Tulala na lang si Jasper habang naka upo sa sahig sa labas ng operating room habang masaganang na agos ang luha na walang ampat simula ng isugod sa hospital si Madison. Nagawa itong i-revive ng rescue team na kasama na nila, kung mas napa aga lang siguro ang pag dating nila baka hindi nag-aagaw buhay ngayon ang asawa n'ya. Ang babagal kasi kumilos ng mga pulis hindi sila maka alis ng sila lang dahil magkakaroon ng malaking problema. Kaya sumunod sila sa protocol sana hindi na sila sumunod sa protoccol. "Sino ang asawa ng pasyente?" sigaw ng isang nurse na lumabas mula sa operating room. "S'ya po." mabilis naman napatayo si Jasper ng marinig ang tanong ng nurse. "Kailangan n'yo pong pirmahan ito." inabot ng nurse ang isang papel. "Kailangan pong alisin ang baby." "What?" "Basta pirm

