Chapter 24

2203 Words

Ilang beses akong humugot ng hangin para lang pakalmahin ang aking sarili. Ngunit parang wala rin namang epekto iyon. Hindi pa naman tapos ang isang buong araw, kaya maaari pa akong umiyak. Kahit nangako akong huling iyak ko na iyon. Mukhang mapapako eh. Ayaw paawat ng mga luha ko. Masakit. Totoong nasasaktan ako. Kasi wala na talaga. Iniwan na ako ni Matteo. Ako ang umalis ng bahay, pero ako pa rin ang iniwan. Parang sasabog na ang dibdib ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin. O kung kakayanin ko pa ba? Patuloy lang ako sa paglalakad. Katulad ng mga paa kong walang tigil sa paghakbang. Ang mga luha kong nag-uunahan sa pagpatak. Alam kong madilim at malalim na rin ang gabi. Pero mas lalong dumidilim dahil sa mga luhang humaharang sa aking paningin. Pero kahit ganoon, nag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD