Kahit masungit siya, di ko siya matiis

3065 Words
“HINDI ko na itatanong kung ano na naman ang nangyari sa iyo at ganyan kasambakol ang pagmumukha mo.” Naiiling na wika kay Kelly ng kaibigan niyang si Angelou habang nilalagyan nito ng creamer ang iniinom nitong kape. Kanina matapos tumaas ang presyon niya sa sobrang galit sa kaniyang boss ay ito kaagad ang naisipan niyang tawagan upang paglabasan ng sama ng loob sa napakabait nitong kapatid. Timing naman na nasa field of inspection ito kaya mabilis siyang napuntahan nito sa isa sa mga favorite coffee shop nila, ang Café Lover. Doon sila madalas maghang-out tuwing wala silang kani-kaniyang trabaho. Masarap ang pagkakatimpla ng kape doon na nagiging stress reliever niya. Marahas na nagbuga siya ng hangin. “Your brother is not making it easy for me working in AdTech. Pakiramdam ko wala na akong nagawang tama sa mga mata ng halimaw mong kapatid.” Naiinis na litanya niya. Natawa naman ito sa sinabi niya. Simula nang maging boss niya ang kapatid nito ay nasanay na ito sa mga iba’t ibang negatibong katawagan niya sa boss niya. Baliwala naman iyon dito dahil mas loyal daw ito sa kaniya. “Ikaw naman baks hindi ka na nasanay doon. Alam mo naman na matagal ng nagmenopaus iyon kaya palaging galit sa mundo.” Nakuha pa nitong magbiro. “Kalingain mo na lang kasi.” Kamuntik pa niyang naibuga ang iniinom niyang kape sa huling sinabi nito. “Kalingain? Excuse me baka ipa-ambush ko pa iyang kapatid mo.” Pakli niya. “Sus if I know love mo din Kuya Limuel.” naunudyong wika nito. Kulang na lang ay sabunutan niya ang kanyang magandang kaibigan. “Are you on drugs?” asik niya. “Alam na alam mo kung gaano ako ka-allergic sa buwisit mong kapatid tapos magko-conclude ka ng ganyan. Gusto mong madamay?” Mukhang natakot naman ito. “Ikaw naman binibiro lang kita. Tsaka di ba sabi mo noon na there are some point in your life that you got a crush with my Kuya?” pangungulit pa rin nito. Pinandilatan niya ito. “Ikaw na ang nagsabi na noon iyon! Hindi pa siya isang halimaw noong mga panahon na iyon. Pero ngayon na halimaw na siya nunca na magustuhan ko siya.” maisip pa lamang niya ang hilatsa ng pagmumukha ni Limuel ay kumukulo na ang dugo niya. Mukhang lalo lamang itong naaliw sa sinabi niya. “Parang sa beauty and the beast lang ah. Wait! Di ba sa beauty and the beast, tanging si Belle ang nakapagpaamo sa masamang ugali ni Beast?” “So?” nakataas ang isang kilay na wika niya. Hindi niya makuhang ikonekta ang kasalukyang sitwasyon niya sa sinabi nito. “So therefore tanging si Belle lang din ang makakapagpaamo sa mala-beast na ugali ng Kuya Limuel.” nangingislap ang mga matang wika nito. “Unfortunately there’s no Belle in your brother’s life. So walang chance na magbago ang ugali nun.” Ngumiti ito. Yung ngiting parang hindi niya magugustuhan ang sasabihin. “Mali ka doon baks! Dahil si Belle ay matagal ng nakakasama ni Kuya.” Nakangiting wika nito. Nangunot ang noo nito. “At sino naman yun? Matagal ng break ang Kuya mo at ang step-sister ko. Kung ang tinutukoy mo naman ay yung mga babaeng nakakaulayaw niya, I don’t think they suit to be the Belle in your Kuya’s life.” Kinabahan siya ng pakatitigan siya nito. “I am not referring for the other girls Kelly. I am talking about you.” Diretsahang wika nito na ikinagimbal niya. “What? Are you insane? May halo bang droga itong kape na iniinom natin?” bulalas niya. Ngunit nanatili itong nakatingin sa kaniya. “I am very much normal Kelly. Try to analyze this, di ba sa fairy tale ginagawa ni Belle ang lahat para hindi magalit si Beast. Nagtitiis din siya sa kabila ng kagaspangan ng ugali nito it’s because deep inside her she was concern to Beast. And in your part you are doing just the same. You are doing your best to please Kuya.—.” “Ofcourse not! Ginagawa ko lamang ang lahat para sa trabaho ko and not for him!” mariing tutol niya. Ngunit sa pakiwari niya ay parang naging defensive siya. “Ofcourse you are! Hindi mo lang natatanto iyan sa ngayon kasi you and Kuya is having a silent war.” Napaismid siya. “Silent war pa bang matatawag yung palagi kaming nagsisigawan? Kung hindi ko lang talaga kailangan ng trabaho matagal ko nang iniwan iyang Kuya mo. Kaya lubay-lubayan mo iyang mga sinasabi mo at hindi ka nakakatulong.” Naiiritang pakli niya. Siya? magiging Belle sa buhay ni Limuel? parang nais niyang kilabutan sa mga sinasabi ng kaniyang kaibigan. But a small part of her was starting to agree with what Angelou just said. Shut up! “I am just trying to figure things out. Malay mo kaya ganyan si Kuya sa iyo kasi hindi mo siya pinapansin. You know it girl. You had the tendency to irritate a man by not giving them any attention of yours.” Hindi pa ring sumusukong turan nito. Napabuga siya ng hangin. “Iisa lang ang dahilan kung bakit ganyan kagaspang ang ugali ng kapatid mo. He’s still some kind of a bitter because of what Ate Andrea did to him. Sa tuwing nakikita niya ako naaalala niya kung papaano siya iniwan ni Ate. Kaya tigilan mo na ang kakapantasya mo na magiging sister in law mo ako.” Natigilan ito sa sinabi niya. mukhang nasukol niya ito. “Akala mo ba hindi ko alam na kaya panay ang pagpapabango mo sa pangalan ng kapatid mo sa akin ay dahil d’yan sa crazy obsession mo na maging kapamilya mo ako. Wala kang mapapala.” Matigas na wika niya. Lumabi ito. “Malay mo naman magkaroon ng himala o kaya magic bigla na lang kayong magising isang araw na gusto niyo na pala ang isa’t isa.” Pangungulit pa nito. Napailing na lamang siya. “You wouldn’t surrender, do you? Walang saysay na igiit mo pa iyang pangarap mo. Ang mabuti pa tulungan mo na lang akong humanap ng lason na maaari kong ipainom d’yan sa kapatid mo nang matapos na ang paghihirap ko.” “A love posion perhaps!” anito sabay hagikhik. Ngali-ngaling ituktok niya dito ang hawak niyang kutsarita. ABALA si Kelly sa pag-aayos ng mga dokumentong kakailanganin ni Limuel sa appointment nito sa isa sa mga malaking kumpanya sa bansa mamayang tanghali. Isa-isang tsi-nek niya ang bawat dokumentong siya mismo ang nag-encode upang siguraduhing maayos at walang mali sa mga wordings ng mga iyon. Ayaw na niyang magkaroon ng panibagong kapalpakan na maipanlalaban nito sa kaniya. Minsan na siyang nagkamali at pang-iinsulto mula sa kaniyang amo ang kaniyang natamo. Kaya naman hindi na niya nanaisin pa na mangyari ulit iyon. Nang masiguro na walang mali sa mga dokumento ay inilagay na niya iyon sa isang folder upang maibigay na sa napakagaling niyang boss. Hindi pa rin naaalis ang inis niya sa mga pinagsasabi nito dahil sa naging kapabayaan niya. Aminado siya na nagpabaya siya sa kaniyang trabaho. Ngunit hindi niya matanggap na siya lang ang sinisisi ni Limuel dahil kung tutuusin ay mas malaki ang kasalanan nito dahil hindi niya ito makontak ng araw na may meeting ito sa General Manager ng PhilInvest Corporation. Magkagayunman ay hindi naman niya maatim na manatiling pagkakamali na lamang ang nangyari. Sa halip na magmukmok siya dahil sa nangyari ay kumilos siya. Nagpunta siya sa PhilInvest Corporation upang akuin ang lahat ng pagkakamali. Nais niyang ipamukha kay Limuel na nagkamali ito sa pag-akusa sa kaniya na unefficient employee siya. Nagulat siya ng malaman niya kung sino ang general manager ng kumpanya. Hindi niya akalain na ang Mr. Martinez na madalas niyang kausap over phone ay si Jason Clifford Martinez na siyang kaklase at kabarkada niya noong nasa kolehiyo pa siya. Pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay kinakatigan siya ng suwerte dahil naisip niyang hindi na siya mahihirapan na makipag-usap dito. Ngunit nagkamali siya dahil mas mahirap pa itong ka-deal kaysa sa boss niya. Kahit anong paliwanag niya ay ayaw na nitong ire-consider ang proposal ng AdTech Corporation. Kaya naman halos maglumuhod siya sa harap nito. Naalala pa niya kung paano siya naki-usap dito. “Please Mr. Martinez, give us a chance to present our proposal. I am a hundred percent sure that you’ll approve our proposal to your company.” Patuloy na pakiki-usap ni Kelly kay Jason na hindi siya pinagkakaabalahang tingnan man lang. “I’ve already said my piece Miss Sandoval. Now if you’ll still insist your point I’m afraid I’ll call the guards to pick you and throw you outside my office!” supladong wika nito ng tingnan siya. Sa pakiwari niya ay nakalimutan na niya ang talagang pakay niya. “Ang yabang mo naman! Ni hindi mo man lang bigyan ng konsiderasyon na naging magkaibigan tayo noon. At isa pa ni hindi mo man lang ba naisip na may sense yung proposal ng AdTech sa iyo dahil kung wala sa tingin mo ba magmamakaawa pa ako sa iyo ngayon?” lumabas ang mataray at matapang na Maria Kelaiza Sandoval ng mga oras na iyon. Ngunit tila hindi naman ito naapektuhan. “Business is business Miss Sandoval! Sa tingin mo ba aasenso ang kumpanya kung palaging ikokonsidera ng matataas ang naging affiliate nila dati sa isang tao? My decision is final! Now kung wala ka nang iba pang sasabihin ay makakaalis ka na.” diretsahang wika nito bago ituro ang pinto. Hindi niya matanggap ang pagtanggi nito sa pakiusap niya. “Nagbago ka nang talaga Jason. Pero sabagay noon pa man ganyan ka na. Kaya nga maski si Angelou na nagmahal sa iyo ng totoo ay ipinagtulakan mo palayo dahil d’yan sa masamang ugali mo.” Alam niyang wala na sa lugar ang mga sinabi niya. Pero natuwa siya ng makita ang reaksyon nito sa sinabi niya. Mukhang tinamaan ito. “Tandaan mo ito Mr. Martinez, huwag na huwag kang makalapit lapit sa akin kapag dumating ang araw na kailangan mo ang tulong ko. Dahil kahit magsasayaw ka pa sa harap ko hinding hindi kita tutulungan.” Nakataas ang noong pagbabanta niya dito. Umuwi man siyang lulugo lugo nang araw na iyon ay nanatili pa rin siyang positibo. Hindi man makuha ng kumpanya ang approval nito ay alam niyang magkakaroon pa sila ng ibang ka-deal. Ang sisiguraduhin niyang mas malaking kumpanya ang mabibingwit nila sa susunod. Sa ngayon ay kailangan muna niyang patunayan ang sarili niya sa boss niya na ubod ng sama ng ugali. Marahang kumatok siya sa pinto ng private office ng boss niya upang ibigay dito ang mga papeles na kailangan nitong basahin para sa lunch meeting nito. Tulad ng dati ay wala siyang narinig na tugon mula dito kaya naman nagpasya na siyang buksan at pumasok sa loob. Naabutan niya ito na abala sa pagbasa ng ilang dokumento. Hindi niya malaman kung anong pumasok sa utak niya nang magpasya siyang titigan muna niya ito. Hindi maitatatwa na guwapo pa rin ito sa kabila ng paglipas ng taon at sa aksidenteng naganap dito may ilang taon na ang nakararaan. Base sa kaniyang nasagap na tsismis ay naaksidente ito habang nagmamaneho ito ng kotse nito. May ilang bakas ang naiwan sa mukha nito. Ngunit hindi iyon naging kabawasan sa dating nito infact it add some appeal to his handsome face. Kapag ganoong tahimik ito ay parang nabubura sa kaniyang isipan ang masamang pag-uugali nito. Biglang pumasok sa kaniyang isipan ang naging pag-uusap nila ng kapatid nito. “…di ba sa fairy tale ginagawa ni Belle ang lahat para hindi magalit si Beast. Nagtitiis din siya sa kabila ng kagaspangan ng ugali nito it’s because deep inside her she was concern to Beast. And in your part you are doing just the same. You are doing your best to please Kuya.” Ilang gabi ring gumulo sa isip niya ang mga katagang iyon. Ngunit sa tuwina ay parati siyang nauuwi sa pagkadismaya dahil kahit anong gawin isip niya ay alam niyang malabo siyang maging Belle ng buhay ng boss niya. Marahang ipinilig niya ang ulo. Bakit ba parang naaapektuhan siya sa mga kalokohan ng kaibigan niya? Huminga siya ng malalim bago tumikhim upang kunin ang atensyon nito. Nang mag-angat ito ng ulo ay saglit na natigilan siya. Para bang nangislap ang mga mata nito sa pagkakakita sa kaniya. Ngunit saglit lamang iyon dahil napalitan kaagad ng blanking ekspresyon ang mga mata nito. Hindi tuloy niya mawari kung pinaglalaruan lamang siya ng kaniyang imahinasyon. “You need anything?” supladong tanong nito. Pinigilan niya ang pagtaas ng kaniyang kilay. “Ibibigay ko lang po yung mga papeles na kailangan niyong basahin para sa lunch meeting niyo mamaya para sa CEO ng Robielos Advertising.” Sinikap niyang maging kaswal ang kaniyang tinig. “Just put it here.” Walang ganang wika nito bago muling itinuon ang atensyon sa binabasa nito. Mabilis na lumapit siya sa mesa nito upang ipatong ang mga papeles. Lihim na nainis siya sa paraan ng pagkausap nito sa kaniya. Wala na nga yatang pag-asa na pakitunguhan siya nito ng maayos. Nang mailapag ang mga papeles ay tahimik na lumabas na siya ng opisina nito. Pabalik na siya ng kaniyang table ng biglang bumukas ang pinto ng opisina. Lumitaw mula doon ang isang lalaking hindi niya inaasahan na susugod doon. “What are you doing here Mr. Martinez?” mataray na tanong niya bago humalukipkip habang nakatingin dito. He looked so stress than the last time she saw him. Mukhang alam na niya ang sadya nito. “I need your help Kelaiza.” Diretsang saad nito. Nais niyang mapangiwi ng buuin nito ang second name niya. Sa kanilang magkakaibigan noong college ay ito lamang ang hindi mahilig tumawag ng mga palayaw nila. First name basis ang tawag nito palagi. Pinigilan niya ang mapangiti sa kasalukuyang hitsura nito. “Mukhang ang bilis mo namang makalimot Mr. Martinez? Hindi ba’t kamakailan lang ng sabihin kong hinding hindi kita tutulungan kahit ano pang gawin mo?” pagtataray pa rin niya. “Now, if you’ll excuse me I still have a lot of work to do.” Akmang tatalikuran na niya ito ng pigilan siya nito sa braso. “Wait! Okay okay you win! Im reconsidering your proposal just help me with Angelou.” May desperasyon sa tinig nito. Napukaw naman nito ang kaniyang interes. “Bakit? Ano na naman ba ang ginawa ni Angelou para magmakaawa ka sa akin ng ganyan?” nakataas ang kilay na tanong niya. Mabilis na ikinuwento nito ang nangyari sa pagitan nito at ni Angelou. Pinigilan niya ang matawa habang nagkukuwento ito. Angelou was her best friend next to her Ate Jeniah. Unica hija ito ng mag-asawang Villaroman at nag-iisang kapatid ng damuho niyang boss na si Limuel. Ngunit kabaliktaran ng boss niya ang pag-uugali ni Angelou. She was sweet, caring and super kulet. As in to the highest level ang kakulitan nito. Pero she love her friend so much. Basta sa ikasasaya nito ay full support siya sa mga kalukahan nito. Hindi nga niya akalain na anak ito ng isa sa pinakamayamang angkan sa bansa. Hindi kasi nito ni-reveal ang tunay na background nito noong nag-aaral pa sila. Nalaman lamang nila na anak mayaman pala ito nang magpunta ang parents nito noong mismong graduation rehearsals nila. At ngayon ay kaharap niya ang lalaking dahilan ng pagtalikod nito sa kaharian nito. Nais niyang matawa sa panibagong kagagahang ginawa ni Angelou. “Totoo bang nagka-selective amnesia siya? She couldn’t even remember me.” Mababakas sa tinig nito ang lungkot. Tinapik niya ang balikat nito. “Don’t worry kung talagang wagas ang pagmamahal niya sa iyo ay maaalala ka niya. Ang utak maaring makalimot pero hindi ang puso.” kahit papaano ay nadarama niya ang kalungkutan sa puso nito. “Tutulungan mo ba akong maibalik ang memorya niya?” may pagsusumamo sa tinig nito. Wala siyang magawa kundi tumango. “Don’t worry I’ll help you.” Pag-aassure niya. Nagmental note siya na sesermunan niya ang kaibigan kapag nagkita sila. Alam niyang nagawa lamang ni Angelou iyon dala marahil ng pagkataranta sa muling pagkikita nito at ni Jason. “Salamat.” Nakangiti ng wika nito. “Anong salamat! Tuparin mo muna ang pangako mo.” Pinandilatan niya ito ng umakto itong tila hindi maunawaan ang kaniyang sinabi. “Uupakan kita Jason kaya umayos ka!” Natawa naman ito. “Binibiro lang kita. Ikaw naman ubod ka pa rin ng taray.” Pabirong pinisil nito ang kaniyang ilong. She rolled her eyes. “Huwag ako ang landiin mo! Hala puntahan mo na ang pagkabait bait kong boss at kausapin mo na.” pagtataboy niya. “Anong sasabihin ko?” painosenteng tanong nito. Inambahan niya ito ng kaniyang kamao. “Oo na, ikaw talaga hayaan mo at ipagtatapat ko na sa kaniya ang lihim mong damdamin--- aray!” hindi nito naituloy ang sasabihin dahil hinambalos niya ito gamit ang hawak niyang folder. Wala na siyang pakialam kung malukot pa iyon. Nahihindik siya sa mga biro nito. “Sadista ka talaga! O siya kakausapin ko na ang pinakamamahal mong boss.” Naiiling na naglakad na ito. “Pabanguhin mo ang pangalan ko sa kaniya.” Pahabol na wika niya. “Sure Madam! Don’t worry maninikluhod iyon sa iyo pagkatapos naming mag-usap.” Pilyong wika pa nito bago kumatok sa pinto ng private office ni Limuel. Hindi na niya nagawa pang talakan ito dahil mabilis na nakapasok ito sa loob ng opisina. Napailing na lamang siya habang nakatingin pa din sa pintuan. Hindi niya akalaing may taglay din itong kakulitan. Noong nag-aaral pa kasi sila ay palagi itong tahimik at seryoso. Bihira din nila itong makasama sa galaan noon. Kapag wala ito sa lakad nila ay wala rin ang kaibigan niyang si Angelou. Nang maalala ang kaibigan ay mabilis na kinuha niya ang kaniyang cellphone upang tawagan ito. Habang hinihintay niya ang pagsagot nito ay hindi niya maiwasang isipin ang magiging pakikitungo ni Limuel sa kaniya pagkatapos ng araw na iyon. May nakapa siyang pananabik sa kaibuturan ng kaniyang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD