Liam's POV
Madaling araw na hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Nakaupo ako sa gilid ng kama, hawak ang music box na luma na’t may gasgas sa takip. Isa ito sa kakaunting bagay na naiwan kay mommy, ayon kay dad. Minsan, pinapatugtog ko ito, pero sa tuwing naririnig ko ang simpleng himig, para akong binabalikan ng lungkot na hindi ko maipaliwanag. Sabi ni daddy , limang taong gulang ako nang mamatay si mommy. May sakit siya, pero hindi na raw kinaya ng katawan niya at indi ko alam kung totoo ‘yon. Hindi ko rin alam kung anong bahagi ang totoo sa lahat ng sinabi sa akin noong bata pa ako. Pero isang bagay ang alam ko: hindi ko siya maalala.
At dahil daw sa sakit ko—Chronic Pain Disorder—na-develop ko ang selective amnesia. Trauma-induced, sabi ng therapist ko. Para raw protektahan ang sarili ko sa sakit, tinakpan ng utak ko ang mga alaala. Hindi lang ng karanasan… kundi pati ng mga taong parte noon. Tumayo ako, tinungo ang estante sa sulok ng kwarto. Binuksan ko ang kahon na palagi kong itinatago. Doon nakasilid ang ilang gamit na paulit-ulit kong binabalikan kahit hindi ko maintindihan kung bakit: Isang hospital wristband na pambata, may nakasulat na Clinica de Niños, Madrid. Isang punit na sulat na hindi ko na matandaan kung sino ang nagsulat at isang drawing—guhit ng batang lalaki at babae, magkahawak kamay, may hawak na maliit na kahon sa pagitan nila. Tinitigan ko ang drawing, luma na ito at may mantsa pa ng luha—hindi ko lang alam kung akin o ng batang babaeng nakaguhit dito. May sulat sa ilalim ng papel, penmanship na talagang makikitang bata ang nagsulat dahil hindi pa masiyadong maayos ito
Bonita
Huminga ako nang malalim bakit parang pamilyar ang mga salitang ‘yon? Tuwing binabalikan ko ang guhit na ito, may humihigpit sa dibdib ko, para bang may nawawala sa akin. Para bang may bahagi ng pagkatao ko na naiwan sa isang sulok ng alaala na hindi ko na maabot. Minsan iniisip ko kung totoo ba talagang nakilala ko ang batang ‘to o baka gawa-gawa lang ng utak ko. Baka bunga lang siya ng isang trauma na pilit kong iniiwasan, pero bumabalik sa panaginip. Pero tuwing sinusubukan kong kalimutan siya… lalo ko siyang naiisip. Minsan, habang iniinom ko ang maintenance meds ko para sa nerve pain, naiisip ko—anong klaseng sakit ba ‘yung hindi lang pisikal kundi emosyonal? ‘Yung sumasakit hindi dahil may pilay ka o bali, kundi dahil may nawawala… at hindi mo alam kung ano? Napalingon ako sa mesa. Nandoon ang isang lumang notebook, ‘yung ginamit ko dati sa therapy.
Binuksan ko ito. May isang pahina na may tanong:
“If you could talk to someone you’ve forgotten, what would you say?”
Sa ilalim, nakasulat ang sagot ko—kulay asul na tinta, bahagyang kupas:
“Pasensya na kung hindi kita maalala. Pero hindi ibig sabihin non ay hindi kita naiisip--gustong gusto kitang maalala. Sana, kahit hindi na babalik ang memorya ko sayo--sana naiisip mo parin ako”
Hindi ko alam kung para kay mommy ‘yon o para sa batang babae sa drawing. Biglang sumikip ang dibdib ko dahil sa dami ng mga gusto kong alalahanin ngunit hindi ako pinahihintulutan ng aking isip. Lumapit ako sa bintana at binuksan ko ang kurtina. Umuulan sa labas, wari ba ay nakikisimpatya ang langit sa pag-agos ng mga iba't ibang damdamin na nasa loob ko ngayon.. Napapikit ako, at sa likod ng ulan, tila may tinig na bumubulong sa likod ng utak ko. Isang huni, isang tawa, isang tinig ng batang babae na tumatawag sa akin.
“James...”
Napigtad ako dahil sa parang totoo ang tinig na narinig ko. Ang bilis ng t***k ng puso ko, at hindi ko alam kung bakit ang unang pangalan ko ang narinig ko. Walang ibang tawag sa akin ng gano’n. Hindi iyon ginagamit ng kahit sino sa paligid ko ngayon—hindi ng mga frat brothers ko, hindi ng mga kaklase ko, Sky o kahit ang madrasta ko. Si Daddy lang ang tumatawag sa akin ng ganoon dahil iyon daw ang nakasanayan nila ni mommy na itawag sa akin simula pa noong ipinanganak ako. Parang may kung anong bumangon mula sa kailaliman ng pagkatao ko nang marinig ko ang pangalan na iyon. Parang biglang may kumalabit sa puso ko—mahina, pero totoo. Lumayo ako sa bintana, halos madapa sa pagmamadali. Pinulot ko ulit ang drawing. Pinilit kong ituon ang paningin ko sa bawat linya—sa pagkakahawak ng kamay ng dalawang batang iginuhit, sa maliit na kahong hawak nila, na halos kapareho ng lumang music box sa kamay ko ngayon. Hindi na ako sigurado kung anong mas totoo—ang mga alaala kong wala o ang mga damdaming hindi maipaliwanag pero paulit-ulit na nararamdaman.
Tumunog ang music box.
Hindi ko naman ito pinapatugtog.
Nabitawan ko ito sa gulat, at sa pagkabagsak nito sa sahig ay tumigil ang musika.
Tahimik parin ang buong kwarto. Maliban sa patak ng ulan, at sa lakas ng t***k ng puso ko. Sa dulo ng pandinig ko, tila may sumunod pang mga salita, pabulong, na animo'y galing sa isang panaginip.
“Sinabi mo iyan ha--you will protect me, promise?…”
Napakapit ako sa dibdib ko, parang may bumalot na lamig sa paligid. Isang lamig na hindi galing sa hangin kundi sa takot at pananabik—magkakambal na damdamin na matagal ko nang hindi naramdaman. Muli kong binuksan ang notebook.
Hinayaan kong mag-flip ang mga pahina sa hangin, at sa isa pang lumang entry, may isang guhit—parang sketch lang na minadali. Isang eksena: isang batang babae na nakatingin sa kamay nito. May label ito sa ilalim:
"Bonita."
Hindi ko na namalayan, tumulo na pala ang luha ko. Parang basag na plaka na paulit-ulit na tinutugtog sa loob ng utak ko.
Parang pangalan na matagal ko nang alam pero ngayon ko lang naalala. At kasabay ng pangalan niyang iyon, unti-unting sumiksik sa isip ko ang isang imahe sa loob ng white room: isang batang babae, may mahabang buhok, laging may hawak na papel, tapos umiiyak habang kausap ako. Ako ang kausap niya. James, ang tawag niya sa akin. Ako ang kasama niya sa. Pero bakit hindi ko maalala ang mukha niya? Napaupo ako sa sahig, yakap-yakap ang drawing. Gusto ko siyang maalala. Gusto ko malaman kung siya ba ang nawawala--kung sino siya sa buhay ko. At sa kauna-unahang pagkakataon sa mahabang panahon, naramdaman kong hindi ako nag-iisa sa sakit na ito. Na may isang bahagi ng puso ko ang patuloy na lumalaban, patuloy na naghahanap.
Bulong ko sa hangin habang sumisilip ang liwanag ng madaling araw sa bintana:
"Bonita… kung totoo ka man… hanapin mo ako."
"Dahil gusto na kitang maalala."
"Gusto kitang makilala ulit."