si Andrea ay hahamakin niya ang lahat maipakita lamang niya na handa siyang gawin ang lahat para dito. Kaya naman kahit nakakaramdam na ng pagkaliyo ay sinikap niyang makapunta sa mall kung saan isa ito sa mga supervisor. Mabilis na pinasibad niya ang kaniyang motorsiklo. Nawala naman ang nararamdaman niyang pagkaliyo. Ngunit kung kailan naman malapit na siya sa tapat ng mall ay bigla na lamang siyang nakaramdam ng muling pagkaliyo. Bago pa man niya mamalayan ay bigla na lamang sumalpok ang kaniyang motor sa isang kotse na kasalubong niya. Hindi na niya alam ang sumunod na nangyari. Bago pa man siya tuluyang mawalan ng malay ay isang babae ang nasilayan niya. Hanggang sa tuluyan ng magdilim ang kaniyang kamalayan. Sa muling pagbalik ng kaniyang malay ay tuluyan ng naglaho ang kaniyang mga pangarap. Nagkaroon ng matinding pagkadurog ng mga buto sa kaniyang kamay at braso na nagdulot ng matinding pinsala sa kaniya. Kinailangan niyang sumailalim sa matinding operasyon sa ibang bansa upang maibalik ang dating porma ng kanyang mga braso. Ngunit naging matagumpay man ang kaniyang operasyon ay hindi na muling naibalik ang kakayahan ng kaniyang mga kamay na mag-operate ng eroplano. Dahil doon ay unti unting nasira ang mga pangarap niyang maging isang magaling na piloto. Napaigik siya sa muling pagsirit ng kirot mula sa kanang braso niya. Sinikap niyang abutin ang mga gamot sa loob ng drawer niya. Mariing napapikit siya sa tindi ng kirot ng kaniyang nararanasan. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya mararanasan ang sakit na dulot ng nakaraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD