"Puwede ko po bang mahiram yung motor na yun?" turo ni Madison ng mapansin ang isang magarang big bike sa garahe. Nag katinginan pa ang mag-ina na alanganin pa kung papayag ba o hindi. "Kaya ko pong mag maneho ng kahit anong sasakyan pangako po ibabalik ko na walang galos." "Hndi naman problema ang motor ang problema hija baka ikaw ang magasgasan kami ang awayin ng asawa mo." "Please po." napabuga naman ng hangin si Aira na senenyasan ang isang guard at ipinakuha ang susi ng Ducati bigbike. Ilang minuto lang bumalik na ang guard at inabot na ang susi kay Madison. "Mag-ingat ka sa pag mamaneho hija, wag naman sana sa akin magalit ang biyenan mo at asawa mo." wika pa ni Aira. "Mag-iingat po ako at ibabalik ko rin po agad ang motor." sumama naman si Abby sa kanya para pahiramin naman s'

