Chapter 9

1255 Words
Krisanta's POV Gabi na at wala na akong energy para sa kahit anong lab result o thesis formatting. Pagkauwi ko, diretso ako sa kwarto, tapon ng bag sa sahig, at sabay higa. Pero kahit gaano ako ka-drained, kahit ilang test tubes ang hinawakan ko ngayong araw—may isa akong ritual na hindi ko kayang iskip. My novel. Binuksan ko ang lumang laptop na halos ayaw nang gumising. Pagkabukas, nag-pop up agad ang draft file na matagal ko nang hindi nadadagdagan. Title: “What I Didn’t Know About Liam” Chapter 12 – The Man Who Never Flinched. Napangiti ako. Hindi man halata sa lab, pero sa loob ng utak ko, dito ko pinapahinga ang sarili ko. Bumalik ako sa binubuo kong character. Liam—the man of my dreams. My fictional Liam. The version of someone I thought I’d want. Matalino, tahimik, dependable. Strong but never harsh. Mysterious, but never cruel. Someone who could stand at the edge of destruction and still whisper: “You’re safe with me.” Nag-type ako nang walang outline—just pure instinct, like always. “He never said much, but when he did, his voice felt like a promise. Not loud. Not dramatic. But solid—like steel under silk. I never really understood him. No one did. But whenever the world turned to static, I only needed to look at him to remember what calm looked like.” – K.P.... Hindi ko napansin ang oras. It was almost midnight, but my fingers were still dancing on the keyboard, each keystroke echoing softly through my small room. The glow of my screen cast shadows on the walls—like flickers of something forgotten, gently resurfacing. My fictional Liam—my Liam—was sitting on the rooftop of a hospital in the latest chapter, staring at a sky full of stars he claimed were broken mirrors. I wrote the scene on instinct, without planning it. Pero habang tumatagal, habang tumatagal ang pagsusulat ko sa kanya, may tanong na unti-unting sumusulpot: Why does he feel so familiar? Tumigil ako sa pagta-type. Tinitigan ko ang screen, ang linya ng dialogue na huli kong isinulat: "Even pain can be quiet, Bonita." "You just have to listen to the parts that don't scream." And then, just like that...Napapikit ako, biglang may bumalik sa alaala ko... Habang nakabukas ang draft ng nobela ko, bumalik sa isip ko ang mga araw sa ospital sa Spain. Ang amoy ng antiseptic. Ang tunog ng monitor sa kabilang silid. Ang kisame ng playroom na may glow-in-the-dark stars. At ang batang palaging nakaupo sa gilid ko, nakayuko sa coloring book, pero palaging may ngiting parang may tinatago. I was six. Too young to understand illness, too old to not notice the sadness in a hospital room. We were living in Spain then. My dad was a cardologist and my mom worked double shifts as a nurse. Kapag wala silang mapag-iiwanan sa akin, sinasama nila ako sa ospital—doon ako sa lounge o sa playroom, kung saan ako ligtas at hindi istorbo sa mga doktor at nurse. Isang hapon, habang nagkukulay ako ng libro sa ilalim ng waiting bench, may tumabi sa akin.A boy around my age. Maybe seven. Pale, kalbo, naka-hospital gown. “Hola,” sabi niya. Mahina at parang takot na baka may makarinig. “Te gusta el azul?” sabay turo sa coloring pencil ko. Tumango ako. “Yes. It’s my favorite.” “Mine too, what's your name?” he whispered, then smiled—that kind of smile na parang alam mong hindi niya madalas gawin. "Dad calls me Bonita" sagot ko. Ngumiti siya sa akin at tumango. Hindi ko man alam kung anong sakit niya, pero may benda ang tagiliran niya, at may linya ng IV sa braso. Pero kahit nahihirapan siya maglakad, he still came back every day after that. His name was James. Lagi siyang may bitbit na bagong kwento. Isang araw daw, magiging astronaut siya. Kinabukasan, super spy naman. Sa susunod, tamer ng mga wild lions. But the one story that stuck was this: “My name is James, and I’m not afraid of pain.” “You shouldn’t be, either.” Hindi ko na matandaan ang apelyido niya. Hindi ko rin alam kung bakit hindi siya kailanman binanggit ng mga magulang ko pagkatapos naming bumalik sa Pilipinas. Parang isang bahagi ng kabataan kong tinabunan ng ibang alaala. Pero ngayon, malinaw pa ang isang eksena. Maalinsangan na hapon noon. Binigyan ako ng nurse ng orange popsicle pero ilang sandali pa, dahil sa pagmamadali kong huwag matapon ang popsicle, tumakbo ako pero natisod ako sa mga nakaharang na laruan ko. Dahil nasaktan ako, umiyak ako para marinig ng ibang tao sa labas ng room. Si James, nakaupo sa sahig ng playroom, may maliit na bandage parin sa kanang tagiliran. Tumayo siya at tinulungan niya akong tumayo, ngunit napangiwi siya ng magdaop ang aming mga palad--bigla nalang niya itong hinila. “Do you know what pain does?” tanong niya sa akin habang pinagmamasdan ang popsicle kong unti-unting natutunaw. Umiling ako. Wala akong maisagot. “Pain teaches you how to listen.” sagot niya. “To things that people forget to hear. Like your own heartbeat. So, don't cry” Tahimik kami ng ilang segundo. Tapos tumayo siya, iniabot ang crayon na nahulog ko, at tumitig sa akin. Buo ang mata niya. Parang hindi siya bata. Tapos, doon niya sinabi—'yung mga salitang ngayon lang ulit bumalik sa isip ko. “I’m going to get better. Someday, I’ll be strong enough to protect people who can’t fight back--like my dad and when that day comes, I’ll find you. I’ll protect you, too--so that you'll never cry.” Napakapit ako sa mesa habang bumabalik ang bigat ng mga salitang iyon. Hindi ko naisip dati na pangako pala iyon. O kung dapat ko ba iyong paniwalaan. Kasi ilang araw pagkatapos niyang sabihin iyon, hindi na siya bumalik. Sinabi ng isang nurse na baka pinauwi na raw sa ibang bansa. May ibang nagsabing lumipat ng facility. Pero walang nagsabi nang diretso. Walang nagsabing “wala na siya.” At ako, anim na taong gulang, ay natutong tumanggap ng kawalan. Tanggapin na lang na hindi lahat ng paalam ay binibigkas. Pero ngayong gabi, habang nakatitig ako sa screen, ramdam ko ang kabog ng dibdib ko—parang bata ulit na may iniintay. May umaasang pangako. "James." Muling binigkas ng isip ko ang pangalan. At ewan ko kung guni-guni lang o epekto lang ng nostalgia, pero habang tinititigan ko ang file ng pasyenteng si LX-09, habang inaalala ko ang malamig na tingin ni Liam Morales sa hallway kanina... Hindi ko na alam kung saan nagsisimula ang fiction—at kung saan natatapos ang realidad. Now, years later, while staring at a blinking cursor on a glowing screen, I finally understood. The Liam in my novel—he’s him--its James, unti-unti ko siyang binubuhay sa aking ala-ala. The boy in the white room. The one who said pain could be quiet. The one who disappeared without goodbye. Napatigil ako sa pag-type. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Nostalgia? Lungkot? Gulat? Lahat na ata. Pero malinaw ang isang bagay: hindi fictional si Liam. At kahit sinasabi ko sa sarili kong wala akong koneksyon sa kung sino man si Liam Morales, at kahit sinasabi ko sa sarili kong hindi sila pareho—I couldn’t shake the feeling because the way he looked at me sometimes... the way he didn't look at me...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD