Chapter 13

2278 Words
Krisanta's POV Galing ako sa duty sa UP Diliman Biomedical Research Hospital. Basang-basa pa ng alcohol ang kamay ko, at halos bumigay na ang katawan ko sa pagod. Pero coding ang sasakyan ko ngayon kaya no choice akong mag commute. Sakay ng jeep, baba, lakad, sakay ulit. Nakakapanibago din, kung dati, sa ganitong mga pagkakataon, isang tawag lang kay Ethan, andyan na siya. Pero ngayon, wala na si Ethan. Nasa Spain na ito dahil dinala ng mommy nito matapos ang aksidente. He was still in comma that time ng ibiniyahe siya at mula noon, wala nang kahit isang mensahe kung kumusta na siya. The last time na tinanong ko si mommy kung may balita na ito pero wala parin daw. Humugot ako ng malalim na buntong-hininga habang naghihintay sa sakayan. Gabi na, kaunti na lang ang mga taong nagdaraan. Tinitigan ko ang ilaw sa poste—ang tanging liwanag sa lugar. Gusto kong tawagan si Dhea at magpasundo ngunit nasa duty din siya ngayon. Same with Eduard and Clyde. Napailing ako, masiyado na kaming busy sa last sem namin sa University na pinapasukan namin--and of course, baka mas lalo na naman kaming hindi magkita kita kapag papasok na kaming lahat sa med school. Pinagpag ko ang bag ko dahil sa feeling ko marami ng alikabok dahil sa tagal ko ng naghihintay ng masasakyan. Hanggang sa may naramdaman akong presensya sa paligid ko. May tatlong lalaki na palinga linga habang papalapit sa akin. "Miss, saan ka uwi?" tanong ng isa, may ngising nakakasuya. Tinaasan ko ito ng kilay, hindi ko pinahalata ang kabang bumabalot sa akin. Kahit kaya kong protektahan ang sarili ko dahil pinag aral ako ni mommy ng martial arts, hindi ko parin maiwasan ang kabahan dahil tatlo ang mga taong kaharap ko ngayon at mga lalaki pa ang mga ito. "Hindi ako nakikipag-usap," sagot ko. Direkta akong tumalikod pero naramdaman ko ang mahigpit na hawak sa braso ko. Pilit akong kumawala dito ngunit lumapit ang isa pang lalaki at hinawakan ang mukha ko. "Huwag kang suplada. Makikisabay lang naman kami." saad nito. Matigas kong tinabig ang kamay nito sa aking mukha at tinangka kung suntukin ito ngunit nakaiwas ito. Humalakhak pa ito na parang demonyo bago niya ulit hinawakan ang pisngi ko. Diring diri ko itong tinabig ulit. "Bitawan mo ‘ko!" galit kong bulyaw dito. Ngunit pilit nila akong hinihila. Umatras ako at sinipa ang isa. Tinamaan ito, pero mas lalo lang silang nagalit sa akin. Isa sa kanila, humawak sa baywang ko at doon na ako tuluyang nasindak. Sumigaw ako at nanlaban ako pero sa lakas nilang tatlo, unti-unti akong nawalan ng laban. "Bitawan n’yo ako! Tulong!" pahikbing sigaw ko habang pinipilit kong kumawala. Hanggang sa… “TIGILIN N’YO ‘YAN!” Parang galing sa ilalim ng lupa ang tinig na narinig ko. Nang lumingo ako, nakita kong nakatayo at nakapamulsa si Liam habang matigas ang mukha nitong nakatingin sa amin. Nandoon parin ang lamig sa kanyang mga mata pero madiin ang pagkakatitig sa mga lalaking nakahawak sa akin. "Liam!" sigaw ko dito, trying to ask help from him. Humigpit parin ang hawak sa akin ng isang lalaki kaya napapikit ako dahil parang tumagos na ito sa buto ko. Pero napamulagat ako ng sa isang iglap, may katawan na bumangga sa isa sa mga lalaki. Hindi ako makagalaw at para akong nanigas habang pinapanood kung paano niya isa-isang sinuntok ang mga lalaki. Walang paki kung tatlo sila, walang takot. Pero kahit anong tapang niya, nahawakan din siya. Tinadyakan at binugbog. Pero kahit nakaluhod na siya, nilingon niya ako—at ang mga mata niya, galit, pero puno ng pag-aalala. “Run, Krisanta…” hingal niya. “Run!” may diin ang boses nito habang sinasangga niya ang bawat suntok ng mga lalaki. Umiling ako at hindi tumakbo. Hindi ko siya kayang iwan. “LIAM!” sigaw ko, halos mapasigaw sa sakit ng dibdib ko sa takot. Pero hindi siya tumigil. Kahit duguan na ang labi niya, kahit may pasa na sa pisngi niya, pilit pa rin niyang nilalabanan ang tatlong lalaki. Biglang may paparating na mobile ng pulis kaya nagsitakbuhan na ang mga lalaki palayo. Tumigil ang mundo ko at tumakbo ako papunta sa kanya. Nakaupo siya sa semento, hingal na hingal, may dugo sa gilid ng labi niya. “Liam…are you ok?” bulong ko, halos mapaiyak habang pinupunasan ang mukha niya gamit ang manggas ng uniform ko. Hindi siya ngumiti. Walang emosyon parin sa mga mata niya habang iniiwas ang tingin sa akin. “I am.” sagot nito at pilit na itong tumayo. Agad ko itong tinulungan at hahawakan ko na sana ang kanyang balikat ngunit umiwas ito na parang allergic niya ang mga kamay ko. Lumakad ito papunta sa isang red na sports car bago niya ako binalingan na nakasunod lang sa kanya. “Sumakay ka na,” malamig pero mariing sabi nito habang binubuksan ang passenger door ng kotse niya. “No, you should be hospitalized” pinilit kong ibukas ang pinto sa driver's side pero mabilis siyang sumingit, tinulak ito pabalik, at dumiretso sa driver's seat. “Liam, you're hurting, you need to see a doctor—” “Cut the concern kitten. ” mariin ulit niyang sabi habang kinikiskis ang natuyong dugo sa labi. Naiiyak na ako sa inis sa kanya, parang wala siyang pakialam kung may sugat siya o wala. Tao pa ba ito? Parang hindi niya alintana ang sakit na parang ako ang binugbog. “Huwag mo nga akong itulad sayo na walang pakiramdam Liam--ano pa ang silbi na nasa medical field ako kung pababayaan kitang ganyan lang---" napatigil ako ng pinaharurot nito bigla ang sasakyan. "Keep quiet. Even pain can be quiet, so as you" Sabi nito na mahigpit ang hawak nito sa manibela at tutok na tutok sa kalsada. Napatda ako sa linyang ginamit niya. Para akong natuka ng ahas na nakatulala sa kanya--bumabalik sa isipan ko ang linyang iyon Even pain can be quiet, Bonita.... Ganun na lang ba ka famous ang linyang iyon bakit parang alam ng lahat ng mga tao. Habang lumalaki ako, pilit akong naghahanap ng libro na may ganong linya, pero wala akong matagpuan. Bakit parang alam ni Liam ang linyang iyon? Napahawak ako sa kaing dibdib ng tumitig parin sa kanya. Blangko parin ang mukha nito kaya hindi na ako umimik. Sinabi ko dito kung saan niya ako ihahatid, hindi narin ito tumugon sa akin. Pero panay ang sulyap ko sa gilid niya—sa pasa sa panga, sa dugo sa balikat ng polo niyang punit. Nang tumigil ang sasakyan nito sa tapat ng building ng condo ko ay sumulyap ulit ako sa kanya. Tahimik nitong tinanggal ang seatbelt nito at binuksan ang pinto ng sasakyan saka ito lumabas. Napabuntunghininga ako. Pero napaigtad ako ng kumatok siya sa bintana sa tapat ko. "Aren't you coming out?" para itong bored na bored na pinamaywangan niya ako. Dali dali kong tinanggal ang seatbelt ko at lumabas na. Akala ko babalik na ulit sa sasakyan niya ngunit nagpatiuna na itong naglakad. Napasunod ako dito na may pagtataka sa kaloob looban ko. "Wait--pwede ka ng umuwi, I'll take it from here" sabi ko habang pilit ko siyang sinasabayan sa paglalakad. Sa laki niyang tao, parang sampung hakbang ko na ang isa niyang hakbang. Hindi siya sumagot sa akin, dire-diretcho parin siya sa elevator. Kunot noo akong sumunod dito. "What floor?" tanong nito na para bang wala siyang pakialam sa aking reaksiyon. "I told you, I can manage--- "Floor kitten." maotoridad nitong ulit kaya napabuntunghininga nalang ako bago ko ito sinagot. Wala na kaming imikan sa loob ng elevator ngunit ng mapatingin ako sa kanyang kamay, nakuyom ito na para bang may pinipigilan itong emosyon. Nang tingalain ko, nakatingala siya sa taas, habang nakaigting ang panga niya. "Liam-- "Silence." putol ulit nito sa akin. Nakakainis ang lalaking ito, para lang siyang robot na isa o dalawa lang ang isasagot tapos wala pang emosyon sa kanyang boses at mukha. Nang nasa tapat na kami ng condo ko ay tumigil ako, signaling him na hanggang doon na lang niya ako ihatid. "Thank you Liam--thank you for your help--- "Open the door." "Ha? You can't--- "Sabi mo kanina, you're in the medical field. So treat my wounds" wala paring emosyon ang boses nito. Napamaang ako sa kanya dahil sa sinabi nito. "Quit staring kitten. Open the damn door" saad nito ng hindi ako sumagot. Agad kong pinindot ang passcode ng door ng condo ko. Nang bumukas ito, agad ko siyang inakay papasok. “Dito ka muna. Kukuha lang ako ng medical kit,” sabi ko trying to help him maupo sa sofa pero gaya kanina—matigas pa rin ang ulo niya, umiwas siya sa paghawak ko dito. “Okay lang ako,” mahinang sabi niya habang pilit na umuupo ng diretso, parang hindi siya duguan, parang hindi siya halos binugbog kanina. Kinuha ko agad ang first aid kit mula sa ilalim ng kitchen sink. Pagbalik ko, tahimik pa rin siya, pero napansin ko ang pag-igting ng panga niya, ang banayad na pagkibot ng kamay niya sa gilid. Tinitiis niya. “ Sandali lang. Ibuka mo ‘yang polo mo. Kailangan kong linisin ‘yung sugat mo." Tahimik siyang sumunod. Wala pa rin siyang imik, pero kita ko—konting galaw lang niya, halos mamutla na siya sa sakit. Lumapit ako, dahan-dahang nilinis ang tagiliran niyang may sugat. Pinisil niya ang gilid ng sofa. Hindi siya umimik pero nakita ko ang patak ng pawis sa sentido niya, kahit malamig ang aircon. “Liam…” mahinang tawag ko. “Masakit ba?” Saglit siyang tumingin sa’kin, at sa unang pagkakataon, para siyang... fragile. Pero hindi siya sumagot agad. Umiling siya. “No.” matipid nitong sagot. Alam kong hindi totoo. Bilang isang MedTech student, pamilyar ako sa ganitong pagkakataon—yung dahil sa ego or talaga lang na manhid siya, kaya ganito ang taong ito. Hindi lang ‘to epekto ng suntok. Parang... mas malalim. “Liam... may sakit ka ba?” bigla kung tanong dito. Napatigil siya. Ang mga mata niya, biglang nagbago. Hindi takot. Hindi inis. Pero para bang… may tinatago siyang napakalalim. “Keep quiet kitten please.” Matigas at direktang hindi niya sinagot ang tanong ko. Pero kita ko sa bawat galaw niya—yung banayad na panginginig ng kamay niya, ang pilit na hindi pagdaing, ang paraan ng paghinga niya na parang may iniiwasang kirot. “Hindi ako tanga, Liam,” mahina kong sabi habang ipinagpapatuloy ang paglinis sa sugat. “May hindi ka sinasabi.” Tahimik lang siya. Tumitig siya sa kisame, saka pumikit sandali. Pero hindi niya ako sinagot. "Who are you by the way to say that to me huh?" para akong sinampal sa sinabi nito. Oo nga pala, hindi naman kami close bakit ako nakikialam sa kanya. Iyang utak mo Krisanta, hindi ka na nadala. Masiyado na yata akong pakialamera. Hindi na ako kumibo na pinagpatuloy ang paglilinis at paggamot sa mga sugat niya. Nang mapadako ako sa kanyang pisngi, nakita kong titig na titig ito sa akin kaya para akong kaya para akong natuyuan ng laway. Hindi siya umiimik, pero ramdam kong nakatitig pa rin siya. Yung uri ng titig na walang emosyon—pero nakakagulo ng loob. Parang sinusuri niya ako. It seems like he is memorizing every detail ng mukha ko. “Tumigil ka nga sa pagtitig—” Naputol ang sinasabi ko nang tumingin siya sa ibang direksyon. Parang wala siyang pakialam. “I'm not staring,” malamig niyang sagot. Monotone at walang effort. Walang interest. Kainis ang lalaking ito! Mas lalong uminit ang tenga ko. Ayan ka na naman, Krisanta. Bakit ba napipikon ka sa taong hindi naman nagpapakita ng pakialam? Nang tignan ko ulit sa mata, nakatitig na naman, pero sa labi ko na nakatuon ang atensiyon nito. Napaatras ako nang kaunti, pero hindi ko siya matanggal sa paningin ko. May kakaiba sa mga mata niya—hindi galit, hindi rin yong madalas na blangkong tingin. Parang may pinipigil… o may nilalabanan. “Something wrong?” mahina kong sabi, pilit pinapanatili ang boses ko na matigas. “Tumigil ka nga sa—” Hindi ko natapos. Bigla siyang lumapit, marahan at walang pagmamadali. Parang may nag-udyok sa kanya na hindi na niya kayang pigilan. Hawak niya ang panga ko nang dahan-dahan, parang natatakot akong masaktan pero hindi naman siya nagsalita. Wala ring pasakalye. Basta na lang niya inilapit ang mukha niya, at bago ko pa mabigkas ang pangalan niya... …hinalikan niya ako. Hindi ito kagaya ng unang halik na mapusok at may galit. Ito… ito’y marahan. Banayad at parang nasa panaginip lang ako na idinuduyan ng mga alapaap. Yung uri ng halik na tila ba siya mismo’y natatakot kung tama bang gawin ‘yon—pero ginawa pa rin. Dahil kailangan at dahil sa sandaling 'yon, parang ako lang ang mundo niya. Napapikit ako, ninamnam ang init ng labi niya kahit saglit lang pero sapat na para mawala ang lahat ng inis at tanong. Sapat na para maramdaman kong kahit sandali… may lambing pala sa likod ng malamig niyang katauhan. Pagkalayo niya, hindi pa rin siya nagsalita. Tinitigan lang niya ako—mata sa mata. At sa unang pagkakataon, wala akong makitang yelo sa tingin niya. Walang lamig. Wala ring pader. “Liam…” mahina kong tawag. Pero bumalik na siya sa dati. Bigla na lang siyang tumayo, at tahimik na tumalikod. At ang iniwan lang niya ay isang halik na hindi ko maintindihan—at isang damdaming pilit ko nang itinanggi, pero sa halik na ‘yon… parang lumaban nang kusa ang puso ko. .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD