Krisanta's POV
"Liam!” sigaw ko, ngunit hindi siya lumingon. Tinangka kong kumawala mula kay Sky.
“Bitawan mo ako,” mariin kong utos.
“Kris, you're hurt—”
“Bitawan mo ako!” ulit ko, mas mariin, mas masakit. Napilitan siyang kumalas at hindi na ako naghintay. Sa kabila ng kirot sa tagiliran, tumakbo ako—pababa sa front porch ng bahay, lumusot sa mga tao, patungo sa kalsadang pinarkingan ng sasakyan.
At doon ko siya nakita. Nakasandal si Liam sa harapan ng kotse niya, isang kamay ang nakasapo sa bandang tiyan habang ang isa'y nakatukod sa hood ng sasakyan. Namumuo ang pawis sa noo niya, pero hindi niya iyon pinupunasan. Nginginig ang buong katawan niya. Parang kahit simpleng paghinga ay parang isang laban.
“Liam,” tawag ko, halos bulong. Hindi siya kumilos. Hindi rin siya lumingon.
“Liam!” Nilapitan ko na siya, huminto sa tapat niya. Doon ko nakita nang malinaw—ang kanyang maputlang mukha, ang bahagyang panginginig ng kanyang mga labi, at ang sakit sa mga mata niyang pilit tinatago. Hindi lang galit ang dahilan ng pagkakagulo niya kanina. May mas malalim pa.
Hinawakan ko ang braso niya. “Liam… what’s going on? You’re not okay.”
Bahagya siyang napapikit. Tumikhim. At sa unang pagkakataon, nakita ko siyang hindi galit—kundi… talunan.
“I said I’ll drive you home,” bulong niya. “I just… I just need a minute.”
“A minute?” pabulong kong ulit. “You can’t even stand straight, Liam.” Hindi siya sumagot. Hinawakan ko ito sa braso niya.
"Key." saad ko kaya nakakunot noo siyang tumingin sa akin.
"Give me your car's key. I'll drive you home" seryoso kong sabi. Nakamaang lang siya sa akin kaya wala na akong hinintay na sasabihin niya. Hinawakan ko ang pantalon niya at tinignan ito sa kanyang bulsa. Nang makapa ko ito ay agad ko ng kinuha at binuksan ang sasakyan.
"Get in." utos ko dito. Napatingin lang siya sa akin—hindi makapaniwala, hindi makakilos. Para siyang nawalan ng lakas. Para siyang lalaking hindi sanay na may ibang nag-aalaga sa kanya.
“Liam,” mariin kong tawag habang hawak ko pa rin ang susi. “Ayoko nang makipagtalo pa. Sumakay ka na.”
Mabigat ang katawan niyang gumalaw. Kitang-kita ko ang hirap sa bawat hakbang niya, pero pinilit pa rin niyang hindi umungol, hindi ipakitang nasasaktan siya. Ganoon siya palagi—laging kayang itago ang sakit. Laging ayaw ipakita na mahina siya.
Binuksan ko ang pinto sa passenger side at inalalayan siyang pumasok. Halos mapayuko ako nang makita kong bahagya siyang napangiwi sa sakit habang umuupo. Wala akong sinabi habang umiikot ako sa driver’s seat. Nang makapasok na ako, saka ko lang siya tiningnan. Nakapikit siya, nakahawak sa gilid ng tiyan niya, at para bang pinipigilan ang sarili na mawalan ng malay.
“Hospital na tayo,” mahinahon kong sabi, pero matigas ang sagot niya.
“No hospitals,” mahina pero mariin. “Just... drive home.” Sinabi nito ang address kung saan ito nakatira.
“Liam, this isn’t a joke,” giit ko. “Baka—”
“Krisanta, please,” bulong niya. Pakiusap. Hindi utos. At sa unang pagkakataon, narinig ko sa boses niya ang takot—hindi para sa sarili niyang buhay, kundi takot na malaman ko ang buong katotohanan.
Hindi ko na siya kinontra. Pinaharurot ko na ang kotse paalis ng lugar na iyon. Habang nasa daan, palaging may sulyap ako sa kanya, tinitingnan kung okay pa siya. Pero sa bawat tahimik na minuto, lalo kong nararamdaman… may tinatago siya. At hindi ito simpleng sugat. Hindi ito basta physical pain. May mas malalim na dahilan kung bakit ayaw niyang dalhin sa ospital.
At ang nakakatakot pa—parang ako lang ang hindi pa nakakaalam.
Pagdating sa bahay niya, agad akong bumaba at lumapit sa passenger side para tulungan siya. Hindi na siya tumutol. Hinayaan niyang akayin ko siya papasok. May mga kasambahay na agad umalalay din sa kanya--pero nakita kong nag aalangan pa ang mga ito na hawakan siya. Sa loob ng bahay, inakay ko siya sa sofa. Pinaupo ko siya dahan-dahan. Umalis ang isang kasambahay, ng bumalik ay may kasama na itong may katandaan nang babae. Nakakunot noo itong pinagmasdan kami lalong lalo na si Liam.
"Kukunin ko ang gamot--
"Dalhin mo nalang sa kwarto ko" sagot nito, walang emosyon ang boses at mukha nito. Tumayo siya at hinawakan ang kamay ko kaya inalalayan ko ito ng humakbang papunta sa may hagdan. Hawak niya ang kamay ko habang paakyat kami ng hagdan. Mabigat ang bawat hakbang niya, pero ramdam kong pilit niyang iniinda ang sakit. Hindi siya umuungol, hindi rin nagsasalita—pero nakakapit siya sa akin na para bang ako na lang ang bumabalot sa kahinaan niyang ayaw ipakita sa iba.
Pagdating sa taas, siya na mismo ang tumulak ng pinto ng silid niya gamit ang balikat. Bumungad sa akin ang malinis at malamig na kwarto, kulay dark gray ang mga kurtina, simple ang ayos pero sobrang organized—parang hindi siya tumitira doon, pero may presensyang ramdam sa bawat sulok. Maingat ko siyang inalalayan papunta sa kama. Nang makaupo siya, kumalas siya saglit sa pagkakahawak sa akin. Pero sa halip na humiga, lumingon siya at hinatak ako pababa sa tabi niya.
'What are you thinking ha--bakit ka ba nakikipag rambulan? Tignan mo nga sarili mo---" napatda ako ng bigla nalang niya akong niyakap ng mahigpit. Isinubsob ang mukha sa buhok ko.
"Shhhh...silence kitten" bulong nito. Para akong robot na hindi gumalaw dahil sa kabiglaan sa ginawa niya. Ilang sandali kaming ganoon ang posisyon bago niya inihiwalay ang mukha sa buhok ko. Bigla siyang humiga sa kandungan ko.
"Where's your cellphone?" tignan mo itong lalaking ito, may masakit na nga sa katawan niya, iyan pa ang tatanungin sa akin.
"Pwede ba Liam, gamotin muna natin ang sugat mo and you need to take your medicine----" napamulagat ako ng kinabig niya ang leeg ko at hinalikan ako sa labi. Hindi iyon halik na mapusok—kundi isang marahang haplos na puno ng paghingi ng tawad, ng takot, ng pangungulila. Ramdam ko ang pangangatal ng kanyang labi, ang sakit sa bawat kilos niya. Parang sinasabi ng halik na iyon na pagod na siya, na kailangan niya ako, kahit hindi niya masabi sa salita.Hindi ko alam kung dahil ba sa awa, o dahil sa nararamdaman ko para sa kanya—pero hindi ko siya tinulak.Ilang segundo pa, kusa siyang kumalas. Nakapikit siya, tila inaamoy ang hininga ko, nakatitig sa akin nang dahan-dahan niyang idilat ang mga mata. Mahina ang boses niya nang magsalita.
"Cellphone, love" iniumang niya ang nakabukas na palad sa harapan ko. Napabuntunghininga ako bago ko kinuha ang cp ko sa aking bag, pagkatapos ay binigay ito sa kanya. Segundo lamang niya itong tinignan bago ibinalik sa akin.
"Just checking out if you received my text messages to you. Hindi ka nagrereply sa akin, kaninang umaga pa ako nag tetext sayo" seryosong sabi nito na nakipagtitigan sa akin.
"Anong---ikaw iyong nagtetext sa akin at tumatawag?" nakamaang kong tanong. Tinaasan niya lang ako ng kilay at hinila ng konti ang batok ko para makayuko ako at mahawakan ang pisngi ko. Bolta boltaheng kuryente na naman ang naramdaman ko.
"Tsk. so, you weren't thinking of me kaya akala mo ibang tao?" rinig ko sa boses nito ang pagtatampo.
"How would I know--at saka, saan mo nakuha number ko?" kunot na kunot ang noo ko. Hinaplos niya ito usng his thumb. Pinasadahan niya ang mukha ko, na para bang he's trying to memorize every detail of my face.
"I have my ways. So, don't you dare--text ako ng text tapos makikita lang kita na kasama si Sky"
Napalunok ako. Ramdam ko ang init ng kanyang hininga habang nakatitig siya sa akin, masyadong malapit, masyadong matalim ang tingin—parang binabasa niya ang laman ng utak ko.
"Kasama lang ako ni Sky dahil—"
"At hindi ka dapat pumunta doon!--You shouldn't be there Krisanta, ayaw kitang nakikita doon, ayaw kong makihalubilo ka sa mundong ginagawalan ko" may bigat sa boses nito. Nasaktan ako sa sinabi niya, so, ganon pala iyon, ayaw niya akong maging parte ng mundo niya. Eh, bakit isinama-sama pa niya ako dito sa kwarto niya ngayon? Bakit pa niya ako hinahalikan?! Gago talaga!
"What's with the long face again huh?" bigla itong naging maamong tupa, malamlam na tumitig sa akin. Hinaplos niya ulit ang pisngi ko. Umiling lang ako, never mind, hindi na niya kailangan malaman ang nasa isip ko, tutal ayaw naman niya ako sa mundo niya, e di huwag.
"Love...." malambing ang boses nito. Inirapan ko ito at hindi rin ako umimik.
"Hey, come here, lay beside me love" grabe ang lalaking ito, pagkatapos niyang sabihin sa akin iyon ngayon may palambing lambing. Inalis niya ang kanyagn ulo sa kandungan ko at inayos ang pagkakahiga sa kama. Hinila niya ako sa tabi niya at pinahiga. Magkaharap kami at langhap na langhap ko ang init ng kanyang hininga.
"Are you mad at me?" tanong nito. Hindi parin ako umimik, nakatingin lang ako sa kanya, blangko ang expression. Hinawakan niya ang pisngi ko at ngumiti ito ng alanganin.
"Will you stay beside me tonight love? It's my birthday" malambing parin ang boses nito. Nakonsensiya naman ako ng maalalang birthday niya nga pala. Tapos ganito ang nangyari sa kanya.
"Just… stay. Please."
Sa tanang buhay ko, ngayon ko lang siyang narinig na humiling. Walang utos. Walang yabang. Wala ang usual niyang cold, detached na tono. Isa lang siyang taong sugatan, humihiling ng kahit kaunting pahinga mula sa mundong palaging inaasahang matatag siya.
Tumango ako, pilit na tinatago ang pag-aalala ko.
"Okay… I’ll stay. Pero, Liam—"
"Later," bulong niya. "Let me rest... with you beside me."
Hinila niya ako ng mas malapit sa katawan niya, nakayakap sa bewang ko, parang batang ayaw pakawalan ang paborito niyang unan. Dinama ko ang init ng katawan niyang nilalamig, at ang kaba sa dibdib niyang ayaw tumigil. Sa katahimikan ng kwarto, habang nakayakap siya sa akin at ako nama'y pilit hindi maiyak sa sobrang dami ng tanong sa isip ko, doon ko lang tuluyang naunawaan—hindi lang sugat sa katawan ang meron siya. May sugat siyang hindi niya kayang gamutin mag-isa.