Selma
"oh, sino bang sinator na pinagmamalaki
mo? Si senator Velasco? Diba usap usapan
na siya ang humahawak sa pinakalaking
drug sendicate dito sa pilipinas? Baka gusto
mong ako mismo ang magpapa labas ng
baho ng ama mo. Alam mo Wag mo akong
tinatakot. Dahil hindi mo pa kilala kung sino
ako. Baka pupulutin ka bukas sa labas ng
bahay mo. " Sabi Ko dito ito naman ay
napaubo sa kinain nito. Tumingin ako Kay
blade matalim itong tumingin sa akin.
Bumalik ang tingin ko sa babae, tumaas
ang isang kilay nito parang hindi Natakot
kanina
"wala akong pakialam Kung sino ka? Kahit
pa makulong si dad, hindi ako mag hihirap
dahil nandito naman si blade. will hindi
Naman siguro Sinabi sayo ni blade ang
nangyari? Kung bakit ka narito? Ito
sasabihin ko sayo-" napatigil ito ng
sumabat si blade. "coffee stop it." pigil ni
blade sa babae. Pinanlakihan lang ito ng
Mata ng babae. Kaya wala itong Magagawa
kaya tumahimik si blade. Under pala ito eh.
Naturingan pa namang lord mafia. Babae
lang pala magpapatahimik.
"Pagkatapos mong ipanganak ang anak
ninyo ni blade. Kukunin namin sayo ang
bAta at kami ni blade ang magpapakasal.
Ako Naman talaga ang mahal ni blade hindi
ang fake fiancee nito. Nagawa lang yun ni
blade dahil kailangan namin ng
tagapagmana ng kayamanan ni blade.
namatay ang sanang anak na tagapagmana
nito mula sa sinapupunan ng late fiancee ni
blade. " mahabang Turan nito. Ibig sabihin
Kaya Galit ito sa akin dahil sa batang nasa
sinapupunan ng Ina nito? Buntis pala Yung
fiancee niya? Kaya siguro parang gusto na
nitong pumatay.
" so kung mahal ka ni blade bakit kailangan
PA naming may contract pang permahan
Patunay na kasal kami? If you pwide Naman
Yung bAta lang ang karapatan niya sa
akin?" panguuyam ko dito.
"blade? Kasal kayo?" naguguluhang Sabi
nito at palipat lipat ang tingin sa amin ni
blade. Ito naman ay masama ang tingin na
Pinukol sa akin, para akong kalatayin
anumang oras.
"diba Sabi mo anak lang ang kailangan
mo?" na iiyak nitong tanong parang bAta
kung umasta. Napabaling naman ako Kay
Blade na bumuntong tininga, animoy
nagpipigil ng Galit.
"shhh, babe mag file din ako ng divorce
kapag nakapanganak na si Selma. Don't
worry ihaharap kita sa simbahan." pang
aalo pa nito. Parang may biglang sumakit
sa puso sa Sinabi nito. Papel lang pala
Yung kasal namin, Tama naman. Doon lang
Dapat.
" Wag Kang mag alala sayong sayo si blade,
Hindi naman siya Yung taong gustuhin
Kung mahalin dahil ang layo layo niya sa
Boyfriend ko." Sabi Ko sa mga ito. Hindi ako
Magpapatalo. "mabuti naman kung Ganon?
Pwide mo bang sabihin kung anong klasing
Tao Yung boyfriend mo at bakit mo siya
Nagustuhan?" tanong nito bigla. Nawala
Yung topic kanina. Parang gusto pa nito
paalam Kay blade. Pero Napa ngiti ako sa
tanong nito.
"si Jason five years narin kami, kahit
mayaman siya at negosyante hindi siya
Yung taong hindi mahilig sa dinner date
kapag anniversary namin, gusto niya Yung
mag enjoy kami, kumakain ng kwek-kwek,
sumasakay sa jeep, naglalaro kami sa
arcade sa loob ng mall, minsan gagawa
kami ng activity like surfing, ang other
outdoors activities, at pariho kami mahilig
mag laro ng chess, yun pinag kakaabalahan
namin kapag nasa bahay lang kami, at hindi
din siya bastos ginagalang niya ako, at ang
sarili ko, at higit sa lahat hindi siya
nananakit. " Sabi Ko at tumingin Kay blade.
Madilim ang mukha nito habang kumakain
ng tahimik Ang babae naman ay
sumusulyap sa akin habang nakikinig.
" kahit kailan hindi siya mapapalitan sa
puso ko dahil nag iisa lang siya. " malunkot
akong ngunimiti ng maalala kung wala na
pala si Jason.
"mabuti naman akin lang pala si blade,
Ayaw ko kasi may kaagaw, I love babe." Sabi
Ng babaeng nobya ni blade. Ngayon ko lang
na intindihan ang lahat.
"I love you too babe." Sabi ni blade sa nobya
saka lumapit dito at hinalikan. Tinapos ko
nalang ang pagkain ko para Maka alis na sa
harapan Nila.
"ah blade. Pwide ba ako mag libot libot dito
sa mansion? Wag Kang mag alala hindi
naman ako tatakas eh." Sabi Ko dito kaya
na Punta sa akin ang atensyon ng dalawa.
Wala naman itong Sinabi at tumango lang
madilim parin ang mukha nito pero wala
akong pakialam. Tumayo ako saka napag
isipang pumunta lumabas ng pinto na
parang malaking bintana mula sa Kusina.
" Punta tayo sa kwarto Natin babe. Namimis
na kita eh. "rinig kung Sabi ng nobya nito.
Pero hindi ko na penansin at Naglakad
palabas ng dining.
bumungad sa akin ay isang malinis at
malawak na infinity pool, Naglakad ako
palapit Doon, at umupo sa ilalim ng
umbrella, ilang minuto akong nakaupo Doon
ay lumapit sa akin ang isang babae. Na
Mas Bata pa ang idad sa akin sa tingin ko
ay nasa eighteen years old na ito. maamo
ang mukha nito at murina. Pero maganda
Yung pantay niyang kulay.
"ma'am ako po si nerry, pinasasabi sa akin
ni master blade na ako daw ang magiging
personal maid niyo po." magalang na Sabi
nito bago yumuko. Hatalatang mahiyain din.
"kailangan ba yun? Kaya ko ang sarili ko."
'Kaya ko nga pumatay ng Tao eh.' anang isip
ko
"kaya ko naman ang sarili ko, hindi na
kailangan na may personal maid." Sabi Ko
dito Ang inosente nitong tignan. Malayo sa
utak miron ako. Ang daming kalaswaang
Alam.
"ma'am utos po ito ni master blade, baka
tangalin niya ako kapag sumuway ako sa
kanya. Kailangan ko pa po ng trabaho, dahil
nagkasakit ang nanay." Sabi Ko takot na
Sabi nito. Wala na akong nagawa kaya
tumango na lang ako. Saka ngumiti sa
kanya.
" Okey, pero pwide ba kita maging kaibigan?
Para naman hindi ka naiilang sa akin? " Sabi
Ko dito. Pero may alinlangan pa sa mukha
nito.
" Wag Kang mag alala hindi ka pagagalitan
ng master mo ako bahala." pangkukumbinsi
ko pa dito. Tumango ito at ngumiti.
Hinawakan ko ito sa kamay saka dinala sa
may pool area. Umupo kami sa gilid ng pool
at ang mga paa namin ay nasa tubig hindi
naman iyon na babasa dahil hindi naman
ma siyadong mahaba ang suot nitong
uniporme. Masaya kaming nag kwentuhan.
Pansamantala kung nakalimutan ang
nangyari sa loob. At napalitan iyon ng
halakhak naming dalawa. Ilang oras lang
kaming mag kasama ay kumportable agad
kami sa isa't isa.
Napatigil kami sa pag tawa ng makarinig
kami ng isang malalim na pag tikhim.
Agad Napa tayo si nerry at yumuko ng
mabungaran nito ang amo.
"good afternoon Master." Sabi nito na
parang takot at nakayukong Sabi nito. Wala
itong na rinig sa kanyang amo At tumango
lang.
"bakit ka narito? tapos na ba kayong
magsabong ng girlfriend mo?" inis na Sabi
ko dito. Nakakainis kanina lang kami
nagkakasaya ni nerry sumulpot pa itong
lalaking ito! Gwapo Sana kaso may kulang.
Kulang sa ngiti.
"kanina pa umuwi si coffee." Sabi nito
nabubuwiset ako talaga ako sa pangalan
Ng babaeng yun! Mukhang mayaman tapos
kapi lang pala ang pangalan? how cheap.
"ah anong ginagawa mo dito? Hindi kaba
busy sa pagiging mafia mo? " takang
tanong ko dito. Wala itong Sinabi at
nakatitig lang sa akin walang reaction ang
mukha hindi iyon malamig at hindi Rin Galit.
"pumasok kana sa kwarto mo, baka mapano
ka dito hindi kaba nakapansin Maraming
mga lalaking Naka tingin sayo." Sabi nito
agad namang nangunot ang noo ko. At
tumingin sa palagid. Tama nga Maraming
Naka tingin sa akin na tauhan nito. Eh ano
Naman natural may Mata kaya pweding
tumingin.
"kung wala Kang jowa baka isipin kung nag
sisilos kana. Natural may mga Mata sila,
subukan mo kayang kunin ang Mata Nila
para hindi na sila makatingin sa akin. At
wala Kang pakialam kung may tumingin sa
akin, sino kaba? Asawa lang kita sa papel
baka Naka limutan mo? pwide na ulit akong
mag boyfriend kapag nakapanganak na
ako." Sabi Ko sabay lakad palayo dito.
Lumakad ako palayo, buti naman at hindi
ako nito sinundan. hanggang na abot ko
ang garden na may man made waterfalls
Sa ibaba nun ay malinis na tubig at
naaninag ang iba't ibang klasi ng isda. Ang
lawak ng falls na ito at parang wala sa loob
ng bahay kasi maganda ang pagkakagawa.
At sa gilid ay may lupa at damo.
"Wow Subrang Ganda dito!" manghang
bulalas ko saka lumapit. Bigla nalang akong
nagulat ng may sumulpot na malaking
dolphin, Subrang lalim siguro ng tubig dahil
nabubuhay ang dolphin mula sa malinaw na
tubig na ito. Napa tingin ako sa paligid,
ang lawak kasi ng mansion na ito kung
malawak sa loob triple naman ang lawak sa
labas. Hindi mo basta makikita agad kung
saan ang gate. At Yung falls kung titignan
parang totoo, dahil ang taas ng tubig galing
dito. Tapos ay tatlo pang magkasunod na
parang hagdan dumadaloy ang tubig.