#Destiny.
#Shaira.
Busy kami sa paghahanda para sa pagdating ng bagong may-ari ng company na pinagtrabahuan ko,iniwan ko ang work ko sa province at sinubukan kong maghanap ng mas malaking trabaho sa City pero every weekend umuuwi ako sa bahay na binili ni Ate sa akin.
Apat na oras na travel din kasi namimiss ko din doon kaya kapag walang work umuuwi talaga ako.
Two years na mula ng magkahiwalay kami ni Ate ang bilis lang din ng panahon,sinubukan kung makibalita pero nauunahan ako parati ng takot.
Baka kasi malaman ni Ethan ang lugar na pinagtataguan ko.
"Hoy Shaira nakatulala ka na naman?"saway sa akin ni Anne ka officemate at kaibigan ko na din.
"Naalala ko lang si Ate."malungkot na wika ko.
Naikwento ko ang pagkahiwalay namin ni Ate kaso iniskip ko na yong part na dahil sa isang Maniac na lalaki kaya kami nagkahiwalay.
"Sos ok lang yan,makikita mo rin siya."
Tumango na lang ako. Hanggang ngayon parin naman kasi umaasa pa rin ako na pupuntahan niya ako,dadalawin man lang kahit sandali lang.
"Prepared na ba ang sususotin mo mamaya?"
Walang gana akong tumango. Ewan ko ba bigla ang pagsama ng pakiramdam ko. Kung pwede pa lang na di umattend sa welcome party ng bagong may-ari baka kanina pa ako nakalabas sa building na to.
"Ayoko sana sa damit na yon. Masyadong sexy,revealing pa,litaw ang cleavage ko. Sigurado ba kayo na bagay sa akin yon?"Isa pa ang damit na napili nila para sa akin kulang na lang makita ang kaluluwa ko. Hindi pa naman ako sanay na magsuot ng mga revealing at sexy na damit.
Masigla siyang ngumiti sa akin. Saka nagthumbs up pa.
"Of course bagay na bagay yon sayo. Shaira,diba recommended ka for new Secretary sa bago nating boss?"
Tumango ako.
"So kailangan mong ipakita na karapat dapat ka because dika lang smart sobrang ganda mo pa."
I just rolled my eyes dahil sa sinabi niya.
"Hay friend nga kita lakas mong mangbola eh no!"napailing na wika ko sa kanya.
"I'm just telling the thruth Bessy dapat confident ka para mapili ka ni Mr Ceo. Ito na yong break na hinihintay mo,di ka na maging contructual lang magiging regular ka na din."
"Paano ka?"nag-aalalang tanong ko sa kanya, parehas kasi kaming contructual.
"My Ghad ok lang ako,pagbubutihin ko ang trabaho ko,para maging regular din ako dito."
Napangiti ako sa kanya.
"Halika na,doon naman tayo sa kabila!"
Sumunod na lang ako sa kanya,habang dala-dala ang mga lace na dapat pang ilagay sa mga indoor plants na nandoon.
Kinagabihan!
Isa-isa ng dumating ang mga employees,kabilang na ako doon.
Wow ang bongga na!
Nagkakasiyahan na sa loob.
Huminga muna ako ng malalim at sinugurado na maayos ang damit ko.
Kinabahan ako.
Ewan ko ba!
Dahan-dahan na akong naglakad papasok,mabuti na lang may kasabayan pa akong ibang employee akala ko talaga late na ako.
Nakatulog kasi ako kanina pag-uwi ko.
"Shocks,bessy ikaw na ba yan?"nang-aasar na wika ni Anne."Sabi na nga ba kapag naayusan ka mukha kang Dyosa!"
Inirapan ko lang siya "tigilan mo na ako Anne ha,"
Naiinis na wika ko.
"Nandito palang boyfriend mo."sabay nguso sa batang-batang GenerAl Manager namin.
Pinanlakihan ko lang siya ng mata "Bessy hindi ko siya Boyfriend."
Nginitian niya lang ako."Dyan ka muna palapit na siya eh,baka madisturb ko pa kayo."
"Hoy,bessy wag mo akong iwan dito!"
Pero ang magaling na babae iniwan talaga ako.
"You look gorgeous!"bati niya sa akin,sabay hagod sa katawan ko mula ulo hanggang paa."Ang ganda mo talaga,halika ka doon ka sa table ko."
Napailing na ako,"Ah,wag na Sir,nakakahiya para sa may mataas na posisyon lang po yong table niyo. Sige po Sir,"magalang na wika ko sa kanya.
Gosh diko gusto mga titig niya sa akin.
Kung bakit ba kasi ganito pa ang damit ko.
Nilibot ko ang paningin ko,kunsabagay halos lahat naman ng mga damit ng ibang employee doon ay sexy din. Patalbugan kong baga.
Agad ko siyang iniwan akala niya diko alam minamanyak na niya ako sa isip niya.
Gago siya.
Hindi pa siya nakatango ay umalis na ako.
Nasaan na ba kasi itong si Anne,ano ba yan nagugutom na ako.
Bahala na nga kakain muna ako.
...
"Ladies and Gentleman,around of a plause please to our new Ceo,Mr. Ethan Wade!"
Abala ako sa pagkain grabe ang sarap ng serve na food nila.
Gutom ako kaya wala akong pakialam sa paligid.
"Hoy!"
"Ay kabayo?!"nagulat na wika ko.
"Anne? Bakit? Nanggugulat ka naman eh!"
Para kasi itong ewan na hindi mapakali.
"Hoy anong nangyari sayo?"ang wierd niya.
"Ang gwapo!"halos hindi humihinga na wika niya.
Napakunot noo naman ako.
"Gwapo? Sino? Hoy umayos ka nga! Para ka ng ewan diyan eh!"
"Grabe ang gwapo ng bago nating Ceo!"
"Huh? Pinakilala na?"
"Gaga to,hindi ka nakinig?"
"Ahmm? Hindi ko napansin,"gutom nga ako diba!
Kaya wala akong narinig!!
"Grabe siya."tukoy niya sa akin.
"Bakit ba kasi!"nakakainis ang babaeng ito."Sino ba kasi siya,anong pangalan niya?"panay lang ang subo ko bat ba kasi ang sarap ng foods nila. Nakaka-adik.
"Tama na nga yan!"saway niya sa akin.
"Hayaan mo lang ako,bessy gutom talaga ako,at isa pa ngayon lang ako nakakain ng mga pagkain na ganito kasarap."
Hindi ko napansin ang biglang paglamlam ng mukha niya,pero natahimik siya kaya agad akong tumingin sa kanya.
"Anong nangyari sayo?"
'Wala,"mahinang wika nito
"teka ano nga pala pangalan ng bago nating boss?"
"Ethan Wade"mahinang wika niya kaya di ko masyadong narinig.
"Sino?"
Humarap siya sa akin,at bahagya na niyang nilakasan ang boses niya."ang sabi ko ang pangalan ng bago nating boss ay si Mr. Ethan Wade! Rinig mo na!"
Napatigil ako sa pagsubo ng marinig ang binanggit niyang pangalan.
Tama ba ang dinig ko?
Ethan Wade
Si Ethan ang bago kong boss.
Paano nangyari yon.
Shit sa dinami dami naman ng tao sa mundo na pwedeng makabili ng Company na to si Ethan pa talaga..
Shit lang.
Kailangan ko ng umalis sa lugar na ito bago pa magkrus uli ang landas namin.
Agad kung nilapag sa table na nandoon ang pinggan na hawak ko.
"Hey saan ka pupunta!?"
Shit nakalimutan ko,may kasama pala ako.
" I need to go home bigla kasing sumakit tiyan ko."
"Ang takaw mo kasi. Pero di ka pa pwedeng umalis."
"Bakit?"
"Di ba ngayon na iaanounce kung sino ang napiling Miss Secretary ni Mr. Wade."
Shit mas lalo tuloy akong kinabahan.
"Hindi naman ako ang mapipili doon,sige na bessy ang sakit na talaga."
At nagmamadali na akong umalis,para walang makakakita sa akin ay sinadya kung dumaan sa back exit.
Grabe kinabahan talaga ako.
Dahil nandito si Ethan,at kanya na ang Company na to magreresign na ako..
"Ouch. !"nasabi ko na lang ng mabangga ko ang makakasalubong ko.
Sa pagmamadali ko,hindi ko nakita na may makakasalubong pala ako.
"Sorry "nakayukong wika ko hindi na ako nag-abalang tingnan kung sino yon.
Kailangan ko na kasing makalayo sa lugar na yon.
Sa lugar kung saan pwedeng magkrus ulit ang landas namin ni Ethan.
"Shaira!"
Napahinto ako ng marinig ang pamilyar na boses na tumawag sa akin.
No!
Hindi pwede.
Sa dami ng pwedeng makabangga ko siya pa talaga.
Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko.
Anong gagawin ko?
"Shaira! Ikaw nga!"malamig na wika niya.
Bakit ganon,bakit parang ang lamig naman yata ng boses niya.
Dahan-dahan akong humarap sa kanya.
Si Ethan nga.
Hindi ako nagsalita.
Basta nakatingin lang ako sa kanya.
Bakit may something sa kanya.
" Akala ko nagkamali lang ako kanina. Nice meeting you again."yon lang at tuluyan na niya akong tinalikuran.
As in bat ang snob niya.
Teka,hinabol ko siya.
"Wait Mr. Wade."
Huminto siya pero di siya humarap sa akin.
" Kasama mo ba ang ate Sheenna ko?"
Dahan dahan siyang humarap sa akin.
"No!"yon lang at tuluyan na niya akong tinalikuran
Bat naman siya ganon.
Galit ba siya sa akin?
Ang kapal naman niya siya pa ang may ganang magalit sa akin.
Pagkatapos ng ginawa niya sa akin noon sa infinity pool.
Fuck you
Maniac.
At tukuyan na din akong umalis sa party na yon.
Mabuti pa bumalik na lang ako sa province.
Kung hindi niya kasama si Ate.
Nasaan na kaya siya.
Sila pa kaya?
Hay ang dami ko pa sanang tanong kaso ang suplado na ni Ethan.
Nagbago na siya.
Magaling na kaya siya!?