Krisanta's POV Mainit kahit hapon na. Nakaupo ako sa waiting area ng outpatient wing, nakasubsob sa laptop para magmukhang abala lang ako. Pero sa totoo lang, hinihintay ko lang na magbukas ang pinto ng examination room 3 — iyon ang room kung saan nakaschedule ang Week 2 trial check-in ni LX-09. Sabi sa logs, 3:00PM ang appointment. 2:55 pa lang, ramdam ko na ang kabog ng dibdib ko. May dumaan na nurse, may dumaang pasyente, pero wala pang pumasok sa room 3. Then, I saw him. Isang lalaking nasa late 30s, naka-formal slacks at polo, hawak ang isang leather briefcase. Hindi mukhang pasyente — mas mukha siyang abogado. Hindi niya ako napansin, kaya napatitig ako, para kasing nakita ko na ito somewhere, hindi ko lang talaga maalala kung saan. Tumigil siya sandali sa reception at nagsulat sa

