5

1045 Words
MATAMAN niyang pinag mamasdan ang mga taong nag sasaya kung saan naroon ang mga bisita ng binata malapit sa pool. Birthday kasi ng isa sa mga kaibigan nito habang siya ay naka tanaw lang at nakamata lang sa mga ito. Tatlong buwan na siya sa puder ng mga Montesor at sa tatlong buwan na iyon madalas siyang may na papansin sa labas ng masyon ng mga Montesor na isang itim na sasakyan. Hindi siya paranoid lang lalunat ramdam niya kung sino ang nag padala non upang utusan ang tao na iyon na manmanan siya. At sa tatlong buwan nanakalipas patuloy lamang siyang iniinis ni Draken wala atang araw na hindi. Madalas din siyang tawagin nitong baliw dahil sa ibang lengguwahing kanyang ginagamit. Tch. "Hey! crazy woman. " Lumingon siya walang emosyon na tinitigan ang kaharap. "¿Necesitas algo? " Ani niya sa ibang lingguwahe. Napa hilamos ito nais niyang humalak-hak ng tawa dahil sa pagka irita nito sa kaniya. "Damn.. Hindi ko alam kung maiintindihan mo ako Puwede mo ba kaming ikuha ng beer. " Ani pa nito habang nakahawak sa batok. Agad na tumaas ang kilay niya sa inasal nito. Abat! Sobra na ang loko na ito. Ginawa na siyang katulong, kung minsan inuutusan siya nito na linisin ang silid nito, at dahil mabait siya at may utang na loob sa Ina nito walang reklamo na sinunod niya ito. Ang akala panaman din niya ay hanggang doon lang yon nasundan pa iyon ng marami at dumating na sa point na nais na niyang mag reklamo dito at kausapin ang Mama nito pero agad naman din siya nitong hinaharang, tinatakot. "Hindi ako katulong. " Lumingon ito sa kanya bago nag salubong ang mga kilay. "Wala akong paki basta ikuha mo kami---" "Bat hindi ikaw ang kumuha. May paa ka at hindi ko naman bisita yang mga nasa labas. " Walang emosyon niyang sabi bago siya umakmang tatayo ng mahigit siya nito. Salubong ang mga kilay gayon kita niya rin ang pag-igting ng mga ngipin nito. Shit... Mariing siyang napangiwi ng maramdaman niya na humigpit ang hawak nito sa kanyang braso. Gayon nakaramdam din siya ng kaonting takot dahil madilim talaga ang itsura ng mukha nito mukhang laseng na rin ito dahil sa alak na ininom nito. "Dito ka nakatira sa pamamahay ko Kaya lahat ng iutos ko sayo ay susundin mo. " "Nasasaktan ako---" "Sagot! " Malamig nitong sabi napakagat na lamang siya sa labi ng mas higpitan pa nito ang pag kakahawak sa kanyang braso. Buwisit na lalaking to. "Eres un fastidio! " Bulyaw niya sa ibang lingguwahe. "Tangina! Baliw ka ba talaga. At puwede ba tanggalin mo ang kakasalita mo ng ibang lingguwahe. Now, answer me. Susundin mo lahat---" "Oo! Happy kana? " Galit niyang sagot habang kuyom ang isang kamao kita niya ang pag silay ng nakaka loko nitong ngisi. "Yan.. Dapat na sumunod ka lang tch. Susunod ka rin pala dami mo pang arte. Ang beer huh, wag mong kalimutan. " Bago ito tumalikod at iwan siyang gigil na gigil sa rito. Hayop ka! Draken. _____________________________________________________ GUSTO niyang sipain ang binata ng pa ulit-ulit. Mag mula kanina palang pagod na pagod na siya panay roon at parito. Tangina! Sinamantala ng gago lalupat wala ang Ina, nito ginawa talaga siya nitong katulong. Buwisit. "Ayos ka lang Thamarra? Mukhang pagod kana. " Nilingon niya si Sheen-sheen ang isa sa mga bisita ni Draken, na asawa ng kaibigan nitong si Keron. "Ayos lang ako. " "Sure ka? Gusto mo tulungan na kitang maglinis---" Maagap niya itong pinigilan lalupat buntis ito, ayaw niyang mapagod pa ito dahil lang tinulungan siya nito. "Ano kaba. Sheen ayos lang naman ako mag pahinga kana. Ikaw ang mukhang pagod saka bawal sa buntis ang mag puyat. " Napakamot ito sa ulo. "Baka lang naman kasi.. " Mariing siyang tumawa. Saka niya ginulo ng buhok nito. "Okay lang naman ako konti na lang naman matatapos na din naman ako. " Bumuntong hininga ito bago tumango. "Sige, kapag hindi mo kaya tawagin mo lang kami ni Keron. At pasensya na rin sa abala. " Ngumiti siya ng matamis dito bago tumango. Makalipas ang ilang oras ay nailigpit niya na rin ang mga bote ng mga beer maging ang lahat ng mga kinalat ng mga akaibigan at ng iba pa ay naitapon niya na rin. Tangina. Kung sa palasyo nga hindi siya nag lilinis pero ngayon niya lang naranasan na maging katulong, ganon pala talaga kahirap maging katulong ngayon niya lang napagtanto. Nang akmang hahakutin niya na sana ang mga basura palabas nang kamuntikan na siyang mapa sigaw dahil sa biglang may nagsalita mula sa kanyang likuran. Tangina. "Tulungan na kita. " Napahawak pa siya sa dibdib ng humarap siya. Napakunot noo ng makilala ang isa sa mga tauhan no'ng Vilasco na kaibigan din ni Draken. "Juno? Teka bakit gising kapa---" "Hindi kasi ako makatulog. Tapos nakita kita dito kaya naisipan ko na tulungan ka sana, tch. Si sir Draken talaga ginawa pa kayong katulong. " "Nako, ayos lang ako itatapon ko lang naman ito tapos mag papahinga na din ako---" "Kung ganon, tulungan na kita para matapos na. " "Nakakahiya naman---" "Nako, maliit na bagay lang naman to sige na. " "Sige na nga. " Natuwa naman siya nang tulungan siya nito. Nang matapos sila mariing siyang nag pasalamat dito tumagal din sila lalupat inaya niya itong mag kape pasalamat na din ba sa ginawa nitong pag tulong sa kanya. "Salamat sa pakape mo. " Natatawa nitong sabi. "Sira, Bayad para sa pag mamagandang loob na tulungan ako. Siya sige salamat uli Juno." "Wala yon. Sige good night. " Kumaway pa ito bago humakbang pababa at tuluyan nang nag paalam sa kanya . Mariing na siyang pumanhik sa ikatlong palapag bago kung saan naroroon ang kanyang silid sa pinaka dulo madaraanan niya muna ang silid ng binata bago ang kanya. Napahawak siya sa sintido. Nakalimuta niya nga palang kumain kanina dahil sa pagiging abala niya buong maghapon sa kakalinis ng bahay at kakaasikaso ng mga bisita ng hudas kayat nawala na sa loob niya ang kumain. Bago paman niya tuluyang malagpasan ang silid ni Draken. Nagulat na lamang siya ng may biglang humigit sa kanya, kasabay ng pagsara ng pinto mabilis siyang na isandal mula doon. "D-draken... " ©Rayven_26 _______________________________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD