KAEREL POV Nakangiting pumasok naman si Mark sa guest room kaya medyo napikon ako. “Ikaw ba Dewei? Wala kayong lakad ni jeon sa 14?” tanong ko habang nag lalagay kaming dalawa ng mga baso na ginamit namin dito sa lababo “May lakad kasi ako non, may date kaming dalawa ni mama, saka time na din siguro para makapag enjoy si Jeon sa 14” sagot nya sakin “Bakit? Hindi ba nya naeenjoy ang Valentines?” tanong ko “Nope, schedule nya every valentines day, mag dadate silang dalawa ng Kuya nya sa umaga then pagkatapos nila kumain dun na agad ang deretsyo nya sa flower shop para bumili ng paborito mong bulaklak at dalhin sa puntod mo “ sagot nya sakin, medyo kumirot naman puso ko. “Alam mo Kaerel, simula nung nalaman nya na buhay ka, ngayon ko lang nakikita yung mga ngiti nyang abot hanggang teng

