Hinayaan naming makapagpahinga muna ang Senyor sa kaniyang kwarto. Tumuloy kami sa library ngayon ni Hakim, nakaupo siya sa swivel chair ng babasaging desk at nakaupo naman ako sa tapat niya.
May mga nakakakalat na papel sa harap namin at naka on ang isang computer.
Kinikwento niya sa akin ang mga naging usapan nila kanina habang ipinagpapatuloy namin ang paghahanap doon sa lalaking nakabuntis kay Lianna Untalan.
"Alam kong epektibo talaga plano natin. Akala kasi nila puro ako bulakbol," iling ni Hakim. "Hindi mo lang alam kung gaano ako kinamumunghian ng matandang iyon dahil ginigugol ko ang buhay ko sa pagsasaya," his lips twitched, the irritation on his face grew bigger.
Nakalagpas na kami sa stage na 'to pero hindi pa rin niya mapigilang mag rant. Naiintindihan ko naman dahil muntikan na ring mawala ang buhay niya sakanya.
"Hell, teenage life isn't quite as long as I had expected. I'd die pleased knowing I had no regrets if I ever lived my life this way...smoking, getting wasted, dancing at clubs, kissing girls... I'd die peacefully knowing that I've lived my life the way I'd like it to be,"
Ngumiti ako. "Masaya akong masaya ka sa pinili mong paraan para gugulin ang buhay mo. Kung tingin mong walang nakaka appreciate no'n... alalahanin mo nalang ako,"
His face softened as if I touched a part of him. The corner of his lips rose a bit, namamangha.
"You know, you're so easy to love, Rio. I wonder if you've ever had a secret fling or boyfriend," halakhak niya. "Galing mong magpakilig eh?"
Naramdaman ko agad ang pamumula ko dahil sa sinabi niya. Easy to love? Ako? Parang hindi naman. Tingin ko nga mas nagiging miserable pa ang mga buhay ng nagmamahal sa akin.
"Wala pa akong nagiging gano'n..."
"Now, I'm kind of ashamed that you're wasting your sweet words to me. Hindi naman ako deserving,"
"Hindi naman, Hakim! Huwag mong sabihin 'yan,"
"Okay lang. Habang fiancé pa kita pwede mo naman akong pag practice-an. Willing naman akong magpagamit," he laughed heartily.
Sumimangot ako at umiling. "Wala naman akong pag gagamitan kaya hindi kita gagamitin,"
Matagal bago siya nagsalita. Nag iwas ako ng tingin at kunwaring inabala ang sarili sa pagbabasa ng mga papel.
Bigla yatang nagbago ang atmospera at nagseryoso si Hakim.
"You'll never know, love," his voice was serious but not intimidating. "You'll find love one day, and that love will treasure you as much as you deserve and you will remember our conversation,"
Hindi ako nakakibo. Hindi naman ko sigurado kung darating nga ang panahon na 'yun. Siguro sa dami nang nangyayari sa buhay ko kontento na ako sa ganito. It's a lot better now than it was a few years ago.
"Maghanap na nga tayo," utas ko.
Lumabas kami noong matapos kami sa tanghaling iyon para makipagkita sa pinsan na sinasabi ni Hakim. 'Yung tumutulong sakanya sa paghahanap at nagpatuloy sakanya noong nakaraang gabi.
Ngayon narito kami sa tapat ng bahay niya sa isang eksklusibo at maliit na village sa Bolinao. Sobrang secured ng lugar na 'to at tingin ko'y mga milyonaryo lang ang naninirahan sa mga bahay na nakikita ko. Magkakalayo rin ang mga ito kaya naisip ko medyo nakakatakot maglakad pag gabi na rito.
Mga ilang oras din bago kami nakarating dito. Akala ko nasa Balungao lang din sila dahil minsan magkakalapit ang tirahan ng mag anak sa isa't isa. Pero sabi ni Hakim may mansyon din naman ang mga 'Ruamero' sa Balungao kaso minsan lang nila iyon inuuwian. Tapos itong pinsan niya ay independent at piniling magtrabaho ng hindi umaasa sa magulang.
Bumukas ang itim na gate. Sa sobrang tangkad noon nasarhan na nito ang first floor ng bahay. Kaya makikita mo lang ito kapag nakapasok ka na.
Siya mismo ang sumalubong sa amin. Hindi na ako nagulat na walang katao tao sa loob. Ni helper o driver wala.
"Rio, this is Maverick, my cousin. Mav, this is Rio dela Carcel,"
He stretched his hands to me and I accepted it immediately.
"Mavy,"
"Rio..." and we let go of each other's hand but his gaze remained on me.
Matangkad din siya at naghihimutok ang muscles sa biceps niya. Naka clean cut ito, kayumanggi ang kulay ng balat at may pagka seryoso. Kung may pagkakatulad man sila ni Hakim sa pisikal na anyo, iyon ay ang mga mata nila. Malalim ang mga ito at nang iimbita.
If I was a curious girl, he'd get me easily by just staring at me like what he's doing right now.
Tinapik ni Hakim ang dibdib ni Mavy kaya naputol ang tingin sa akin.
"I know your types Mav, but Rio's not interested," Hakim chuckled.
Banas na tinanggal ni Mavy ang kamay niya at inimbitahan na kaming pumasok sa loob.
Two storey ang bahay at may nakamamanghang disenyong arkitektura. Hindi ko nga alam kung paano nila kinurba ang mga mahihirap na detalye sa pader at paano nila ito plinano. Maganda rin ang design ng landscape at may mga halamang nakadisplay sa gilid ng bahay at sa haligi nito.
Sa loob, malawak na sala ang bumungad sa amin. Kulay puti, itim at abo ang magkakakombinang pintura ng mga pader at kagamitan. Halatang panlalaki ang bahay at walang... balak mag asawa.
May malaking flatscreen TV na nakakabit sa puting pader, ang mga sofa ay kulay abo at ganoon din ang floor mat. Sa isang tabi may divider para sa lalagyan ng mga mamahaling alak, ang chandelier ay tamang sukat lang pero nakakaagaw ng pansin.
"Fill me in, Mav,"
Naupo ako sa tabi ni Hakim. Si Mavy naman ay may kinuhang laptop at ipinatong sa glass table. May pinindot pa siya roon bago iharap sa amin ang screen.
"Kahapon lang nag send ng footage copy 'yung mga hiningian mo noon. Pinag aralan kong mabuti ang lahat ng nahagip ng camera,"
Isang CCTV footage ang nagpiplay sa screen ng laptop. Sa harap ng isang hotel iyon nakatapat at marami ang taong labas pasok doon.
Pinause ni Maverick ang video, tamang tama lang sa paglabas ng isang lalaking naka leather jacket. For a moment, he was very familiar to me.
"That person... in a black leather jacket seemed to be everywhere. And when I looked up at the copies of our tracing system, I merely confirmed it. Nasa eksaktong lugar at oras din siya noong tiningnan kong mabuti ang CCTV footages,"
"Then who's our guy?"
Umayos ng upo si Mavy at tiningnan kami. "That, we don't know yet,"
Bumalik ang tingin ko sa screen. Nagtama ang kilay ko sa biglang pumasok sa isipan. I'm not sure if he's that guy but what if... I'm right?
"Pwede mo bang i-zoom in 'yung video?"
Sabay nila akong binalingan.
"At may colorized version din ba?"
"I'll check," ani Mavy at pinagdiskitahan ang laptop.
Habang busy siya roon, kinausap naman ako ni Hakim.
"Bakit, love? Kilala mo ba?"
Umiling ako. "Hindi ako sigurado pero mukhang pamilyar,"
"Anong pangalan ng suspect mo?"
I swallowed hard, almost not wanting to say it out loud. "Vern Alejo,"
Namilog ang mata ni Hakim at napasulyap din sa akin si Mavy.
"Anak ng isang politiko sa Maynila," Mavy stated.
"Of course, I know him," buntong hininga naman ni Hakim at hinilot ang sentido. "That drug addict son of a b***h!"
"Well, maybe you have guessed it right," hinarap ulit ni Mavy ang screen sa amin.
Naka zoom in na iyon at colorized na rin. Mula sa hugis ng panga at mata, nakumpirma kong si Vern Alejo nga iyon. Ang lalaking kinababaliwan ni Ate Dian.
"I've heard that he's a drug addict, and there are other issues to mention. If I'm not mistaken, he's your sister's supposed ex-boyfriend?"
"Tss!" iritadong singhal ni Hakim.
"Uh... wala namang kinumpirma si Ate Dian na ganoon..."
"Well, his family's statement about him being sent to a rehabilitation institution is still making the rounds in publications. Hot topic?" his brow shot up. "However, I believe he has gotten away and is currently on the run,"
"Ha! Wala siyang ka alam alam na nakabuntis siya ano? That fucker has no idea that we're looking for him!"
"Ngayong marami na tayong bala, madali nalang siyang mahuli. I think I got so bored that I've memorized all his hideouts," mayabang na ani Mavy.
Hakim's lips twitched. Tiim na tiim ang bagang niya at halos matunaw na iyong screen ng laptop sa nagpupuyos niyang mga mata.
Ngunit ang isip ko'y naglalaro sa kung anong magiging reaksyon ni Ate Dian kapag nalaman niya ito. She has a big attachment to him. Paano niya ito iti-take in kung sakali?
Nasa harap ko ang makulimlim na kalangitan. Mula sa malawak na glass window sa kitchen ng bahay ni Mavy hindi ko mapigilang hindi magmunimuni.
Nagluluto ako ng meryenda namin habang naroon parin sila sa sala, nagpaplano na kung paano nila huhulihin si Vern Alejo. Kaya habang abala sila roon nagpaalam ako kay Mavy kung pwede bang gamitin ang kusina niya.
Wala akong masabi sa sobrang linis ng bahay. May maaliwalas na parte at minsan may hindi dahil sa pintura. Mabuti nga lang at hinayaan ako ni Mavy na maglilibot libot dito at magluto pa. Naisip ko kung hindi ba siya nalulungkot dito? Mag isa lang siya sa malaking bahay na ito at malalayo pa ang mga kapitbahay niya.
'Yun nga lang nag iba lang ang pananaw ko nung may nadungaw akong kulay puting tela na mukhang naiwan sa dining chair at nakatago sa ilalim ng lamesang gawa sa matibay na uri ng kahoy.
Ginalaw ko iyon at nakumpirmamg isa 'yung panty.
Ngumiwi ako. May print iyong dalawang unicorn sa harap at sa taas may naka quote pa na 'unicorns in love'. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. Hindi rin naman pala gaanong malungkot ang buhay niya rito sa inaakala ko.
Iniwan ko iyon doon at mas minabuting kunin nalang ang cellphone ko mula sa bulsa ng suot kong jeans habang hinihintay na maluto iyong turon. Gumawa rin ako ng kamotecue. Tapos na iyon at tinakpan ko lang ng food cover para lumamig.
Naisipan kong tumawag sa mansyon namin sa Maynila upang kumustahin sila. Sa loob ng dalawang linggo minsan lang yata ako nakatawag sa kanila at mabilisan pa dahil kailangan naming magpatuloy sa paghahanap ni Hakim noon.
"Hello? dela Carcel's line po,"
"Ate Letty..." ngiti ko noong marinig ang boses niya.
Hindi niya napigilang mapatili pagkabati ko.
"Miss Rio? Miss Rio! Kumusta ka na?"
"Okay lang po, Ate! Kayo po?"
"Okay na rin naman ngayon,"
My smile faded. "May... nangyari po ba?"
"Ha? Naku, wala naman Miss Rio..." medyo nag aalinlangan niyang sagot.
"K-Kumusta rin po sila Bea? Manang Sonya? At iba pa pong kasambahay riyan?"
"Wala kayong dapat ipag alala, Miss Rio. Maayos kami rito,"
Nakahinga ako ng maluwag dahil sa narinig.
"Mabuti naman po kung ganoon,"
"Grabe na ang takaw ni Thor, Miss. Nakakailang plato yata siya ng dog food sa isang araw,"
Humagikhik ako at nilipat na ang mga luto nang turon sa serving plate.
"Ganoon po ba. Baka pag uwi ko riyan ay mas malaki na siya sa inaasahan ko,"
"Ganoon na nga, Miss. Kaya huwag na kayong magtaka,"
"Si Heimdall naman po kumusta?"
"Ayun at magbestfriend nga talaga sila ni Thor. Malakas na siya at magana sa pagkain,"
"Nakakatuwa naman pong marinig 'yan," natuwa ako sa isiping may katuwang si Thor sa mga kalokohan niya.
"Diyan ba, Miss Rio? Hindi kayo nabobored? Mabait ba 'yung si Hakim Barrios?"
"Mabait naman si Hakim. May napulot nga po kaming biik na siyang inaalagaan ko ngayon,"
"Talaga, Miss? Eh 'di mabuti pala at may iba lang pinagkakaabalahan diyan?"
"Oo nga po eh,"
"Siguro natuto na rin kayong mangabayo?"
Nahinto ako at naalala si Loki... at pati na rin si Juandro.
Pilit kong tinatakpan ang mga isipin ko tungkol sakanya ng mga ginagawa namin ngayon para sa paghahanap kay Vern Alejo, pero hindi ko mapigilang hindi iyon isipin.
Hindi ko natanong kay Hakim kung bakit nga ba galit na lumabas si Juandro mula sa silid na iyon kasama sina Senyor Manuel. Pero gusto kong malaman kung bakit bigla siyang nagkaganoon.
"Hinayaan akong mag alaga ng isang kabayo rito. Nailabas ko na rin siya pero hindi ko pa nasasakyan. Siguro sa mga susunod na araw magpapaturo na ako,"
Naisip kong kay Juandro nalang din ako magpapaturo kung hindi na siya galit. Hindi pa naman siya namamansin kapag wala sa mood.
Naputol na ang tawag ko sa Maynila bago pa matapos ang piniprito kong turon. When it's all finally ready to serve I went back to the boys and served them the food.
"Alam kong hulog ng langit si Rio pero hindi ka nga niyan papatulan, Maverick," pag irap ni Hakim sa kanya noong nagtagal ulit ang tingin niya sa akin.
Natawa ako at nilagyan ng juice ang kanilang mga baso.
"Naalala ko lang si Juandro. Pareho silang tahimik,"
"Parang tanga. Ikaw rin naman kasama sa samahan ng mga tahimik at pinglihi sa sama ng loob sa mundo,"
"Kung gusto kong pumutol ng dila ngayon, dila mo ang pipiliin ko," nagbabantang sabi ni Mavy.
Umupo ako ulit sa tabi ni Hakim at tiningnan ang plano nilang nakasulat sa papel.
"Oh diba? Juandro's silent like Rio but he's as mean as you. Kung may Kingkong sa Barrios may Godzilla naman sa Ruamero,"
"You're full of bull, H,"
"You're full of crap, M,"
Kung hindi lang siguro nanahimik nang tuluyan si Mavy baka kanina pa sila nag aasaran dito.
They planned to catch Vern Alejo in a small pub where he typically spends his day three times a week. Sa ibang araw wala raw siya roon at sa ibang maliit na club nagtatago. Isasakay nila siya sa kotse at dadalhin kay Governor Untalan para kausapin.
Ngayon ko lang nalaman na may alam ang gobernador sa paghahanap namin sa nakabuntis sa kanyang anak at suportado pa si Hakim dahil pinagkakatiwalaan niya rin ito.
He doesn't want to upset his daughter so he just supported Hakim morally kahit pa gusto niya nang magpakalat ng tauhan para matugis si Vern Alejo.
"Hindi ba 'to magmumukhang abduction? Lalagyan ng garbage bag sa ulo tas isasakay sa kotse?" saad ni Hakim matapos basahin ang pinal na plano.
"Why the hell would you imagine it that way?"
"Well, then how do we execute this?"
"After thirty minutes, when he's already tipsy, we'll follow him inside the pub. We'll pretend to be his buddies, hang out with him, and deal with his fluttering thoughts. We'll invite him to come over to my house once we've earned his trust. We'll bring her to Governor Untalan if he agrees," Mavy said as though he has anticipated this for a long time.
Nagkatinginan kami ni Hakim matapos noon. Hindi ko mapagkakailang may angking talino itong si Mavy pero para ngang wala lang sakanya ang pagkamangha ko.
"Well, this plan is very gay-ish-"
"At least it's effective. Can you think of anything else?"
"Very well then," sabay tayo ni Hakim. "Uuwi na muna kami ngayon, it's already late. I'll fetch you tomorrow at eight,"
"No. Six. Sharp."
"Seven!"
"I said, six,"
Hakim groaned and accepted his deal in the end. Nagpasalamat ako kay Mavy noong hinatid niya na kami sa gate. Nagpasalamat din naman siya sa akin. He's just casual but not friendly at the same time.
Noong binabaybay namin ang highway, kitang kita ko ang namamaalam nang araw sa silangang bahagi ng tanawin. Mabuti nalang at hindi tumuloy ang ulan kanina. Maganda ang repleksyon niyon sa mga ulap kaya sinubukan kong kumuha ng ilang litrato. Mabuti nalang at hinayaan ako ni Hakim at binagalan ang patakbo ng kaniyang Valkyrie.
Ginabi na kami ng uwi kaya naabutan na naming naghahapunan na sila roon sa dining area.
Maliligo pa sana muna ako pero pinatawag na kami ni Senyor Manuel para sabayan sila.
Nakaupo na ang matanda sa sentro ng mesa. Sa kanan niya ay sina Juandro at Ate Diana. Lahat sila'y napatingin sa amin pagkapasok namin sa entrada, maliban lang kay Juandro na nakapokus sa pagkain ngunit nakatiim ang bagam. They're all serious. And it looked as if there's something wrong in the weather. Nagmano muna kami sa matanda bago maupo sa tapat ng dalawa.
"Who's this guy?" tanong ng matanda habang abala sa pagkain. "Nabigyan niyo na ba ng pangalan?"
Inasistehan ako ni Jezel habang nagsasandok ng kanin. Nilagyan niya ng juice ang baso namin ni Hakim at sa isang baso naman ay tubig. Nagpasalamat naman ako sakanya.
Agad akong nanlamig sa tanong ng senyor. Ngunit mas nanlamig pa lalo ako noong walang patumpit tumpit iyong sinagot ni Hakim.
"Vern Alejo, Lolo. Anak ng politiko sa Maynila,"
Halos mamuti ang labi ni Ate Dian sa narinig niya. She stopped moving to take it all in. Para mahinuha niyang nakabuntis ng ibang babae ang lalaking kinababaliwan niya.
"How ironic?" the old man scoffed. "Dian, hija, now you'll believe how your father's plans were right for you,"
"That's impossible!" baling niya kay Hakim noong matauhan.
"Rio confirmed it. Maverick too,"
Kinagat ko ang labi ko at hindi maktingin sa kay Ate.
"And I know him. He's capable of doing that so don't be surprised anymore," ngumisi si Hakim sa huling pangungusap.
Sinamaan siya ng tingin ni Ate Dian. Hindi na siya kumibo dahil baka pa mamura niya pa ito sa harap ng kaniyang Lolo. Noong nagtama ang tingin namin, hindi ko alam kung makakahinga pa ba ako roon ng matagal.
"When will you catch the Alejo prince then, apo?"
"Hopefully, tomorrow, Lo,"
"Hopefully?" tumaas ang kilay ng matanda. "You're not sure if you'll catch him?"
Nagtangis ang bagang ni Hakim ngunit agad ding nawala nang binalingan siya ng senyor.
"For sure, Lo, we'll catch him. Besides, Maverick's with me,"
"You're a grown man and you still seek help from other people,"
"No, Lo. He offered to help, it's not easy to turn him down, he's got all the tools needed,"
"And you don't?"
"Well, half of my bank money's missing," he shrugged.
Senyor Manuel laughed without humor.
"Kapag nakapagtapos ka na at nakakuha ng degree, pinapangako ko sa'yong ibabalik ko ng buo ang pera mo... pwedeng sobra pa kung magpupursigi kang makatapos?"
"I despise schools, but it's all right. I understand. I understand what you're asking of me. I'm taking my life seriously now. Can't you see that I'm capable of settling? That I now have a fiancé? You're just trying to hurry me up... I hate it,"
Mahina ang tatlong huling salita ngunit narinig ko iyon.
"Hindi naman sa minamadali kita. Nakita ko lang kung paano kinamuhin ng Kuya ko, ang Lolo Markus niyo, ang pagpapakasal. Tingnan mo ang nangyari, nabaliw, walang katuwang na pamilya, mag isa,"
"Well, I will not kill myself just because I'm alone and sad,"
"Hakim, be sensitive," puna ni Juandro kaya't napatingin ako sakanya.
Hindi kailanman nagtagpo ang mata namin. Napayuko ako. May kung anong lungkot ang humaplos sa kaibuturan ko. Hindi naman siguro ako dismayado ng dahil lang doon. Pero kung tama ako, mukhang galit pa rin si Juandro hanggang ngayon. At sa mas malaking dahilan. Hindi ko lang alam kung ano 'yon.
"Why can't we just stop talking about dead folks and start the real conversation here?" naghahamong tiningnan ni Hakim si Juandro. "Like my engagement party with, Rio, Lolo?" he added and remained his eyes on Juandro.
"Are you dumb?!" Juandro almost lost it if only Senyor Manuel didn't raise his hand to stop him.
Ngunit ang galit sa mukha ni Juandro ay nanatili. Nangingitngit ang mga ngipin niya at mariin ang hawak sa kubyertos. Habang si Hakim ay nakangising tinitinidor ang ulam at ipinagsawalang bahala ang galit ng kaniyang Kuya.
"Calm it down, boys. We're in front of the ladies and you're giving them a bad show? Calm it down..." Senyor Manuel advised.
Tipid lang akong ngumiti sakanya ngunit bumagsak din ang tingin sa plato ko.
"About the engagement party... we'll have it prepared tomorrow so we can start it at night right away,"
Napatingin ako kay Hakim, mas nagbaga pa ang inis sa kaniyang mata.
"Alam niyong may gagawin ako bukas, Lo."
"Aabutin pa ba 'yan ng gabi kung nasa iyo na lahat ng tulong na kailangan mo? Finish it as soon as possible and go home early,"
"Alright! But I'd like to see representatives from various media outlets, authors, and publishers in attendance... I'd like to invite everyone we know. And I'd like our engagement party to be the week's most talked-about topic," he requested straightforwardly.
Napalunok ako at sinubukang kunin ang atensyon ng matanda na ngayo'y napangisi dahil sa sinabi ng apo.
"Mawalang galang na po... pero kasi... sina Papa hindi pa po nila alam ang tungkol dito,"
The old man chuckled. "Don't worry about it, hija. I have phoned them to tell them the news and they're so happy about it. Call them later to confirm it,"
I was surprised of what I've just heard. Totoo ba ang sinasabi ng senyor? Pero hindi naman siya 'yung tipo ng taong nagsisinungaling. Mukhang siya pa 'yung nagpapatalsik sa mga sinungaling.
"Sige po, Lolo,"
He liked it when I called him 'Lolo'. Hakim smiled at me with an assurance that we'll be fine.
"At iyong mga isusuot niyo pala, si Melba na ang inatasan ko para roon kaya wala na kayong dapat ipag alala. I'm sure Dian is very happy about her sister's engagement party,"
"You're never wrong with your judgment, Lolo," ngiti ni Ate Dian ngunit ngumiwi rin noong hindi na nakatingin ang matanda.
Sinulyapan ko si Juandro ngunit pinagpapatuloy lang niya ang pagkain kahit na mukha yatang pwede na niyang mabasag 'yung plato.
Kinasanayan ko na yata ang minu-minutong pagsulyap sakanya baka sakaling mahuli ko siya ngunit natapos na kami roon at lahat lahat ay hindi pa niya ako tinitingnan. His face was just plainly serious and his eyes were blank even when he's responding to his grandfather's questions.
Iniisip ko 'yun kahit pa pagka akyat ko ng kwarto. Sinasara ko na ang pinto nang pinigilan ako ni Ate Dian.
Galit siya, halata iyon sa postura niya.
"Ate!"
Sa sobrang gulat ko'y napahiyaw ako noong hinila niya ang buhok ko papasok sa kwarto ko at sinara niya ang pinto.
Nangilid ang luha ko sa sakit niyon..
"Ikaw! Ikaw!" duro niya sa akin. "Walang hiya kang traydor ka! Sisirain mo ba talaga ang buhay kong gagita ka!"
"Ate hindi ko naman- Ah!" napahiyaw ulit ako noong hinila niya pa ng mas malakas ang buhok ko.
Napaluhod ako sa sahig, parang gripong tumulo ang luha ko sa pisngi.
"Gusto ko lang... makatulong..." namamaos kong wika. "N-Nasasaktan ako..."
Tila nabulag si Ate ng galit kaya kahit anong pagmamakaawa ko'y hindi niya pinakinggan.
"Matagal na akong nagtimtimpi sa'yo! Kung hindi dahil sa'yo wala ako sa punyetang lugar na 'to! Masyado kang sipsip! Masyado kang plastik! Feeling mo santo ka!?" bulyaw niya sa mukha ko.
"Please... Ate... Bitiwan mo ako, please..."
"Sinira mo ang plano ko! Sinira mo ang buhay ko!"
Kumalabog ang pinto at naaninag ko ang anino ni Hakim. Malakas siyang napamura at inilayo agad sa akin si Ate Dian. Napasalampak ako sa sahig ngunit naririnig ko parin ang paninisi sa akin ni Ate Dian.
Inalalayan ako ni Jezel at Ate Maya. Naroon din si Manang Melba na sinasamahan si Hakim sa pagpapatahan kay Ate.
Napakalakas ng t***k ng puso ko at pakiramdam ko nadismaya ko nanaman ang sarili ko.
"I hate you! Don't f*****g touch me!" iyon ang huli kong narinig mula kay Ate noong inilalabas siya ni Hakim sa kwarto ko.
He took care of her while the rest were with me the whole night.
"Ipapapili sana namin kung anong gusto niyong suotin para bukas, Miss Rio," saad ni Jezel.
Nakatayo silang dalawa ni Ate Maya habang ako'y nakaupo sa gilid ng kama, naglalayag ang isip sa malayong bahagi ng kawalan. Kakatapos ko lang umiyak, akala ko hindi na ako matitigil, ngunit nakalimutan kong napapagod din pala ako. Ngunit kahit na ganoon, ang puso ko ang siyang hindi kailanman napagod sa pagdama ng sakit.
"Mas mabuti pang pagpahingain muna natin siya ngayon. Mayroon pa namang umaga, tanghali at hapon para rito bukas," pagpapasya ni Ate Maya.
"Salamat po. Pasensya na rin po," sabi ko at naisip na mas makakabuting bukas nalang isipin ang tungkol sa engagement party at sa susuotin ko.
Nagpaalam na sila at hinayaan na akong magmunimuni roon.
Malalim akong napabuntong hininga. Matagal pa bago ko napagpasyahang maligo. Ngunit kahit sa pags-shower ay tulala rin ako.
Ate Dian's words were like daggers, and they continue to pierce my heart, causing me to bleed profusely. And it hurts thinking that all of those words dwelling in my heart are true in some way.
Patuloy sa pagtulo ang luha ko. Tapos na akong maligo ngunit hindi pa rin sila paawat. Tingin ko hindi nanaman ako makakatulog nito dulot ng pag iisip.
Hakim texted me but I didn't reply back. Ilang saglit lang ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Papa.
I cleared my throat and wiped away my tears as if he'd saw all of it if I answered the call.
"Hello, Papa?" napapikit ako noong nanginig ang boses ko.
Matagal pa bago siya sumagot.
"Anak? Rio?"
"Opo, Papa," I bit my lip.
Narinig kong medyo maingay sa background. Hindi ko lang sigurado kung nasa urgent meeting siya.
"I wanted to talk to you as soon as my line with Senyor Manuel was cut but something came up... but now I have all the time,"
Hinilot ko ang sentido ko habang tulala sa kawalan.
"Totoo ba itong binalita niya? He said your engagement party will happen tomorrow. Totoo ba ito, hija? Kayong dalawa ni Hakim?"
"O-Opo, Papa..."
Namutawi ang katahimikan at tanging maingay na background lang ang naririnig ko. That's when I realized that there's no turning back for this.
Gabing gabi na ngunit nagtatrabaho pa rin siya? Kung walang problema sa aming negosyo nasa tahimik na kwarto na siya ngayon, nakahiga sa malambot na kama at katabi si Mama... pero hindi.
"I'm afraid you're aware of our situation here,"
I'm afraid I am but I am doing this for you.
"No..." sambit niya nang may mapagtanto. "No, you don't have to do this, Rio. Hindi mo kailangang isali ang sarili mo rito,"
"Alam ko ang lahat, Papa," pinigilan ko ang paghikbi nang magsituluan ang luha ko.
"Pero si Dian dapat ang aako nito. It's her consequence,"
Umiling ako na para bang nakikita niya ako. "Huwag mo na po idamay si Ate Dian, Papa. Hayaan niyo na siya sa kung saan siya masaya,"
Biglang tumahimik sa background niya batid ko'y lumayo muna siya sa mga tao roon.
"You don't have to sacrifice to save my face. Pinilit ka ba nila rito, anak? Babyahe kami ng Mama mo pagkatapos na pagkatapos ko sa meeting na ito para makarating diyan. May magagawa pa tayo para pigilan ito," he's so worried.
"Hindi na po kailangan, Papa. Mahal kita at lahat gagawin ko para maging masaya kayo. Pero gusto ko pong mangyari ito, Papa. Hindi po ako sasama kapag itatakas niyo ako," I tried to explain, already knew what he's thinking.
But, among my half-truths and half-lies, is there anything else to see? I'm the one who came up with each and every one of them. They're all for the sake of my family.
"This is completely messed up, Rio. Have you given this much consideration? You're just probably being pressured there-"
"Gusto ko po ito, Papa. Fiancé na po ako ni Hakim Barrios at malalaman na ng lahat bukas,"
Dinig ko ang buntong hininga niya. "But if you're just doing this just to save my face then I won't allow it,"
"Hindi po. Hindi na kailangan. Ang gusto ko lang po ay makita kayo bukas at makisalo sa kasiyahan," malungkot akong ngumiti.
Ang cellphone ay nasa pisngi ko na. I really missed him and his hugs and his words whenever he hushes me down.
"We will be there. I promise. And I hope you're happy with your decision,"
Parang may bukol sa aking lalamunan. I am happy that you will not suffer anymore.
"Can I ask you a question, hija? I want you to answer me honestly,"
"Pangako po, Papa,"
"Do you love him?"
Hindi ako nakasagot agad. Inisip ko ang imahe ni Hakim habang nakapikit ako.For a second, I believed it would let me speak the words simply, but the longer it stayed, the more illicit feelings that were buried in the deepest darkest part of my mind were slowly wiping out the beautiful face of Hakim and replacing it with so much strength.
"Opo, Papa..."
A sigh of relief came out of his mouth as soon as I said those words.
Kinukurot ang puso habang patuloy ang pagdaloy ng maiinit na likido sa pisngi ko. Para kong trinaydor ang imaheng pumalit sa imahe ni Hakim sa isipan ko. Pakiramdam ko hindi kailanman niya ako mapapatawad pati na rin ang sarili ko. Pakiramdam ko talong talo niya ako.