DEWEI POV Makalipas ang ilang oras, “Dewei, tawagin mo na sila Jeon, aalis na tayo” sabi ni Sir kaya agad ako tumugon at hinanap ko sila isa isa, sakto naman nakasalubong ko si Mark na may dalang kahon. “ Mark? Nakita mo ba si Jeon?” tanong ko sa kanya “Kanina sabi nya pupunta daw sya dun sa sasakyan kasi may kukunin daw sya tapos yun hindi ko na sya nakita” sagot nya sakin tapos dumeretsyo na sya sa paglalakad kaya napakamot naman ako sa ulo ko, agad naman ako pumunta sa parking lot, kaso wala akong jeon na nakita, sinilip ko din yung loob ng sasakyan sa pag babakasakaling andun sya kaso walang kalaman laman yung loob. “san naman kaya pumunta babaeng yun?” asar kong tanong sa sarili ko habang kakamot kamot sa ulo ko. Kinuha ko naman yung phone ko at agad idinial yung number nya kas

