Walang choice si Madison kundi sumama sa mga kidnapper ng harangin ang sasakyan nila. Kung tutuusin kaya naman silang protektahan ng mga bodyguard nilang kasama ngunit may natanggap s'yang video galing sa isang dating katrabaho. Isang video na may ikinakabit sa ilalim ng sasakyan nila na according naman sa message na natanggap ay isang detonator bomb ang inilagay sa ilalim ng kotse. Nangtanungin naman n'ya ang mga guard nila kung na siraan ba ang mga ito kanina. Oo daw, naflatan daw ang mga ito ng dalawang gulong kanina kaya dinala sa talyer na malapit sa school ng mga bata habang nasa loob daw s'ya. Nag-isip pa naman s'yang ng ibang way pero wala talaga s'yang maisip na paraan. Kung lalaban ang mga bodyguards nila tiyak na baka malagay sila sa alanganin mag-iina pero kung itatakbo naman

