CHAPTER 8
( Derrick, being jealous )
"Okay okay, peru pano kayo nakapasok dito?" kunot noo na tanong niya at saka tumingin kay Sam.
"Sam!! what's this, don't tell me na ...
"Oo na sorry na, sinabi ko yung passcode mo. Sabi namimiss kalang daw eh di tinulungan ko na." napapa ngiwing tugon ni Sam.
"Teka lang Sha parang hindi mo naman kami kaibigan e. Ayaw mo ba na dinalaw ka namin dito?" nag papaawa na sabi ni Rico.
"At isa pa ikaw Krisha, simula nung maka pasok ka sa trabaho mong yan nawawalan kana ng time samin ha nakakatampo ka na!" saad naman ni Laurence.
"Oh siya sige na dami niyong dama sa buhay, dalhin mo na yang pagkain dito kain nalang tayo!" pag payag naman si Krisha sabay kinuha ang dalang food na hawak hawak ni Laurence at ikinatuwa naman ng tatlo.
"Oo nga pala Sha I almost forgot, nung gabing nasa bar tayo bakit mo kami iniwan doon? hindi mo manlang ako ginising nung umalis ka." tanong ni Sam habang kumakain sila.
"Oo nga bigla ka nalang nawala nun." ani Rico.
"Yun nga ang hindi ko alam guys, wala padin akong maalala hanggang ngayon eh. Peru nagising ako sa isang room kinabukasan, hindi ko alam kung kanino yun kasi hindi ko naman nakita yung guy." halos pabulong na pagku kwento ni Krisha.
"Ohw my goodness!! shaaa, don't tell me may ano... " malisyosang salita ni Sam.
"Bal*w walang ganon, at saka wala akong maalala as in. Nakita ko nalang may isang sulat na iniwan doon sa kwarto na yun.
"At alam niyo ba guys ang weird lang kasi yung sulat kamay na yun, meron din kaninang umaga pag gising ko. Feeling ko iisa lang sila kasi parang kasama ko na naman siya kagabi. Hindi ko tuloy mapigilang mapag kamalan siyang si Yanyan." pagku kwento ni Krisha.
"Lian na naman, ayan ka na naman Sha tigilan mo na nga yan, sabi ko naman sayo inumin mo lagi ang gamot mo ha!" pamatay ilusyon na wika ni Sam na siya namang ikina lungkot ng mukha ni Krisha.
Nag tinginan naman itong si Laurence at si Rico sa isa't isa.
"Tama na yan Sam masyado ka naman sa kaibigan natin. Hayaan mo Sha tutulungan ka namin alamin natin kung sino yung lalaking tinutukoy mo." seyusong tuon naman ni Laurence at agad hinagod sa likod si Krisha ganon din naman ang ginawa ni Rico.
"Tama naman si Sam siguro nga ay nababaliw lang ako." malungkot na boses ni Krisha.
"Hindi ko naman sinabing nababaliw ka na, ang sinasabi ko lang tigilan mo na ang kakaisip sa lalaking yun dahil hindi ka na mahalaga dun kasi dapat noon palang sana hinanap ka na niya diba?! Madaming ibang lalaki jan na pweding gumawa nun sayo at hindi lang ang Lian na iyon okay!. Ayaw ko na din na masyado mo ng pina pahirapan ang sarili mo Sha yun lang yun." paliwanag naman ni Sam sabay niyakap niya ito.
Matapos ang mahaba nilang kwentuhan ay nagsilabasan na sila sa apartment ni Krisha, wala muna silang inuman at baka daw ano na naman mangyari kay krisha pag katapos. Hapon nadin kaya kailangan niya ng mag pahinga.
"Thank you so much guys ah dahil sinamahan niyo ako today!" aniya saka niyakap sila isa isa.
"Ano na naman tu Krisha?!! galit na boses ng isang lalaki.
"S- sir Derrick?" tanging lumabas sa bibig ni Krisha.
"Sabi ko mag pahinga ka diba!" tiim bagang sambit ni Derrick sabay inalis si Krisha sa pagkaka yakap kay Laurence.
"Hey! who are you? kung maka asta ka parang pag mamay-ari mo siya ah!" ani Laurence at akmang lalapitan si Derrick.
"Please stop! rence this is Derrick, he's my -- my boss."
"And sir Derrick this is Laurence, Rico and you know Sam, they're all my friends!" pagpa pakilala ni Krisha.
"Friend.. HAH... really ?" kawalang tiwala na bigkas ni Derrick habang kasalukuyuang naka tingin kay Laurence.
"Let's go, mag uusap tayo sa loob!" utos ni derrick sabay hila sa braso si Krisha papasok sa loob ng apartment niya.
"Ouch ano ba!! ah -- guys ingat kayo pauwe ha thank you again!" sigaw niya nung makitang susubukang lumapit ni Laurence sa kanila peru pinigilan ito ni Sam.
"Guys tara na! boss naman siya ni Sha kaya wala siyang gagawing masama sa kaibigan natin." pangungumbinsi ni Sam.
"Hindi mo ba nakita yun pano niya kaladkarin si Krisha? tas hahayaan lang natin" pag kuntra naman ni Laurence.
"No, bilang lalaki sa tingin ko ay nag seselos siya basi sa mga kinilos niya. Baka may gusto ata yun sa kaibigan natin." opinyon naman ni Rico kay Derrick. Nag desisyon na silang umalis habang itong si Laurence ay pilit nilang hinihila na sumabay sa kanila.
"Aray ko ano ba bitawan mo nga ako nasasaktan ako!!" sigaw ni Krisha at agad napa upo sa sofa niya ng tuluyan siyang bitawan ni Derrick.
"Bakit nandito yung lalaking yun?" umuusok na ilong ni Derrick.
"Mga kaibigan ko yun, ano bang problema mo?" aniya habang naka hawak sa masakit na braso niya.
"Kaibigan?!" malakas na boses nito.
"Oo mga kaibigan ko yun dinalaw lang ako ano bang masama doon?" turan niya naman.
"Kaibigan peru nakikipag l*plapan ka sa kanya dun sa bar!" tanging nasa isipan ni Derrick
Hindi niya masabi ng deritsahan kay Krisha, kundi parang inamin niya na din na siya yung nag uwe kay Krisha nung gabing nasa bar ito.
"I don't like him, hindi ako kumportable na naka aligid yun sayo... yung Laurence na yon!" walang emosyong nasabi niya kay Krisha.
"At bakit naman e kaibigan ko yun, wala kang karapatan pag bawalan ako sa mga gusto ko!"
"Pansin ko na may gusto yun sayo!" mariing sagot naman ni Derrick.
"Ano ba yang mga pinag sasabi mo, napa praning ka na siguro." ani krisha.
"At ano naman sayo? buhay ko naman tu kaya wag mo akong pakialaman!" dagdag niya pa.
"So ano gusto mo din siya? okay lang sayo na gagamitin niya pagka kaibigan niyo para malaya siyang maka dikit dikit sayo?" mga duda ni Derrick.
"Napaka dumi mo mag isip kaka sabi ko lang diba? kaibigan ko si Laurence!" napapa sigaw sa boses ni Krisha.
"Alam mo umuwe ka nalang kung yan lang naman ang pinunta mo dito, sinisira mo lang ang araw ko!" pag tataray niya pa.
"I already told you, na gusto kita!" mangiyak ngiyak na si Derrick.
"At ano, nag seselos ka ganun? hindi pa naman tayo ah tas ganyan ka na agad ka higpit sakin?
"Huwag nalang baka ikulong mo lang ako sa buhay mo pag nagkataon!" seryusong wika niya kay Derrick.
"Look.. I'm sorry! sorry kung ganon ang naging reaksyon ko. Ganun lang talaga ko pag ayaw kong may umaaligid sa babaeng gusto ko!" paliwanag naman nito.
"Sir paalala lang po ha! may girlfriend ka na po sir ha baka naka kalimutan niyo po!" medyo pa selos na tuon niya.
"Paulit ulit na naman tayo rito eh nu, ilang beses ko naman na sinabi sayo diba? na hin--- " di natuloy na sasabihin ni derrick.
"Na alin po ayun nga po e paulit ulit din talaga tayo dito na may Girlfr--- " di na niya natapos ang sasabihin ng maramdaman niya ang paglapat ng kanilang mga labi.
"Ano ba!" reklamo naman niya at sinusubukang pigilan si Derrick sa pag halik sa kanya. Para kay Krisha mas nananaig ang pride niya na kahit pa sabihing nagugustuhan niya man din itong boss niya ay mali padin ito kahit ano pang dahilan nila.