Krisanta's POV
Bandang alas-singko ng hapon nang daan ako ni Sky sa tapat ng building ng condo ko. Pagbaba ko sa may lobby, nakita ko si Sky sa labas—nasa harap ng itim na SUV, nakasimple lang sa white polo shirt at jeans, pero may dala pa ring ngiti ng magtama ang mata namin sa salamin.
“Wow,” bungad niya habang pinagbubuksan ako ng pinto. “Ibig sabihin ba nito… hindi mo na ako ire-report sa harassment unit?”
Umirap ako pero hindi mapigilang mapangiti. “Wala akong sinabi na hindi ko pa rin gagawin.”
Tumawa lang siya habang pumasok na rin sa driver's seat. Habang binabaybay namin ang paakyat na daan patungong Antipolo, pinuno ni Sky ng kung anu-anong kwento ang sasakyan—about his cousin na birthday boy, about the ridiculous party themes they used to do, hanggang sa kung paano siya na-busted dati sa crush niyang three years older.
“Lesson learned,” sabi niya habang kumakagat sa fries na nadaanan naming drive-thru. “Never trust someone who says, ‘Let’s just be friends’ with a smile. That’s how they kill you slowly.”
“Wow. Deep,” sabi ko, habang pinipigilang matawa.
Pagdating namin sa private house, agad akong sinalubong ng malamig na simoy ng hangin at ang tunog ng acoustic guitar sa background. Gabi na. Bukas ang mga ilaw sa rooftop—warm lights na parang binalot ng ginto ang paligid. May mga bean bags at wooden benches, at ilang piling bisitang halatang magkakakilala. Maaliwalas, hindi maingay. Hindi lasingan.
"See? Walang frat drama. Chill lang," bulong ni Sky habang inabot sa akin ang bottled coffee na galing daw sa coffee bar corner nila.
Tahimik akong umupo sa isang bench sa sulok, tinatamasa ang view ng city lights habang hinigop ang mainit na kape. For once, parang naging tahimik ang lahat sa loob ko.
"This is perfect! Kanino ito?" tanong ko habang iniikot ko ang aking paningin sa kabuuan ng private house. Ngumiti siya at ininguso niya ang isang corner. Lumingon ako sa direction ng inginuso niya, Sa hindi kalayuan, sa may gilid ng rooftop, napako ang tingin ko sa isang pamilyar na pigura. Nakaupo sa mesa, may kausap, pero hindi tumatawa. Hindi rin nagsasalita. Naka-black long sleeves. Huh, birthday party tapos naka black?!
"It's his mom's rest house" rinig kong patuloy ni Sky. His mom? Hindi ba dapat "our mom" ang sasabihin niya kasi magkapatid sila ni Liam? Tumikhim si Sky, nabasa niya ang pagkunot noo ko.
"We're half brothers. When his mom died, his dad married my mom--at iyon ako ang malas na ipinanganak" hindi ko alam kung tawa ng malungkot iyon o talagang ginawa lang niyang joke ang statement niya. Sinuntok ko ito sa balikat at mas lalo lang siyang tumawa.
"Come, I'll let you meet our cousin" sabi nito at hinila na niya ako sa direksiyon kung nasaan sina Liam at ang kausap nito. Gusto ko pa sanang magprotesta dahil wala akong lakas na harapin pa si Liam dahil sa huli naming engkwentro. Untill now, hindi pa ako naka move on sa paghalik niya sa akin sa condo ko.
"Sky, sandali—hindi mo naman sinabi na andiyan ang kapatid mo—” bulong ko habang pilit kong pinipigilan ang hakbang ko, pero parang wala akong laban sa paghila ng lalaking ‘to.
“Relax. He’s not going to bite,” sabay sulyap niya sa akin, amused.
Mas lalong bumigat ang hakbang ko habang palapit kami sa mesa. Halos hindi ako huminga. Si Liam, naka-profile pa rin sa amin, may kausap—isang lalaking mukhang ito ang may kaarawan, base sa bihis at tindig. Tahimik lang siya, walang emosyong nakapinta sa mukha, tulad ng dati. Pero sa kabila ng kawalan ng galaw, siya pa rin ang pinakamaimpluwensyang presensya sa buong rooftop. Hindi mo siya pwedeng hindi pansinin. Paglapit namin sa mesa, tumingin sa amin ‘yung kausap niya at bahagyang ngumiti.
“Oh, Sky. Kanina ka pa hinihintay ni Kuya Liam,” sabi nito. “Sino kasama mo?” Ngumiti ito sa amin.
Biglang bumaling ang tingin ni Liam sa amin. At doon na kami nagtagpo ng tingin.
Parang may humawak sa leeg ko at saglit akong hindi nakahinga. Ganoon pa rin siya—those unreadable eyes. Those same dark, cold eyes that once looked at me... right before he kissed me.
"Happy birthday dude," casual na bati ni Sky. "This is Krisanta. A friend of mine. Kris, this is my cousin Troy."
"Oh hi Kris, hope you don't mind calling you Kris?" nakangiting sabi ni Troy na inilahad ang kamay nito. Ngumit ako dito at tinanggap ang kamay nito for a shake hands.
"I didn't know may maganda palang friend itong si Sky--nice to meet you" dagdag nito. Tumango lang ako dito. Inakbayan ako ni Sky bago bumaling sa kanyang kapatid.
"And of course--my big brother, kilala mo na siya diba Kris? Balita ko, nakatikim na rin siya ng kamao mo" tuamtawang sabi nito. Inirapan ko ito at tinanggal ang pagkakaakbay niya sa akin. Bigla akong nahiya. Nakaramdam ng init sa pisngi, kahit malamig ang hangin sa rooftop. Si Sky talaga—walang preno kung makapagbiro. Pakiramdam ko tuloy, lahat ng taong naroon ay biglang napalingon sa akin. Lalo na si Liam. Napatingin ako sa kanya. Nakatayo lang siya roon, tahimik, parang walang narinig. Hindi man lang kumibo. Hindi man lang nagpakita ng reaksyon.
Wala. Blanko. Parang hindi ako kaharap.
“Uh, nice to see you again,” sabi ko, halos pabulong, kahit alam kong hindi niya ako tinatablan ng kahit anong uri ng presence.
Hindi siya tumingin at hindi rin siya ngumiti. Sa halip, tumango lang siya kay Sky at kay Troy, at saka muling ibinalik ang tingin sa hawak niyang baso. Para bang ako’y hangin lang na saglit dumaan.
Ouch.
“Wow. Charming as ever,” bulong ko kay Sky habang pinipilit kong magpakatatag. Napangiti ito, halatang aliw na aliw sa ginagawa ng kapatid niya.
“He has his moods,” sagot ni Sky, bahagyang iniwas ang tingin kay Liam. “Pero huwag mo masyadong dibdibin, ganyan talaga ‘yan. Default setting: emotionally unavailable.”
“Default setting: walang modo,” balik kong bulong.
“Exactly!” tawa ni Sky. Si Troy naman, mukhang nahalata ang tension. “Anyway, Kris, feel free to look around. Food’s at the other side, may buffet sa may veranda. May photo corner din sa baba kung gusto mong magpa-picture. Si Sky ang nag-set up niyan, by the way—surprisingly creative ‘tong pinsan ko.”
“Uy,” protestang sabat ni Sky. “Wag mong i-leak ‘yung creative side ko, nakakababa ng dating.”
Tumawa si Troy habang nagpaalam na muna saglit sa amin. Naiwan akong muli sa awkward presence ni Sky at ni Liam, na ngayon ay hindi man lang ako tinitingnan.
“Gusto mong lumipat ng pwesto?” tanong ni Sky.
“Hindi. Okay lang ako rito,” sagot ko kahit ang totoo, gusto kong mag-evaporate. Nakatayo lang kami sa tabi ng mesa. Ako, hawak ang bottled coffee ko. Si Sky, casual lang ang ngiti habang sumisipsip ng alcohol drink niya. Si Liam naman, parang walang ibang mundo kundi ‘yung baso niya.
Seriously, ilang beses ko na ba siyang nakikita na parang hindi ako kilala?
Nagsalita ako, bahagyang may inis. “Wow, ang galing. Isang upuan lang ang pagitan natin, pero pakiramdam ko, nasa kabilang rooftop ka.”
Hindi siya tumingin pero nagsalita siya.
“Mind your own.” Diretso at matigas ang tono nito. Nang dumako ang tingin ko sa kanyang kamay, nakakuyom ito..
Parang tinuluyan akong i-flush down the drain.
“Wow. That’s… charming.”
Lumingon na rin si Sky sa kapatid niya. “Dude, seriously? Hindi mo naman kailangan maging masungit every second of the day.”
Hindi pa rin nagsalita si Liam. Nakatingin lang sa city lights sa ibaba. Walang iniwan sa isang statue na may pulso.
Ako na lang ang nagsalita. “Don’t worry. I won't mind you.
Binitiwan ko ang isang pilit na ngiti bago lumingon kay Sky.
“Thanks sa coffee. Masarap naman ‘yung hangin. Pero baka sumakit lang ang ulo ko kung mananatili ako sa tabi ng taong hindi marunong kumilala ng bisita.”
“Teka lang—Kris,” sabay habol ni Sky, pero lumakad na ako palayo. Diretso ako sa railing ng rooftop. Gusto ko lang huminga. Gusto ko lang mawalay kahit sandali sa presensyang hindi ko maintindihan. Hindi nakasunod sa akin si Sky dahil ng lumingon ako, may lumapit ditong isang babae. Pero ilang minuto pa lang akong nakatayo roon, naramdaman kong may lumapit sa gilid ko.
Hindi ko siya tiningnan, pero alam kong siya iyon. Kahit hindi nagsasalita. Kahit wala siyang bitbit na kahit anong pag-amin o paliwanag.
Muli, si Liam.
Nakatingin lang kami sa city lights ng Maynila mula sa Antipolo. Wala pa ring imikan. Hanggang sa siya ang unang bumasag ng katahimikan.
"Sorry."
Hindi ako agad tumingin. Parang ayokong lokohin ang sarili kong narinig ko iyon.
“Anong sabi mo?” tanong ko, halos pabulong.
“Sorry,” ulit niya. “That was rude.”
Bahagya akong napalingon. Siya naman ngayon ang hindi makatingin. Natahimik ako. For once, parang may c***k sa pader niya.
“Hindi ko alam kung anong problema mo…” sabay buntong-hininga ko. “Pero kung ayaw mo akong makita, sabihin mo na lang. Hindi ko kailangan ng mixed signals.”
Tahimik siya ulit. Pero mas mahina, halos hindi marinig, narinig ko siyang muling nagsalita—
“Hindi kita gustong hindi makita.”
Napakunot ang noo ko. “Ano raw?”
Tumingin siya sa akin, sa wakas. Matagal ngunit parang biglang nag iba ang kanyang mukha,parang may emosyon na biglang nagpakita. Hindi ko lang mapagtanto kung ano iyon pero parang ramdam ko na mabigat ang sa kanya na sabihin ang salitang sorry..
“Hindi kita gustong hindi makita,” ulit niya. “Ang problema, hindi kita kayang tingnan.” saad nito. Napatingin ako dito, then I saw him--he is biting his lips, pulang pula at nakakuyom ang kamao niya. Bigla akong nakaramdam ng pag aalala dito.
"Are you ok?" lumapit ako dito para hawakan sana siya pero umiwas na naman. Literal na untouchable yata ang lalaking ito.
"What do you think? Damn, of course I'm not ok. I hate seeing you with Sky!--I hate to see holding you like you are his" matigas nitong sabi bago ito tumalikod at tinungo ang hagdan pababa. For a moment, napanganga ako. Ngayon lang nag sink in sa utak ko ang sinabi niya--he hates who? Ano daw?!