Chapter 15

1398 Words
"Gerald sabotaged our transaction in Vietnam and it will have a big impact on our organization. So we have decided that this will be our last transaction so we can't afford to loss this opportunity this time. If we can't make it right, the organization will definitely suffer or worst, baka tuluyan na tayong mabuwag." Renzo said seriously. Namomroblema sila dahil sa pagbaliktad ng isa nilang tauhan at maaring mawalan ng tiwala sa kanila ang iba nilang investor "So what is the plan now?" Tanong ni Dark. "Ikaw ang mamuno sa isang grupo at ako sa isa. Piliin mo ang mga taong isasama mo. We need to be extra careful now, we couldn't afford another problem. Patayin nyo lahat ng haharang sa inyo. If something happened you should report immediately to me." "How about Gerald?" Tanong naman ni Dark. "I want him dead. Gawan nyo ng paraan kung papaano sya mapapatahimik bago pa sya kumanta ng kung ano ano." Nag iigtingan ang kanyang panga. Hindi sya mangingiming pumatay kung sa mga kagaya lang din nitong traydor. Kaya nyang ibuwis ang kanyang buhay para sa kanyang mga tauhan na matatapat sa kanya dahil ganon din ang ginagawa ng mga ito. Pero kung tratraydorin sya ay hindi din sya mangingiming ipapatay ang mga ito. "Okey.. consider it done." Nakangising sabi ni Dark. Ring... Tinanguan muna nya si Dark bago sinagot ang tawag. His mom's calling. He took a deep sigh before answering his phone. "Yes mom?" Tanong nya habang minamasahe ang kanyang noo. "Kailan kaba uuwi dito sa bahay?" He felt the longing in her voice. He close his eyes. Balak kasi nyang magdamag na naman magtrabaho ngayon. Gusto nyang taposin ng mas maaga ang trabaho nya para sa binabalak na bakasyon. Pagkatapos ng transaction nila sa China ay magpapalamig muna sila at doon palang nya masisimulan ang pagharap sa kanyang nakaraan. And about Shannon? Shit! Ano ba ang kanyang gagawin? Parang inalagaan ng batang si Abcde ang damdamin nya dito and it keep on hauting him. Parang wala syang karapatan para angkinin ito. After that blissful and steamy night they couldn't talk anymore nor even see each other because he flew to vietnam to fix the mess that Gerald made. God knows how much he wanted to go home knowing she got sick after that night at sya mismo ang mag alaga dito pero hindi nya pwedeng iwan nalang ang kanyang grupo sa alanganing sitwasyon. Habang nasa malayo sya ay gabi gabi syang dinadalawa ng kanyang panaginip na hindi nya alam kung ano ang ibig sabihin. "Anak, are you still there?" He forgot his mom on the other line. "Yes mom. Okey, see you tonight." Wala din naman syang magagawa kundi ang umuwi. "Okey.. I'll cook your favorite." Masayang sabi ng kanyang ina sa kabilang linya. Mabilis nyang tinapos ang kanyang mga pinipirmahan at saka na umuwi sa masyon ng kanyang mga magulang. Bumuli muna sya ng bulaklak pampalubag loob nya sa ina. "Oh son, I miss you very much." Maluha luhang salubong sa kanya ng ina habang yakap yakap sya. Medyo matagal na rin kasi syang hindi nagpakita sa mga ito. But don't get it wrong, there's no problem in his relationship with his family it's just that he seemed uncomfortable at home with them and he always wants to be alone. Dahil siguro din kakaiba ang itsura nya. Even in the mansyon before kasi he got bullied by their kasambahay, behind his back. At pag nakarating sa parents nya ay tinatanggalan ang mga ito ng trabaho kaya mas pinili nyang magkulong sa kwarto nya at si Manang Lourdes lang ang tanging pinapayagan nyang pumasok noon sa mumunti nyang mundo until he decided to move out at iyon nga ay nakahanap sya ng sarili nyang bahay at isinama nya si Manang Lourdes at ang asawa nito sa paglilipat nya. Noong una ay tutol ang kanyang mga magulang pero wala din naman nagawa ang mga ito. Sa pagbukod nya ng bahay ay doon na nagsimula ang pagbabago nya. Naging mas marahas na sya. Nag aral syang humawak ng baril at makipaglaban gamit ang lakas. At doon na sya nasali sa labanan sa under groud. Ginawa nya iyong hanap buhay dati habang nag aaral at natuto din syang magsugal. Lahat ng alam nya noon na pagkakitaan ay iligal. Laman sya sa casino kaya madali ang pagyaman nya at mula noong ay hindi na din nya kinukuha ng suporta mula sa magulang, financially. "So, kailan mo ipapakilala sa amin iyong girlfriend mo." Mapanuksong tanong ng kanyang ina habang nagkakape sila. "Mom, why are you so excited na magkagirlfriend si kuya." Inis na tanong ng kapatid. Tunawa ang kanyang ina. "Because it's time for him to settle down." Giit ng kanyang ina na ikinailing lang nya. Ito ang iniiwasan nya. "But we still need to make sure that she is not really a gold digger like other women na iyon lang ang habol sa kanya." Nakasimangot na sabi nito. Hindi parin sya umimik. For some reason ay totoo naman ang sinabi nito. Marami na ang nagkakagusto sa kanya dahil sa pera nya. Hindi naman na siguro nya kailangan pang sabihin kung bakit. Pero iba si Shannon. Ito lang ang bukod tanging naglakas loob na haplosin ang kanyang mukha ng hindi ito natatakot o nandidiri man lang. Bukod sa pamilya nya ay ito lang din ang bukod tanging iniyakan sya dahil may pasa sya. Pero ang masakit lang ay may nagmamay ari na dito. " Mom, Shannon and I are not officially couple and I have no plan for us to get there. We just-- you know, enjoying each other." Sabi nya sa ina para hindi na ito umasa. "Pero anak, sa nakikita ko naman parang may paki din sya sayo. Hindi ka nya gagamotin at iiyakan kung wala syang nararamdaman sayo. Inaway nya pa nga ang mga pinsan mo dahil ang akala nya ay pinabayaan ka nila." As he expected. Naikwento na ng mga pinsan nya lahat ng nangyari. "Mom. Masyado pang maaga para masabi natin na may nararamdaman na nga sya sa akin. Maaaring nasisilaw din sya sa karangyaan na mayroon ako. Tama si Monica. You know, Shannon is just a simple girl at galing din sa mahirap na pamilya. Isa lang din syang ordinaryong guro sa paaralan natin. At malay mo, pera ko lang din ang habol nya. Sa tingin nyo ba kung wala akong pera ay magugustohan nya ako?" Mapait nyang tanong pero bawat salita na binibitawan nya ay parang may acido na kinakain ang dibdib nya. Nahihirapan sya na tanggapin na ganon ang dalaga pero kailangan na nyang umiwas. Ngayon palang. "Anak huwag kang magsalita ng ganyan. Huwag mo syang husgahan. Kilalanin mo muna syang mabuti baka pagsisihan mo pagdating ng araw." Malungkot na sabi ng kanyang ina. Napabuga sya ng hangin. Parang may batong nakadagan sa kanyang dibdib. Dream.. "Yaya, pwede po bang kargahin ko sya." Pakiusap ng maliit na si Abcde sa kanyang yaya habang nakaupo sila sa mahabang sofa. Ngumiti sa kanya si yaya Grace. "Sige, dito ka umupo." Tumayo ito at pinalipat sya sa tabi ng arm rest ng sofa. Naglagay pa ito ng unan doon. Kitang kita sa mukha nito ang pagkaexcited. Nang makita ng kanyang yaya na handa na sya ay dahan dahan na ibinaba nito si baby Shan-shan sa maliliit nyang bisig. "Wow.. she's so tiny yaya." He feels inlove over and over while he carried baby Shan-shan. Pinatakan nya ang mauumbok nitong pisngi ng halik. He even got addicted kissing her, in her lips and cheek. Ang bango nya.. "Please grow up quickly baby. I'm so excited to be with you everyday, everynight. I will take care of you like my dadi does to mami." Hah! Hah! Hah!!! Napabalingkwas ng bangon si Renzo ng dalawin na naman sya ng kanyang panaginip. "s**t! Who are you? Why you are always in my dream." Napahilamos sya sa mukha. Ayon palang sa nalalaman nya ay ang batang si Abcde ang kasama nya sa sunog noon. "Don't you want me to love her kaya hindi mo ako pinapatahimik? Pakiramdam mo ba ay inaagaw ko na sya sayo? You are already dead so why are you still bothering us anong gusto mong sabihin?" Nahihirapan nyang tanong. Bumangon sya sa kama at tinungo ang shower para mahimasmasan sya. "s**t! s**t! s**t!" He frustratedly curse. "I really miss her." Gustong gusto na nyang puntaha ang dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD