"Anong akala n'ya, hahabulin ko s'ya? mukha n'ya. Akala mo kung sino?" ani Jasper habang naliligo at inis na inis dahil pagkauwi nila sa pent kumuha lang ng gamit si Madison sa kuwarto nila saka ito walang imik na muling lumabas at nag tungo sa kuwarto ng mga bata. Inis na binato ni Jasper ang hawak na sponge bath na puno ng bula sa inis sabay tingin sa pintuan ng banyo na naka sarado. "Kainis!" hiyaw pa n'ya saka tinapos na ang paliligo at lumabas na ng banyo. After mag suot ng boxer short at pinatungan lang ng robe na hindi na pinag kaabalahang itali lumabas na muna ng kuwarto si Jasper dahil masyado pang maaga na matulog. Dumeretso s'ya sa mini bar n'ya at nag salin ng alak sa baso bago tinawagan ang GC nilang magkakapatid kasama si Cloud na isa-isa naman bumukas ang camera at muntik p

