Krisanta's POV
Pagkatapos ng buong araw ng duty, pakiramdam ko ay babagsak na ang buong katawan ko. Pagod. Gutom. At higit sa lahat, wasak ang utak ko sa dami ng pasyente, lab reports, at rounds na inabot ng halos maghapon. Gusto ko na lang dumiretso sa dorm at mahiga nang walang iniisip. Pero nang makalabas ako ng main door ng UP BRH, napahinto ako. Isang itim na SUV ang nakaparada malapit sa waiting shed. Bukod sa pamilyar ‘yung plate number, kabisado ko ang sasakyan na ‘yon. Hindi nga ako nagkamali nung bumaba ang salamin nito, walang emosyon na mukha ni Liam ang tumambad sa akin. Napakurap ako. Akala ko pagod na ‘ko sa lab at thesis ko, pero mas napagod yata ako sa t***k ng puso ko ngayon. Nanuyo ang lalamunan ko. Umusad ang sasakyan, dahan-dahan. Bumukas pa lalo ang bintana sa driver's seat—at doon ko siya nasilayan, nakasuot ng plain black long sleeves, sleeves rolled up to his elbows, at nakasunglass kahit gabi na. Nakatingin siya sa akin. Ilang sandali pa ay bumaba ito at nilapitan niya ako. Hindi malapit na malapit, may distansiya. Napahinto ako.
“What are you doing here?”
Hindi siya agad sumagot. Diretso lang ang tingin niya sa akin. Ilang segundo ang lumipas bago siya nagsalita.
“Sinundo kita,” maiksi pero diretso.
Napakunot ang noo ko. “Sinundo? Bakit?”
“Because clearly, you don't know how to take care of yourself after duty,” sagot niya, sabay lingon sa katawan kong may naka-sling bag, may stain pa ng dugo sa lab gown, at halos bagsak na ang balikat sa pagod.
Tumaas ang kilay ko. “Alam kong umuwi mag-isa, Liam.”
Tumango siya. “Good for you. Pero ngayon, sasama ka.”
Napatingin ako sa sasakyan. Bukas ang passenger door. Gusto ko sanang tumanggi, gusto ko sanang lumakad papalayo. Pero gaya ng dati, nauuna lagi ang katawan ko kaysa sa utak.
“Bakit ba ang kulit mo?” iritadong tanong ko habang lumapit sa bukas na pinto.
“Tanong mo sa sarili mo kung bakit kahit ayaw mo, lumapit ka parin,” sagot niya, kaswal pero may pahiwatig. Ugh. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ‘to. Sumakay ako. Nang umandar ang sasakyan, ay napakatahimik namin, parang may sarili kaming iniisip. Ni hindi siya nagpatugtog. Ni hindi rin ako tinanong kung okay lang ako. Pero nilingon niya ako pagkatapos niyang paandarin ang sasakyan.
“Seatbelt.”
“Wow, caring,” sarkastiko kong sabi.
Hindi siya ngumiti. “Hindi ako natatawa. Ayokong makita kang mabangga tapos ako ang may kasalanan.”
Napaatras ako. Hindi dahil sa sinabi niya, kundi sa tono. It was flat and robotic pero may kung anong sinseridad sa likod nito.
Sa loob ng sasakyan habang bumabiyahe ay tahimik parin kami pero sa bawat red light, sinisilip niya ako.
“Tulog ka na ba?” tanong niya habang naka-stop sa Ayala corner.
“Hindi pa,” sagot ko habang nakasandal sa bintana.
“Good. Kasi gutom ka.”
“Hindi ako gutom.”
“Don’t lie. Lahat ng pagod na intern gutom.”
Hindi ko na siya sinagot pero mas lalo akong napatitig sa kaniya. Kumalma lang ako nang mapansing may hawak siyang maliit na paper bag sa may compartment. Inabot niya iyon.
“Take this,” sabi niya. “Sa lab, you used your hands. You probably didn’t even wash your hands after dahil pagod ka na. May sanitizer diyan, at pagkain na pwede mong nguyain habang wala pa tayo sa kainan.”
Tinanggap ko ‘yung bag. May sandwich, mineral water, at wipes. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa sa sarili ko.
“I’m not trying to impress you,” bigla niyang sabi.
“Okay…”
“I just don’t want you fainting in the middle of the street because you're too stubborn to take care of yourself.”
Napabuntong-hininga ako. “You don’t get to lecture me about taking care of myself when you were literally shaking on the floor----I am sorry.” bigla akong nagpreno dahil naging insensitive na naman ako.
Napatingin siya sa labas ng windshield. Hindi sumagot pero alam kong tinamaan siya sa sinabi ko. After a while, huminto kami sa isang parking lot ng maliit na restaurant. Medyo tago, may kaunting ilaw lang, at tahimik ang paligid.
“Dito tayo.”
“Gutom ka ba?” tanong ko.
“Hindi.”
“Then bakit mo ‘ko dinala dito?”
Huminga siya nang malalim. “Because you need to eat. At dahil kung papatulugin kita ngayon na walang laman ang sikmura mo, mas may kasalanan ako.”
“Sino nagsabi sayong may kasalanan ka?”
“Hindi mo kailangan sabihin. Ako na ang may alam.”
Sa loob ng restaurant…
Tahimik pero hindi ‘yung awkward na tahimik. May music sa background. Kumakain ako ng bulalo habang siya, nakaupo lang at umiinom ng mainit na tubig.
“Hindi ka kakain?” tanong ko.
“Later. Sige lang, ubusin mo ‘yan.”
Tumingin ako sa kanya parang may iniisip na mabigat.
“Liam…”
“Hm?”
“Hindi mo kailangang gawin ‘to.”
“Alin?”
“‘To. Yung pagsundo. Yung pagdadala sa’kin dito. You don't owe me anything.”
Napatingin siya sa akin. Diretso at matagal.
“I know. I don’t owe you anything. But I want to.”
“Why?”
Bumuntong-hininga siya. “Krisanta, sinabi ko na… you’re killing me softly but you're making me alive.”
Napatawa ako ng mahina. “Akala ko ba joke lang ‘yon?”
Hindi siya ngumiti. Mas lalo lang niya akong tinitigan.
“No. I meant it. Every time I see you beside him, laughing, smiling... I want to burn the world.---but when I'm with you, everything is so serene”
Natigilan ako. Bumuntunghininga ito at iniiwas ang paningin niya sa akin. Parang may pumipigil dito na ilabas kong ano man ang nasa loob nito.
“I’m not good for you, Krisanta. I know that. But I don’t want anyone else to be.”
Napakuyom ang mga palad ko habang nakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung matatakot ba ako sa lalim ng titig niya o maaawa sa paraan ng pagkakabigkas niya ng mga salita—tila ba may sugat sa bawat kataga.
“Liam…” mahina kong tawag, pero hindi siya lumingon. Nakatitig lang siya sa direksyon ng kalsada, habang ang liwanag mula sa mga poste ay sumasalamin sa salamin ng sasakyan.
Tahimik ang buong biyahe. Ang tanging maririnig ay ang mahinang ugong ng makina at ang pagbuntong-hininga niya tuwing mapapatingin siya sa akin sa gilid ng kanyang paningin.
Napansin kong ilang beses siyang nag-aadjust ng grip sa manibela. Para bang may mga salitang gusto niyang sabihin pero pinipigilan niya. Para bang ayaw niyang masabing muli ang mga binitawan niya kanina.
Pagdating namin sa tapat ng condo, hindi niya agad pinatay ang makina. Saglit siyang nanatiling tahimik, pagkatapos ay bumaling sa akin.
“Krisanta,” sabay kagat niya sa labi niya, “You eat on time.”
Bumukas na ang pintuan ng sasakyan ko. Dapat bababa na ako, pero parang may humihila sa akin na manatili.
“Liam, bakit mo ako hinahalikan kung alam mong hindi mo ako pwedeng angkinin?” tanong ko, halos pabulong. Ito ang gustong gusto kong tanungin sa kanya noon pa dahil sa dalawang beses na niya akong hinalikan. Ayaw ko ng walang paliwanag, kung kailangan ko siyang diretsahin gagawin ko. Ako iyong taong hindi mahilig sa pagtatago ng mga bagay bagay lalo na sa damdamin.
Tahimik siyang tumingin sa akin. Matagal at seryoso. Tapos, lumapit siya—unti-unti. Hinawakan niya ang pisngi ko. Mainit ang palad niya—mainit at nanginginig. Tila ba pinipigilan niya ang sarili, pero mas malakas ang nararamdaman kaysa sa kontrol niya.
“Dahil kahit ilang beses kong pilitin ang sarili kong bitawan ka…” gumapang ang boses niya, “hindi ko kaya. You calm the war in me, love... and that scares me.”
At bago pa ako makapagsalita, dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya. Malambot ang halik niya ngayong gabi. Walang gigil, walang pag-angkin—puno lang ng pangungulila at paglalambing. Para bang humihingi ng pahintulot, kahit na alam niyang bawal.
Isang mahinang “Goodnight” ang ibinulong niya sa labi ko, at pagkatapos ay siya na mismo ang nagsarado ng pinto ko.
Pinaandar niya ulit ang sasakyan, pero bago siya tuluyang umalis, binaba niya ang bintana.
“Next time, huwag kang tatawa sa jokes niya. Nakakainis,” aniya, kunwaring naiirita, pero hindi na niya napigilan ang ngiting pilit niyang nilalabanan. Bumalik ang pagiging suplado niya, pero ngayon, may halong tamis. Umandar ang kotse niya palayo, habang naiwan akong nakatayo sa harap ng condo ko—hawak pa rin ang pisnging hinalikan niya, at puso kong hindi na yata kayang ipagkaila ang katotohanang unti-unti nang nahuhulog sa kanya. Sa isang lalaking hindi ko alam kung ako ba talaga ang gusto o ako lang ang ayaw niyang maagaw ng iba.