Kumaway pa si Jasper ng pumunta ito sa unahan ng stage kung saan meron pekeng snow na nalalaglag sa ulunan ng mga ito. Ngumiti naman si Madison na kumaway habang naka-upo s'ya sa isang table kasama ang magulang ni jasper at ang mga anak nila. Mukhang si Jasper ang mag lelead ng kanta dahil ang pag kaka alam n'ya si Cloud ang lead vocalist ng grupo ng mga ito noon. Napapalakpak na lang din s'ya ng marinig ang kantang aawitin ng mga ito. Itong awiting ito Ay alay sayo Sintunado man tong Mga pangako sayo Ang gusto ko lamang Kasama kang tumanda Napangiti si Madison ng mag simulang gumiling ang mga ito habang may kanya kanyang mic stand sa harapan. Sanay s'ya na may mga music instrument na gamit ang mga itong ginagamit pero ngayon sumasabay lang sa minus 1 na kanta. Patatawanin kita P

