"Aahhh..." Ungol ni Shannon habang saposapo ang ulo dahil parang binibiyak iyon at letiral na umiikot ang kanyang mundo. "Ang sakit ng ulo ko." Daing nya na pumikit uli dahil nasisilaw sya sa sikat ng araw mula sa concentrated glass windows. Pakiramdam nya ay lasing pa ang mundo nya pati narin ang utak nya.
Nanatiling nakapikit ang kanyang mata pero biglang nangunot ang kanyang noo at natigilan.
'At kailan pa nagkaroon ng concentrates glass window sa apartment namin? Ang alam ko ay jealousy window lang iyon?!'
And wait! Napamulat sya ng mata at ceiling agad ang kanyang nakita. 'Hindi na rin nababakbak ang ceiling namin at wala na din iyong mga lamat ng tubig!'
Bungon sya at Iniikot sya ang paningin at hindi nya mapigilang mapaawang ang labi ng masipat na nasa gitna pala sya ng malaking kama at sobrang puti ng sapin pati na din ang duvet na nakatakip sa pang ibaba nyang katawan!
Wow.. ang akala nya ay bongga na ang mga kwarto sa Mansyon ng Aragon pero mas may bubongga pa pala sa mga iyon.
"Bakit kaya ako nandito?" Pilit nyang inaalala ang nangyari kagabi---
Mabilis nyang kinapa ang sarili baka may tama sya. "God, natamaan ba ako kagabi? Nasa kaharian mo na ba ako?" Parang tanga lang na bulong nya. Ang puti ng paligid pati na din ang kurtina na nililipad lipad ng hangin.
Bumaba sya sa kama. Ramdam na ramdam nya ang kalambutan ng carpet.
'Wow...' hindi nya mapigilang anas habang pinapanood nya ang hubad na paa--
'waaa.. Bakit ako nakatshirt lang?' Mahaba naman iyon dahil halos umabot sa tuhod nya pero wala syang suot na bra. Puting damit iyon at manipis lang ang tela kaya mahahalata ang u***g nya.
"Sino kaya ang nagbihis sa akin?" Aniya na kinakabahan na.
Naglakad sya at tinungo ang pintuan. Ang akala nya ay pintuan iyon palabas pero bumungad sa kanyang ang napakaraming damit pang lalaki. Iba't ibang magagarang suit ang nakikita nya.
'Sobrang organise...' namamangha nyang bulong. Nakuha ng atensyon nya ang nasa gitna na pure glass organizer.
Nakahalira at maayos na nakatupi ang mga necktie. Mayroong ding ganon si Dadi Keith pero hindi kasing rami ng mga ito. At alam nyang mamahalin din ang mga iyon.
Nanlaki ang mata nya. Grabeng mga relo!
Lalong napaawang ang labi nya ng umakyat sa wall ang mga mata nya dahil ibat ibang kulay ng maskara ang nasa loob ng salamin pero iisa ang hugis at sukat ang tumambad sa mga mata nya.
Napatitig sya doon at bigla nalang pumasok sa isip nya si mamang nakamaskara.
Napatakip sya sa kanyang bibig ng mareliaze kung kaninong kwarto sya naroroon ngayon.
"Ehem.." halos mapatalon sya ng biglang may tumikhim sa kanyng likoran. Parang nanigas ang kanyang mga binti at parang tumigi ang t***k ng kanyang puso pati paghinga nya.
Napaawang ang kanyang labi na natatakpan parin ng kanyang palad at nanlaki ang kanyang mata.
Bawat paghakbang nito papalapit sa kanya ay iyon din ang hakbang paatras ng mga paa nyang pilit nyang binubuhat para lang maigalaw ang mga iyon pero ang kanyang mga mata ay nanatiling nakapako parin dito.
Parang lalabas na ang kanyang puso sa kanyang dibdib dahil sa sidhi ng t***k nito.
Napasinghap sya ng bumangga na ang kanyang likod sa salamin pero wala parin itong balak na tumigil sa pag abante papalapit sa kanya. Kumapa kapa ang kanyang mga kamay para makahanap ng makakapitan pero bigo sya.
Dalidali syang pumihit patalikod pero nagkamali sya dahil salamin pala iyon kaya kitang kita din nya ang itsura nito habang nasa likoran nya at unti unting umuusad. Ayaw nya itong tignan pero ayaw humiwalay ng kanyang mga mata dito.
Napakapit sya sa salamin ng naramdaman nya ang dibdib nito sa likod nya at inilapit pa nito iyon ng maigi. Ramdam nyang malamig iyon dahil nakita nyang may butil butil ng tubig kanina pero bakit ang init ng pakiramdam nya at lalong nangatog ang kanyang tuhod. Napapikit pa sya ng mariin ng amoyin nito ang kanyang buhok banda sa kanyang taynga.
"K-kakainin mo ba ako?" Nanginginig ang labi nyang tanong habang nakapikit parin. Ramdam na ramdam nya ang matigas nitong dibdib sa kanyang likoran.
"Magpapakain kaba emmm?" Bulong nito at mahina pang binugahan ng hangin ang kanyang leeg.
Napakagat sya sa ibabang labi ng hawiin nito ang buhok nya sa kanyang leeg at halos dumikit na ang mukha nito doon.
"I-isa lang ang masasabi k-ko sayo. H-hindi ako masarap kasi hindi pa ako naliligo." Nauutal nyang sabi at halos ibaon na ang sarili sa salamin.
Ngumisi ito kaya bahagyang lumitaw ang mapuputi nitong ngipin. "Ako naman ang kakain kaya ako lang ang nakakaalam kong masarap ka o hindi." Anito na tinutukso tukso ng amoy ang kanyang leeg.
Naluluha na talaga sya sa takot.
'Diyos ko, alam kong asal demonyo sya pero hindi ko po alam na totoo palang demonyo sya. Huwag mo po akong ipakain sa kanya.' Umiiyak na nyang panalangin. Anong malay nyang may kakambal pala si Lucifer na pinapanood lang nya sa netflix. Ang pinagkaibahan lang nila ay maputi ito at hindi pula ang mga mata. Nasisilip din nyang maputi ang ngipin at hindi parang dilaw na may pangil.
Shit! Lalabas ba ang pangil nya pag kinagat nya ako?! Bulalas nyang tanong sa isip.
Hindi nya namalayan na humahagulgol na pala sya sa iyak.
"Lord ayaw ko pang mamatay. Patawarin na po ninyo ako sa aking mga kasalanan. Basta ilayo nyo lang po ako sa demonyo." Sobra ang panginginig nya habang nanalangin.
"Sa tingin mo ay may magagawa ang Dyos mo pag kinain kita ngayon emmm." Nanigas sya ng dilaan nito ang leeg nya.
"Huwag po! Hindi po ako masamang tao. Parang awa nyo na. Ibibigay ko lahat ng gusto nyo huwag lang ninyo akong kainin." Pagmamakaawa nya.
"Pero nagugutom ako."
Mabilis nitong hinawakan ang dalawang pulsohan nya ng akma syang papalag ng samyohin sya nito sa kanyang leeg at inipit syang lalo sa salamin para hindi sya makawala dito. Sa lakas at laki ng katawan nito ay wala syang nagawa kundi ang umiyak.
"Alam mo ba ang ginagawa ko sa mga taong hindi marunong sumunod hmm.." anito na inaamoy ang kanyang buhok.
"Patawarin mo na ako kung nagambala kita. Please... pakawalan mo na ako. Ayaw ko pang mamatay." Pakiusap nya. Luhaan nyang tinignan ito sa salamin. Buong mukha nito ay puro Kulubot ang balat at halos pumikit ang isa nitong mata at wala ding buhok ang mga kilay.
Para lang itong nasunog dati.
Natigilan sya sa naisip kaya napatitig uli sya dito kaya nagtama uli ang kanilang mata.
Wala sa loob na humarap sya dito. Taas baba ang kanyang dibdib. Wala na syang pakialam kahit pa wala ng madaanan ng hangin ang pagitan ng kanilan katawan. Kahit pa dikit na dikit na ang kanyang dibdib sa hubad nitong katawan.
Nanginginig ang kamay na inabot nya ang pisngi nito. Medyo nag alangan pa syang idampi ang mga daliri doon dahil baka masaktan nya ito. Napalunok sya ng dumaiti ang mga daliri sa mukha nito. Ramdam nya ang init na balat nito.
"Hindi ka demonyo?" Wala sa loob nyang bulong na titig na titig parin sa mukha nito.
Nakatitig din ito sa mata nya at nakita nya ang pagtaas baba ng lalamunan nito.
"Sabihin mo sa akin, hindi ka immortal diba?" Naniniguro nyang tanong.
"Papaano mo nasabi?" Paanas nitong tanong habang pasalit salit sa kanyang mata at labi ang mga mata nito.
"Dahil nararamdaman ko ang dugo mo." Giit nya. "Sabi nila ang mga bampira at demonyo daw ay malamig ang temperatura pero ikaw--" bumaba ang mga kamay nya sa balikat nito pababa sa braso at malayang dinama ang init nito. "Mainit ka nga eh." Hindi nya alam kung may himig pagtataka ba ang boses nya.
Napangisi ang kaharap at mas iniyuko pa ang ulo sa kanya kaya halos magdikit na ang kanilang mga noo.
Hindi nya namamalayang nawawala na pala ang kanyang takot at unti unting napapalita iyong ng kuryosidad.
"No sweetie, I'm a demon." Anito. Napatingin sya sa labi nito. Kung mayroon man sigurong maayos sa mukha nito iyon ay ang mapupula lang nitong labi.
Napasimangot sya, "bakit mainit ka?"
Tumawa ito habang tinutuyo ang kanyang pisngi pero hindi nya iyong pinansin. Mas tutok sya sa magiging sagot nito. "Kahit sinong demonyo ay mag iinit sa lapit natin ngayon sweetie at ramdam na ramdam ko ang kalambutan ng dibdib mo ngayon." Anito na kinindatan pa sya ng mata nitong hindi singkit.
Naningkit ang mata nya at saka ito itinulak pero maagap nitong hinapit ang kanyang baywang kaya naglanding ang isang kamay nya sa hubad nitong dibdib at ang isa naman ay napakapit sa braso nitong kulubot din kaya napasinghap sya.
"Sorry, hindi ko sinasadya, masakit ba?" Bigla syang nag alala. Baka kasi masakit ang mga iyon pag nahawakan.
Ang isang braso naman nito ay makinis.
Umiling ito bagkos ay kitang kita pa nyang ang pagkaaliw sa mukha nito.
"Tsss... nakakainis ka naman. Bitawan mo na nga ko. " masungit nya itong itinulak pero hindi sya agad pinakawalan.
"Kakainin pa kita." Nanunukso ang mga ngisi nito.
"Tse! Mapait ako kaya hanap kana lang ng ibang kakainin mo." Ganti din nya. Nakahinga na sya ng maluwag dahil hindi pala ito isang immortal kagaya ng nababasa nya.
Gusto nyang matawa pero pinipigil nya ang sarili. Haha.. Lasing pa yata talaga sya dahil kung ano ano ang iniisip nya.
"Why are you grinning?" Tanong nito na sinilip pa talaga ng kanyang mukha.
Napakamot sya sa kanyang ulo. "Ang tanga ko lang kasi para isipin na immortal ka." Nahihiya nyang amin. "Sorry ha. Hindi pa siguro ako nahuhulasan kaya kung ano ano ang kababalaghan na pumapasok sa isip ko."
"Yeahh... you are stupid." Anito na napanguso pa.
Nahampas nya ito sa dibdib. "Makastupid ka dyan! Bitawan mo nga ako." Aniya uli na pilit ng kumakawala dito.
Mas hinigpitan nito ang pagkakahapit sa kanya kaya natigilan uli sya. "Hindi kana ba natatakot sa akin?" Matiim itong tumitig sa mga mata nya."
Napakagat sya sa ilalim ng kanyang labi. "N-natakot ako kasi ang akala ko talaga ay kakambal ka ni Lucifer na pinapanood ko." Nahihiya nyang amin. "At akala ko ay kakagatin mo talaga ako."
Napatawa ito.. tsss... parang si Lucifer talaga pag tumawa. Demonyo!
"But I really want to bite and eat you sweetie." Binasa pa nito ng laway ang labi.
Napasimangot uli sya. Buong lakas nya itong itinulak at nakahinga sya ng maluwag ng binitawan na sya nito ng tuluyan pero hindi ito lumayo sa kaya sya na ang gumilid para makalayo dito.
Niyakap nya ang sarili at sinadyang takpan ang dibdib. Iniwas din nya ang mga mata dito dahil tanging puting towel lang ang takip ng bandang ibaba nito.
"N-nasaan pala iyong damit ko?" Tanong nya na kunyari ay iginala ang tingin sa paligid.
Narinig nya ang pagbuntong hininga nito. "Take a bath now, ipapadala ko nalang dito iyong damit mo."
Napatango nalang sya at mabilis ng lumabas sa walk in closet nito. Pagkalabas na pagkalabas nya ay parang doon palang sya nakalanghap ng hangin. Napapikit sya at napahawak sa tapat ng kanyang dibdib.
Ang lakas ng kabog!