Gustong matawa ni Jasper sa mga anak na kanina pa masama ang tingin sa kanya mula pa ng nasa biyahe sila hanggang makauwi ng penthouse, nalinisan na n'ya at lahat ng katawan ang mga ito at inihiga na sa kama ang sasama pa rin ng tingin ng mga ito pero wala naman nag sasalita. Dinadaan s'ya sa tingin na kala mo naman ang laki ng ginawa n'yang kasalanan. "What? Parang gusto n'yo na akong kainin ng buhay. Spil it out! Anong problema n'yo?" "Bakit mo po hinalikan si Mommy?" tanong ni Jasper. "'Di ba gusto n'yo ng goodbye kiss." sagot ni Jasper na napalingon kay Heather na tumayo sa kama at nag lakad patungo sa amang nakatayo sa gilid ng kama sabay halik sa pisngi. "Ganun lang po ang goodbye kiss, Daddy." ani Heather na tinawanan naman Jasper na nilingon ang anak na babae na muling inihigan

