Chapter 22

1702 Words
Krisanta's POV Tahimik ang paligid, pero ang puso ko, para akong may sariling orasan na nagmamadali sa kaba. Pilit kong pinipigilan ang sarili kong dumilat, pinipilit kumbinsihin ang sarili na baka panaginip lang ang lahat ng nangyari kagabi. Pero ramdam ko siya. Mainit ang katawan niyang nakadikit sa likod ko. Ang braso niyang nakayakap sa baywang ko ay mahigpit, parang may takot na baka kung bibitawan niya ako kahit saglit, mawawala ako nang tuluyan. Tumaas ang balikat ko nang maramdaman kong hinagod niya ang balat ko sa ilalim ng kumot. Dahan-dahan lang, halos parang nagkukumpisal ang mga daliri niya habang binabaybay ang tagiliran ko. "You're awake," bulong niya. Malalim, paos, at may halong init ang tinig niya—hindi dahil sa galit. Iba ito. Parang pagod, parang naninibugho sa mga oras na nawala habang natutulog ako. Hindi ako sumagot. Hindi pa rin ako lumingon. Pero saglit lang 'yon. Dahil bigla na lang niya akong pinihit. Malumanay, pero mariin. Iniharap niya ako sa kanya, at wala akong nagawa kundi titigan ang mukha niyang halos ilang pulgada lang ang layo sa mukha ko. His eyes—those stormy, calculating eyes—were no longer empty. Ngayon, para silang nagliliyab sa ilalim ng kontroladong ekspresyon niya. Wala nang maskara. Wala nang malamig na pagkukunwari. Liam was no longer hiding. “I don’t like waking up alone,” mahinang bulong niya habang tinititigan ang labi ko. “Kaya wag mong tangkain na iwan ako sa kama na ‘to, Krisanta. Not without me.” Napalunok ako. May kilig na may kasamang takot. May halong pangungulila na ayaw kong aminin dahil paano kung hindi ito totoo? Paano kung ito’y bahagi lang ng laro niya? Pinisil niya ang pisngi ko, dahan-dahan. Then he leaned in and kissed my forehead. “Tumigil ka sa kaiisip kung ano ang iniisip ko,” sabi niya, parang nababasa ang kaba sa dibdib ko. “If I wanted to use you… I could’ve done that from the first time I stepped into your condo.” “Then what do you want?” mahina kong tanong. He looked at me like I was stupid. Like the answer was obvious. “You.” Isang salita lang, pero para akong binuhusan ng init ang buong sistema ko. “You can’t say that like it’s simple.” “It is simple,” sagot niya, habang hinahagod ang buhok ko, pinipisil ang batok ko na parang sinusubukang pakalmahin ang utak kong nagwawala. “Gusto kitang kasama. Gusto kong hawakan ka. Alagaan ka. Itago ka kung kailangan.” “T-tago?” “I don't like the way other people look at you,” seryoso niyang sambit. “That night nang makita kita sa kalsada with those bastards. I wanted to rip every eye that lingered too long on you, I wanted to cut their hands for touching you.” Mas lalo akong napatitig sa kanya. Hindi ito biro. Hindi na siya nagtatago sa likod ng mga sarcastic na banat niya. Ngayong nakahubad ang emosyon niya, mas nakakatakot. Mas totoo. "You're not just something I want, Krisanta. You're something I need to keep.” Napalunok ako. Hindi ko alam kung matatakot ako o kung hahayaan ko na lang mahulog ako sa ganitong klaseng pananabik. “Liam--hindi sa nagdedemand ako--but I think I need to go,” mahinang protesta ko. Liam smirked, pero walang halong yabang. Parang sakit lang na tinanggap na niya. “No. But I can make you choose to stay,” bulong niya habang hinahaplos ang balikat ko. “And I will.” Niyakap niya ako muli. Mahigpit. Mainit. Parang sinasabing, dito ka lang. akin ka. At sa gitna ng katahimikan ng silid, naramdaman ko ang delikadong katotohanan—hindi ko alam kung kaya kong umalis kahit gusto ko. Dahil habang binubuo ko ang mga tanong sa isip ko, unti-unti siyang gumagawa ng tahanan sa puso ko. Isang tahanang hindi ko sigurado kung ligtas... o isang kulungan na magpaparamdam sa akin ng init habang unti-unti akong inuubos. Walang imik na tumayo si Liam pagkatapos ng mahabang katahimikan. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming magkayakap lang, walang sinasabi. Basta ang alam ko, ayaw ko siyang bitawan… pero mas lalo kong ayaw na makita niya kung gaano ako nasasaktan pa rin. He kissed my forehead again before pulling away. “Magbibihis lang ako. Don’t move.” At hindi nga ako gumalaw. Pinanood ko lang siya habang sinusuklay niya ang buhok gamit ang daliri, habang kinukuha ang shirt na basta na lang itinapon kagabi. Para siyang ibang tao. Walang tension. Walang galit. Wala ‘yung cold, cutting tone na sanay akong marinig sa kanya. Ilang minuto lang, bumalik siya—naka-gray shirt at loose na pantalon, walang saplot sa paa. Tinapunan niya ako ng tingin bago ngumiti nang bahagya. After a while, umalis ito. Hindi muna ako gumalaw sa kama, parang ang sarap sarap sa pakiramdam lang na nandito ako sa kanyang bahay, sa loob ng kanyang kwarto pagkatapos ng namagitan sa amin. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa amin pero ang puso ko, masayang masaya. Pagkatapos ng ilang minuto ay tumayo ako at naglinis ng katawan sa banya. Isinuot ko ang natagpuan kong t-shirt nito pero dahil sa laki niyang tao, parang naging bestida na ito sa akin. Nagsusuklay na ako ng buhok ng pumasok siya sa silid. “Halika. Kumain tayo.” Wala akong nasabi. Tumango lang ako at dahan-dahang lumapit sa pinto. Napansin ko agad na hindi niya ako iniiwan. Kahit paunahan siya sa pagbaba, huminto siya sa gitna ng hagdan para hintayin akong makalapit, sabay hawak sa kamay ko nang mariin—parang instinct, hindi niya pinlano, pero hindi rin niya kayang pigilan. Pagdating namin sa dining area, para akong napa-blink. The table was already set. May pancakes na may berries. Scrambled eggs na may herbs. Fresh juice. Kape. At sa gitna ng lahat ng ‘yon—isang maliit na plorera na may puting rosas. “Ginawa mo ‘to?” tanong ko, bahagyang lutang. “Hindi ako kasing galing ni Nanny Tess sa kusina,” sagot niya habang inaayos ang upuan para sa akin. “Pero marunong akong magsaing at magluto ng itlog.” Umupo ako habang may ngiti sa labi ko. Nagbuhos siya ng juice sa baso ko, kinuha ang kutsara ko, at nilagyan ng konting scrambled egg ang plato ko. “Kumain ka na. You didn’t eat much yesterday.” “Liam…” “Walang ‘pero.’ Kumain ka muna.” Pinagbigyan ko siya. Tahimik lang kaming dalawa. Walang background music, walang ibang tao. Sa gitna ng karangyaan ng mansion niya, para kaming ordinaryong magkasintahan na nagbe-breakfast sa Linggo ng umaga. Pero hindi ordinaryo si Liam. At hindi rin ako. BRRRRRT. Naputol ang katahimikan sa pag-vibrate ng cellphone ko sa mesa. Agad ko iyong sinulyapan—si Eduard pero napansin ko agad ang biglang pagtigas ng ekspresyon ni Liam ng sulyapan ko ito. Napako ang tingin niya sa screen. “Don’t answer it,” malamig niyang sambit. Hindi sigaw, pero may diin. “It's my friend—” “I said don’t.” Tumingin ako sa kanya, naguguluhan. “Baka importante.” Hindi siya sumagot agad. Itinulak niya ang upuan niya pabalik, tumayo, at dahan-dahang kinuha ang phone ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya—itatapon ba niya? Sisirain? Sasagutin? Pero hindi. Pinatay lang niya ang vibration mode, at marahan iyong ibinalik sa mesa. Tumingin siya sa akin, at ngumiti pero may kilabot sa ngiting ‘yon. “You’re with me now. Hindi mo kailangan sumagot sa kahit kanino habang kasama mo ako.” “Liam…” “Kung may kailangan sila, they can go through me.” May ilang segundong katahimikan. Hindi ko alam kung anong mas nakakatakot—ang paninindigan sa boses niya o ‘yung paraan ng pagkakasabi niya na parang natural lang, parang ganoon na talaga ang dapat mangyari. “Sinumang gustong kumausap sa’yo ng hindi ko alam…” Tumigil siya, bahagyang ngumiti habang umupo ulit. “…hindi nila deserve ang access sa’yo.” I swallowed hard. He reached for my hand across the table, pinisil ito. Malamig ang kamay ko, pero mainit ang palad niya. Tinitigan niya ako—matagal, tahimik, buo. “I’m not trying to control you, Krisanta. I’m just trying to keep what’s mine love.” Napalunok ulit ako. Mine? Pag-aari na niya ako?! Anong nakain ng lalaking ito bakit sobra na niyang territorial? Eh wala pang malinaw na usapan tungkol sa amin, wala pa siyang sinabi kung ano kami, kung mahal niya ba ako. Hindi ko na malaman kung paano ko siya haharapin. Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot… o masaktan, dahil sa paraang ito niya ipinapakita ang pag-aalala. "Tsk. Huwag mo akong hawakan sa leeg Liam. I have my life--- "Love, hindi kita hinahawakan sa leeg. I'm just protecting what's mine." biglang naging malambing ang boses nito. Tumahimik na lang ako habang kumakain, pero hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan siya. Hindi naman sa may kakaiba siyang ginagawa—nakayuko lang siya, maingat na hinihiwa ang sa plato niya, tapos kakain ng dahan-dahan na parang may sinusunod na tamang rhythm. Pero may kung anong bago sa mga kilos niya ngayon… mas banayad, mas mahinahon. "Anong tinitingnan mo?" tanong niya, hindi man lang tumingin pero alam mong ramdam niya 'yung titig ko. Umiling ako sabay ngiti. "Wala lang. Ang bihira mo lang ngumiti habang kumakain." Nagtaas siya ng kilay at sa wakas ay tumingin sa akin. Tapos ay biglang ngumiti. Hindi 'yung usual niyang smirk na may halong sarcasm. Ngayon, genuine. Parang... may lambing. "Masarap kasi 'yung kasama ko," bulong niya bago muling tumingin sa pagkain niya, pero alam kong napansin niya kung paanong bahagyang uminit 'yung pisngi ko. "Ang corny mo," sabi ko, pero hindi ko mapigilan ang tawa. "Inamin mo na rin sa wakas. Cute ako 'pag corny." "May nagsabi ba nun?" "Oo. Ikaw ngayon lang." Napailing ako habang naglalagay ng ulam sa plato niya. "Kumain ka na lang." Hindi siya sumagot, pero naramdaman ko ang dahan-dahan niyang pag-abot sa kamay ko sa ilalim ng mesa. Hindi mahigpit, hindi rin mapwersa. Tamang hawak lang. At minsan, sapat na ang ganitong pagkakataon, 'yung hawak lang ang kamay ko, para maramdaman kong hindi na ako nag-iisa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD