“Pumunta k aba sa orphanage nung isang araw?” pagalit kong tanong sa kanya “Hindi, saang orphanage ba yang sinasabi mo!!” pagsisinungaling nya, mas lalo ko naman hinawakan ng mahigpit braso nya “Mark!!!” reklamo nya sakin habang pilit nya tinatanggal yung kamay ko sa braso nya. “Sinira mo na buhay ko, ginamit mo ako para mapalapit kay Kaerel, alam ko naman na si Kaerel talaga ang gusto mo, pero hindi ako papayag na pati buhay at relasyon ni Kaerel sisirain mo! Wala ka na ba talagang ibang alam gawin kundi mang gamit at manira ng relasyon??!!!” sigaw ko sa kanya, hindi naman maipinta yung reaksyon nya dahil sa mga sinabi ko, nakatitig lang sya sakin habang kunot na kunot ang noo nya. “Alam kong kinausap mo si Jeon! Alam kong may sinabi ka sa kanya na puro kasinungalingan! Hindi ka na ba

