Yve’s POV
Tuesday Morning…
Nandito lang ako sa classroom at nakaupo buti na lang wala pa yung isa at mukhang late nanaman
“Good morning yveeee!” bati ni Marie
“ang hyper ah” pabiro ko sabi
“oo naman so ano na?” tanong niya
“anong ano na?” tanong ko din sa kanya
“Ano meron sa inyo ni CJ?” tanong niya
Ang straight to the point naman ni Marie jusko po hahaha
“ha? Wala naman baket?” tanong ko ulit sa kanya
“anong wala? Ano yung nakikita namin ha!” tanong niya ulit haha
Nacucurious din sila mga nangyayari kahit ako din hindi ko alam kung ano nararamdaman ko haha
“ewan ko don sa kanya kahit ako curious sa feelings ko”
“hala so it mea---- *tinakpan ko bibig ni Marie*
Bigla dumating si CJ at umalis agad si Marie at tinitigan niya ako na parang gusto niya magkwento ako haha
At eto naman katabi tinitignan ako ano nanaman kaya trip sa akin
“ano nanaman yun?” tanong ko sa kanya
“wala lang bat ang blooming mo?” tanong niya naman
“wag nga ako CJ” sabi ko
“oo nga blooming ka.” Sabi niya
“ewan ko sayo kailan pa?”
“simula nung nakilala kita” pang-aasar niya sabi
“tumigil ka nga.” Sabi ko
Hindi pwede kiligin Yve jusko po ayoko ng ganito
“OMYGOD!YUNG SHIP KO UMAARANGKADA” sabi ni Mich
“walang ganon” sabi ko
At nanahimik na lang kami dahil dumating na yung teacher namin.
Makalipas ng ilang oras at recess nanamin, hindi ko talaga alam kung ano nanagyare sa akin kung bakit nararamdaman ko yung ganito feelings pero hindi pwede.
Habang nagkaklase kasi nakahawak siya sa kamay ko gusto ko bitawan pero hinihigpitan niya nanaman yung feeling na gusto mo kiligin pero hindi pwede kasi hindi mo rin naman alam kung ano nararadaman niya.
Hindi niya naman sinasabi kung bakit ganon siya sa akin,ayoko rin naman magtanong at baka nag aassume lang ako
“Yve hindi ka pa ba kakain?” tanong ni CJ sa akin
“Hintayin ko lang mga kaibigan ko” sabi ko
“sige pala kakain lang kami nila Paul” sabi niya at tinapik ulo ko at umalis na
“Nice one yve” pang aasar ni Jes
“ano ba yun?” tanong ko
“wow ha ang sungit porket lumalovelife” pang aasar niya ulit
“wag ako walang kami” sabi ko sa kanila nandito na kasi kami lahat ,you know naman circle of friends
“talaga ba?” pang aasar na tanong ni Jean
“yes” sabi ko
“ei ano yung paghawak ng kamay,pangungurot sa pisngi at concern ha” pang aasar naman ni Mich
“alam mo Yve saksi ako sa lahat kasi nasa likod lang at kitang-kita ko kayo” pang aasa ulit na sabi ni Mich
“yun naman pala saksi si Mich ei” sabi ni Ella
“alam niyo guys pati ako naguguluhan sa feelings ko kaya lang ayoko mag-assume at wala naman sinasabi yung tao sa akin kaya ayoko rin pilitin sarili ko sa kanya” page explain ko sa kanila
“nagtanong ka na ba?” tanong ni Jean
“Hindi pa nahihiya ako magtanong kas inga baka wala lang talaga sa kanya yun at nilalandi lang talaga ako” sabi ko
“concern lang kami sayo Yve tanungin mo siya kung bakit ganon siya sayo para hindi ka na maguluhan sa feelings mo” sabi ni Masey
“I know naman na concern kayo sa akin kaya thank you” sabi ko at kumain na lang kami
Dumating na yung iba namin kaklase kasi tapos na rin naman ang recess at eto nanaman si CJ
“Yve peram ako panyo” sabi niya sa akin
“teka para saan?” tanong ko
“pampunas ng pwet baket?” pang aasar niya sa akin
“ewan ko sayo manahimik ka diyan” sabi ko at bigla niya inagaw yung panyo ko
“CJ naman akin na” sabi ko sa kanya
Inaagaw ko na lang din yung panyo ko sa kanya at nagkatitigan kami dalawa ang bilis ng t***k ng puso ko
Yve hindi pwede yan mahirap na hindi mo pa alam feelings niya
Hindi ko na naagaw yung panyo kasi nailang na ako sa kanya at nakita ko na lng yung panyo ko inamoy niya
“Ang bango naman ng panyo mo” sabi niya at pinunasan niya yung pawis niya
“Yve punasan mo nga pawis ko” pang aasar na sabi niya
“ewan ko sayo diyan ka na nga” sabi ko
Aalis na sana ako kaso hinawakan niya yung kamay ko
“sorry na yve ibabalik ko sayo yung panyo mo bukas” sabi niya
At umubob na lang siya habang hawak kamay ko no choice ako at umupo na lang din
Kinalabit ako ni Mich at nakatingin siya sa amin at ngumiti na para ban ang aasar
Pinabayaan ko na lang kasi nasanay na ako kay Mich haha
Ilang minuto ang nakalipas at economics subject na namin at nakita ng teacher namin si CJ na natutulog
“Canlas, sino yan katabi mo? Paki gising nga at nagkaklase ako dito.” Sabi ng teacher namin
“CJ gumising ka diyan at may teacher tayo.” Sabi ko naman
“hmmm”
Umunat na lang siya at binitawan niya na kamay ko buti na lang talaga
“sorry po mam” sabi niya
“Yve sorry pala kanina” sabi niya
Hala marunong pala siya mag sorry for the first time yan
“okay lang” sabi ko
At nakinig na lang ako sa teacher namin at buti na lang hindi siya nangulit natakot siguro sa teacher namin haha deserve mo yan
Makalipas ng dalawang oras at Physics subject na namin
Eto nanaman siya nangungulit na ulit ewan ko ba sa mga pinagagawa niya akin, hinahawakan kamay ko,kinukurot pisngi at nakatitig siya sa akin.
Pigilan mo yan Yve at hindi pwede yung ganyan masiyado ka na inaabuso ng lalaking yan
“huy! Ano yve tulala ka nanamn” sabi ni Mich
“Tara na Mich samahan mo ko mag CR” sabi ko
“Yve saan punta niyo?” tanong ni CJ
“Cr bakit sasama ka?” pabiro ko sagot kay CJ
At nagpaalam na lang kami sa teacher namin kasi nagchecheck lang siya ng gawain namin
“Yve alam ko gusto mo ko kausapin” sabi ni Mich
“Mich hindi ko na talaga alam yung nararamdaman ko kay CJ kinikilig na ako sa ginagawa niya na hindi naman dapat” sabi ko
“Bat kasi ayaw mo siya tanungin kung bakit ganon siya sayo para hindi ka na maguluhan sa feelings mo di ba.” – Mich
“Mahirap kasi Mich natatakot ako.” Sabi ko
“kaysa naman nagiisip ka diyan Yve kailangan mo ng sagot.” Sabi niya naman
“kung ako sayo tanungin mo na siya at nasasanay ka na sa mga ginagawa niya at mahirap ma fall sa taong yan.” Sabi ulit ni Mich
Hindi na namin namalayan na nandito na pala kami sa classroom at umupo na lang kami at yung katabi ko nakaubob nanaman
“Yve pakigising naman yang katabi mo” sabi ni Teacher Pat.
Ano ba yan taga gising ba ako neto at kanina pa sa isang subject tapos ngayon naman
“CJ gumising ka nga” sabi ko sa kanya
“hmm,ayoko masakit ulo ko.” Sabi niya
“Masakit daw po ulo” sabi ko kay Teacher Pat
Pumunta si Teacher Pat sa pwesto naming at tinanong siya kung masakit na masakit ba
“Yve samahan mo sa clinic para makainom siya ng gamot.”
Inalalayan ko na lang si CJ para makapunta kami sa clinic at nakaakbay siya sa akin.
Habang naglalakad kami napapatitig lang ako sa kanya, ewan ko ba may itsura naman siya ang ayoko lang may ugali siya na parang hindi niya pa nilalabas. Inoobserbahan ko pa siya talaga kasi may something sa kanya na hindi ko alam haha
Nandito na kami sa clinic at tinanong ako ng nurse kung ano nangyari sinabi ko na lang na nahihilo siya.
Nakahiga na lang siya dito at pinagising siya para makainom ng gamot buti na lang at hindi nag matigas ng ulo at natulog na lang ulit siya
“Nurse iiwan ko lang po si CJ may klase pa po kasi ako.”
“Nakausap ko na yung teacher niyo at excuse naman para mabantayan si CJ” sabi nmaan ni Nurse
Jusko po babantayan ko pa siya mamaya mag assume nanaman yan
No choice ako kundi bantayan siya medyo inaantok na rin naman ako makaiglip nga muna
*tapik*
“Yve gising na.” sabi ni Nurse sa akin
Tinignan ko yung orasan at uwian na nga namin
“Nurse si CJ po?” tanong ko
“Nag Cr lang siya.” Sabi niya
Lumabas na nga si CJ ng cr
“Tara Yve punta na tayo sa classroom.” Sabi ni CJ
“Thank you po Nurse Nicole” sabi ko
Bumalik na kami ni CJ ng classroom para kunin yung bag naming at makauwi na
Kami na lang yung natira at buti na lang hindi pa sinasara yung classroom tahimik lang kami nagaayos ng gamit pero ako gusto ko na siya kausapin
“CJ okay ka na ba?” tanong ko sa kanya
“Oo okay lang ako gusto ko na lang umuwi” sabi niya
“Kung may problema ka CJ pwede mo naman sabihin” sabi ko at umalis na siya agad at naiwan ako dito
Naglalakad lang ako palabas ng makita ko si Paul
“Yve saan ka?” tanong niya
“Sa Casa Mount ikaw?” tanong ko naman
“sakto taga don din ako” sabi niya
“edi umuwi na kayo” sabi ni CJ
Teka saan galling yun kala ko ba umuwi na bat nandito pa
“ano ka ba pre syempre hindi ko aagawin si Yve sayo” pabiro sabi ni Paul pero hindi siya ngumiti at umalis na lang
Ang weird naman ng kinilos niya hindi naman siya ganon ano natauhan na sumakit lang ulo haha
Sabay na lang kami umuwi ni Paul at sa wakas nakarating na din ng bahay
Nagpahinga na lang muna ako at ayoko na isipin yung nangyari kanina