CHAPTER 14
( Derrick's girlfriend confronted us )
( Derrick's POV )
"Can you take me somewhere?" she asked with no emotions.
"Oo naman, I know a lot of places here!" I responded.
"Akala ko ay ayaw niyang umalis dito hangga't hindi siya siguradong okay ang mga kaibigan niya." mga laman ng aking isipan.
Nagulat man sa biglaang pag babago ng isip niya ay alam ko din kung ano ang kailangan niya this time and I'm happy to accompany her.
"So tama nga ako, magkasama kayo all this time! Ano san kayo pupunta?" salubong sa amin ni Irish pagka labas mismo namin ng hospital.
"Ano Derrick sumagot ka, papaikutin niyo na naman ba ako ngayon kagaya ng ginawa niyo kanina ha?!" nag sisimula na siyang magwala kagaya ng palagi niyang ginagawa na siyang sumisira palagi sa araw ko.
"Ano na naman tu Irish, another scene na mag wawala kana naman tapos pag titinginan na naman tayo ng mga tao katulad ng gusto mong mangyari?" deritsahang salita ko sa inis ko sa kanya.
Krisha doesn't make any reactions sa nangyayari.
"Explain this! bakit magkasama kayo sa lugar na tu?" desperadang tanong niya.
"At ikaw babae ka, diba sinabihan na kita na ayaw ko na pina pakialaman ang AKIN!!" pag baling niya kay Krisha na wala pading reaksyon maliban sa isang malakas na buntong hininga na siya namang ikina inis ni Irish.
"You f*cking b*tch!" namilog ang mga mata niya sabay sasampalin si Krisha.
"Ano ba Derrick umalis ka jan!" galit na utos niya ng bigla kong harangan ang gagawin niya kay Krisha.
"Pwedi ba Irish huwag kang mag simula ng gulo dito!
"Hindi ka ba nahihiya sa kinikilos mo ngayon?
"Wala namang ginagawa sayo yung tao!" sunod sunod na saway ko.
"Ipag tatanggol mo pa yang babaeng yan over me, hindi mo ba nakita ang ginawa niya Derrick?"
"Irish wala naman siyang ginagaw-- "
"Why? ano Derrick, dahil gusto mo na siya? dahil inakit ka niya ha?" napa praning na tanong ni Irish.
"Ikaw babae ka, ano masaya ka ba sa pang aakit sa boyfriend ko? ano ilang beses kang naghubad sa harap niy-- " hindi natapos na salita ni Irish ng bigyan siya ng isang malakas na sampal ni Krisha.
"Wala akong inaakit naiintindihan mo? hindi ako ganoong klaseng babae gaya na lamang ng iniisip mo!" mariin na boses ni Krisha.
Sandali din na napa hawak sa pisngi si Irish sa lakas ng sampal ni Krisha, kahit ako ay nagulat din sa nangyari.
"Walang hiya kang babae ka!" ani Irish at buong lakas na sinugod si Krisha.
Ang patalikod na sana na si Krisha ay mabilis na nahawakan ni Irish sa buhok at galit na sinabunutan na naging sanhi ng pag aaway ng dalawa. I stopped them peru hindi sapat para mapigilan ko ang namuong galit nila sa isa't isa.
Pareho nilang sinasabunutan ang isa't isa at agad ko naman na tinawag si Carl na nasa loob ng hospital para antayin ang balita sa dalawang kaibigan ni Krisha.
"Ms. krisha tama na po yan!" pag awat ni Carl habang ako naman kay Irish kaya't madali namin silang napag hiwalay.
"Tumigil ka na Irish, ano ba!" pag pigil ko dahil nag pupumiglas itong si Irish.
"Ano ba, bakit ako? e yang cheap na babaeng yan ang may kasalanan dito!" sigaw niya sa akin dahilan para bitiwan ko siya.
"Alam mo ikaw punong puno na ko sa pagiging ugaling squater mo e!" gigil na boses ni Krisha.
"Ah ganun!" ani Irish at mabilis na sumugod, ganun din si Krisha.
Nang magka tagpo ay hindi namin inasahan ang mangyayari..
"Alam mo ikaw, matagal na kong nag titimpi sa ugali mo ha!" ani Krisha habang hawak sa buhok si Irish at malakas na sinusubsob sa may harap ng kotse.
"Ouch-- ah ano ba bitiwan mo k-- " reklamo at pag pupumiglas nito ngunit lalo pang diniinan ni Krisha ang pagkaka subsob sa kanya.
"A- aww Derrick ano ba hindi niyo ba pipigilan tung babaeng tu!" sigaw ni Irish dahil pereho kaming nagulat ni Carl sa bilis ng kamay ni Krisha kanina.
"Krisha tama na yan sige na, bitiwan mo na siya" kalmadong pag awat ko sa kanya at sumunod naman siya ngunit pahagis niyang binitiwan si Irish palayo sa kinaroroonan namin.
"Bwes*t kang babae ka!" gigil na sambit ni Irish.
"Ano gusto mo pang masaktan?!" pag babantang lumapit pa niya at natakot naman si Irish.
"No.. no.. No Krisha tama na." pag awat ko hawak ang braso niya at napa tingin dito si Irish.
"Carl please ihatid mo nalang si Irish sa kanila!" utos ko sa kanya.
"What?.. at ano sasamahan mo yang malanding babaeng yan e ako naman ang girlfriend m-- "
"TAMA NA!!! Diba sabi ko tamaaa naa!" galit kong sinigawan si Irish kaya't natahimik siya at umiyak.
"Pag babayaran niyo tung ginawa niyo sakin Derrick, lalong lalo kanang babae ka! you'll pay for this!!" galit at umiiyak na pag babanta niya sa amin.
"Don't worry, hindi ako natatakot sayo!" matapang na tugon pa ni Krisha.
"Sige na Carl!" utos kong muli at pinilit niya ng pina pasok sa kotse si Irish.
"Derrick ano ba kausapin mo ko! ipaliwanag mo sa akin lahat ng tu!" pakiusap niya bago siya tuluyang naisakay ni Carl sa kotse at agad na umalis.
"Are you okay? m-- may masakit ba sayo?" nag aalalang tanong ko kay Krisha sabay sinuri sa muka at katawan niya.
"Get your hands off of me!! Ano na naman tu ha, hindi ka ba naaawa sa girlfriend mo?" na bigla ako sa agarang pag sigaw niya sa akin.
She's about to cry at ramdam ko ang bigat sa loob niya. Kung gaano siya ka tapang kanina ay ganun na lamang siya ka tamlay ngayon.
"Krisha I'm sorry! I'm sorry dahil naranasan mo tu ngayon ng dahil sa akin, this is all my fault!"
"Sorry? hindi ko kailangan ang sorry mo Derrick. Ang kailangan ko ay yung tigilan mo na ko!" this time ay tuluyan ng pumatak ang mga luha niya. Ang alam ko lang ay dahil ito sa akin at sa dalawang kaibigan niya but for sure meron pa siyang ibang dinadalang problema na hindi ko pa batid, kaya ganoon na lamang ka bilis ang pagiging emosyonal niya.
"No krisha, sorry peru hindi ko gagawin yun!" malungkot na boses ko at akmang lalapit sa kanya.
"Bingi ka baaa?!!" galit at sumisigaw muli siya sa akin.
"Krisha please! hindi pwedi, hindi ko kaya yun. You know na mahal kit--"
"Pagmamahal ba tawag mo dito ha? gusto mo kaming pag sabayin ngayon, o ano, ano mo ko ha?
"Pampalipas oras? parausa-- ?
"No!! gosh Krisha that's not true, I swear to God I really love you!" napa lakas at seryusong tugon ko habang pinupunasan ng dalawang kamay ko ang mga luha niya.
"Please, huwag kang mag isip ng ganun!" ikako saka pilit na niyakap siya.
"But you still have girlfriend kaya mali padin tu!" mahinang sambit niya habang naka sandal sa may balikat ko.
Halatang pagod na pagod na siya sa daming nangyari sa araw na ito, kailangan niya na ng maayos na pahinga.
"Girlfriend ko lamang siya dahil sa family niya peru hindi ko siya mahal!
"Dahil ikaw ang mahal ko, ikaw lang ang mahal ko.
"Ako ba, meron ba akong puwang jan sa puso mo? mahal mo na din ba ako?" malamig na boses ko sabay hinarap at tinitigan sa mata si Krisha.
"Peru hindi pwedi t--" naputol na tugon niya.
"Just answer me please, is it yes or no?" atat akong malaman ang sagot niya.
"I -- I don't know.. may be I was just.. confused dahil dun sa.. sa lalaking hinihintay ko!" naguguluhan at nag aalangan na sagot niya.
"It's me krisha! ako yung lalaking tinutukoy mo!" sagot ko sa isipan ko.
Gusto ko mang aminin sa kanya peru hindi pwedi, masyadong masakit ang nagawa sa kanya ng dating ako.