CHAPTER 1
[ Encounter ]
( THIRD PERSON'S POV )
"Mr. Villorente, andito na po yung bago nating applicant." pagbibigay alam ng kanyang secretary na si Carl.
"Sa katunayan po ay pasado na siya sa lahat ng interviews at maayos po ang kanyang background" dagdag pa nito.
"Sige papasukin mo" tugon niya rito.
Pagkapasok ay agad siyang binati ng boses babae, habang siya ngayon ay nakatalikod at pinagmamasdan ang magandang view sa labas ng kanyang opisina.
"Good morning Mr. Villorente" pagbati nito sa kanya.
Pagkaharap ng CEO na ito ay agad siyang natigilan at di muna nakaimik.
"Bakit tila pamilyar sa akin ang babaeng ito, gayong ito pa lamang ang una naming pagkikita.
Maging ang presensya niya ay nagbibigay pahiwatig na para bang matagal na kaming magkakilala!" tanging mga salitang tumatakbo sa kanyang isipan habang kasalukuyang tulala sa harap ng dalaga.
"Sir are okay?" nagtatakang tanong ng dalaga.
Biglang natawa ang secretary niyang nakatayo sa di kalayuan dahil sa natutulala niyang boss.
Sinamaan niya ito ng tingin saka binaling ang atensyon sa dalaga.
"Ahm yeah of course! ah what's your name?" tanong niya rito.
"I'm Krisha Guivarra po!" nakangiting sagot nitu sa kanya.
"W - what?" agad nan laki ang mga mata niya sa narinig sabay napa tindig sa kina uupuan niya.
"That name --
"Siya nga ba kaya ito?
"Kung sa panlabas na anyo nito ay parang siya nga lalo na sa muka.
"Naku hindi maaari, marahil ay kapareho niya lamang ito sa pangalan" pabulong na saway niya sa sarili.
Very classy siya manamit at napaka approachable ng kanyang ngiti.
"Ahm have a sit Ms. - Ms. Guivarra" mahinahong utos niya.
"Thank you sir! " tugon nito at saka umupo.
Di padin makapag concentrate si Mr. Villorente dahil sa kagandahan ng babaeng nasa harap niya, maiksi ang buhok netu na siya namang bumagay sa napaka liit niyang muka. Kaya naman di niya maiwasang mapag kamalan na ito yung kakilala niya.
"Btw sir, allow me to introduce myself. Again my name is Krisha Guivarra, 23 years old. Currently residing ..... ...... ...... ........
Habang tuloy-tuloy ang pagsasalita ni Krisha, itong CEO naman ay nakatitig lamang sa kanya.
"Her lips is so kissable" pagka humaling niya sa dalaga na agad ay napawi. "What the heck! get a grip self" saway niya sa sarili niyang utak at pa simpleng napapa tadyak ng mahina ang isa nitong paa, at masyado na ata siyang nawawala sa katinuan.
Matapos magsalita si Krisha ay agad siyang nag desisyon at agarang tinawag si Carl.
"Come here!" lumapit naman ang kanyang secretary.
"Yes po sir?" tanong nito.
"I like her!" sabi niya rito.
Nan laki naman ang mga mata ng dalawa at sabay na nagka tinginan itong si Carl at Krisha.
"S - sorry sir ano po yun?" nag tatakang mukha at boses ni Carl.
"Starting tomorrow, Ms. Guivarra will be my new secretary!" deritsahan na sagot ni Derrick.
"Wait, w - what about me po sir?" naguguluhan na tanong nitong si Carl.
"At ikaw naman ang papalit sa Department Manager natin." tugon naman ni Derrick dito.
"Peru sir ... " taranta na boses ni Carl.
"Wala ng peru peru!" mariing sambit ni Derrick
"Sir wag nama--- " di natapos na pag tanggi nitong kanyang secretary na si Carl. Hindi niya matanggap ang mabilisang desisyon na ito ng kanilang CEO.
"Okay, how about.. firing you? what do you think?" pa simpleng tanong niya kay Carl na may halong pananakot.
"Ah hehehe syempre sir kopya po, pasensya na sir" nakangising sagot ni Carl, na wala namang ibang choice kung hindi ay mawawalan siya ng trabaho.
"Good! how about you Ms Guivarra, are you in?" pagbaling niya sa dalaga.
"Of course I am -- Mr. Villorente, it's my pleasure po! nakangiting sagot ni Krisha.
"That's great!, do you have any questions?" mabilisang tanong ni Derrick sa dalaga.
"Ahm wala naman na po sir" tugon ni Krisha.
"Alright! we are done here. Carl ikaw na muna bahala sa kanya ha." bilin niya Kay Carl na parang hindi pa lubusang matanggap ang nangyari.
"Noted po sir!" tanging naging tugon nito sa kanya.
Agad namang tumayo si Derrick.
"Okay, kailangan ko na umalis I have a meeting pa. bukas ang start mo dito!" pagpa paalam niya.
"Thank you sir!" ani Krisha.
( Krisha's POV )
"Hi sam! can we meet today?" ...... I texted my friend, Samantha.
"Okay, see you there!" reply niya sakin.
Agad akong nagbihis at nag drive na papunta ng restuarant.
Mabilis akong nakarating at nag order nalang ng aming makakain habang inaantay ang kaibigan ko malapit namn na daw siya.
"Sam, right here!" pag tawag ko sa kaibigan kong palingon-lingon at hinahanap kung saan ako nakaupo.
"Hi shaa I miss you!" pag approach niya sakin.
"I miss you too!" sagot ko naman sabay yakap sa kanya.
"Kelan ka lang ba nakabalik dito, ba't di moko agad sinabihan?" nag tataray na tanong niya habang pa upo palang.
"Hahaha last week lang naman, sorry sam" nakangiti at malambing na sagot ko.
"Di manlang tayo nakapag chikahan." naka ngusong sambit ni sam.
"Nga pala kamusta ang Italy masaya ba dun?" na eexcite na tanong niya.
"Syempre naman nu, and don't worry next time isasama na kita pag babalik ako dun" sagot ko naman.
"Yeeesss na excite nako!" natutuwang sabi pa niya.
"By the way sam, bukas nga pala may work na ko" iniba ko ang usapan.
"What? --- ikaw magwo work? hahahaha patawa ka sha." walang tiwalang sabi niya saka tumatawa.
"Naaa I'm serious!"
"Really? peru sha, masyado kang madaming pera para mag work pa, ano para san?" kunot noo na tanong niya.
"Parang gusto ko naman ng bagong pagkaka abalahan e" sagot ko sa kanya.
"What about your family?" seryusong tanong ni sam.
"Kung hindi dahil kay kuya e baka nga wala ako dito ngayon, peru siya naman na ang bahala once kailangan na ng papalit, but for now anjan pa ang mom and dad, so I can do whatever I want" paliwanag ko naman dito.
"Andami mong pweding gawin.
"Peru sabagay para maiba naman at ng magkaron kadin ng mga bagong kakilala at kaibigan. Atsaka malay mo jan mo mahanap si mr right mo." pang aasar niya sakin at napangiti nalang kaming dalawa, saka kumain na.
THE NEXT DAY
Masaya ako na pumasok sa trabaho at lahat sila ay binati ko ng Good morning, natutuwa naman silang lahat dahil sa vibes na binibigay ko.
Dumiritso ako sa office ni Mr. Villorente.
"Good morning sir!" pagbati ko sa kanya.
"Good morning! tamang tama ang dating mo" sabi niya at dali daling tinawag si carl.
"Carl, alam mo na gagawin mo" tanging wika niya rito.
"Yes sir! Ms. Pretty just follow me po." ani Mr. Carl.
Matapos niya akong turuan ay bumalik na ako sa aking desk.
"Good morning ma'am! sabay-sabay na bati ng lahat dun sa babaeng kakarating lang, napaka revealing ng suot niya at sexy din siya.
Hindi ito sumagot at nagtataray pa, dumiritso siya sa office ni Mr. Villorente.
"Sir carl, sino yun?" tanong ko sa kanya sa katabi ko lang ng desk.
"Ah girlfriend yun ng boss natin, huwag ka nalang lalapit jan hahaha" sagot ni Carl sa akin.
"Ay, may girlfriend pala siya" bulong ko sa isipan na para bang nang hihinayang.
"What am i thinking? of course napaka gwapo ng boss namin, matipuno ang katawan, may pera kaya pano yan mawawalan ng girlfriend." kung ano anong tumatakbo sa isip ko. Hays makapag trabaho na nga.
"Telephone ringing"...
"Hi good morning! Ms. Guivarra speaking, how can i help you"
"Ako tu, pumasok ka dito sa office ko." ani Mr. Villorente.
Agad akong pumasok sa office niya at nadatnan ko ang pang aakit at kalandian ng babaeng ito. Halata din ang pagka inis sa mukha ni sir.
"Ah sir tawag niyo po ako" approach ko kay Mr. Villorente na patuloy padin minanasahe ng babaeng ito ang dibdib ni sir may pakagat kagat pa sa tenga niya, kaya tumalikod nalang ako.
"Who is she" dinig kong tanong ng babaeng yun.
"She's my secretary" tugon ni sir dito.
"but she's ....
"Irish you're here in my office kaya act professionally" utos nito sa gf niya.
"I have a lot of works to do, so please leave!" dagdag niya pa.
"HA HA HA Cold treatment... as usual, okay fine I'll leave. See you later babe." saad ng girlfriend niya sabay kindat.
"Makakaalis kana." malamig na boses ni sir matapos niya kong titigan ng ilang segundo.
"Po?" medyo diko gets akala ko may kailangan siya.
"I just have to do it para umalis na siya" paliwanag niya pa sa akin.
"Ah I ... I see, but why sir? tanong ko bigla.
"As you can see wala naman siyang importanteng gagawin dito" walang ganang sagot niya.