CHAPTER 4

730 Words
Ako unang nagising sa kanilang lahat, for sure may hang-over itong mga to paggising. Nakaluto naman na at nakahain paglabas ko. I think lunch na ito dahil 11 na din. Bago ko lumabas kanina ay naligo na ko. Ngayon ay nandito ako sa kusina at nagtitimpla ako ng kape para sa aming lahat. Pagkatapos din ng lunch ay mag-start na yung mga activities. May mga nakita din akong staff na pakalat-kalat at mukhang busy magprepare. Tapos na ako magtimpla at balak ko na sila gisingin para makapaghanda. Pagpasok ko sa kwarto naabutan kong kagigising lang ng iba at ang iba naman ay mukhang kakatapos lang maligo. Isa na doon si bae na busy na magmake-up. Maaalis lang din naman mamaya sa mga courses na pagdadaanan naming, tignan ko na lang kung hindi ito magreklamo mamaya. “Aga mo naman nagising bae” komento ni Sami. Ang iba’y ayaw pang bumangon dahil siguro sa sakit ng ulo. “Bumangon na kayo at bilisan niyo, lalamig yung mga nakahaing pagkain doon sa kusina. Anytime ay tatawagin na din tayo for the activities” ito ang naging dahilan kaya nag-unahan na sila sa banyo. “Wow! Ikaw nagtimpla ng kape Key?” tinanguan ko naman ito. “Pwede ka na mag-asawa. Ikaw din ba nagluto?” todo iling naman ako habang hindi manguya ang nasa bibig ko dahil sa sinabi nito. “Excuse me Ma’am, Sir after 30 minutes po mag-start na po ang mga activities. Kaya sana po makapagready na po kayo agad” Magalang na sabi ng staff tumango na lang ang lahat. Habang papunta sa designated place for the first activity which is tug of war, nararamdaman kong may tumitingin sa akin pero pagnililingon ko ang paligid ay busy naman ang lahat. Hindi ko na lang pinansin dahil baka pinagtitripan lang nila ako. Nagrupo na kami ng isa sa kanila. Syempre magkahiwalay kami ni bae dahil na din sa dalawa lang kaming babae. Medyo nahirapan kami nila Grae sa unang round dahil halos magkakasing-laki lang sila ng katawan. Oo, tama ang pagkakabasa niyo kasama ko si Grae sa team. Nanalo din naman kami dahil sobrang competitive ba naman ng mga kasama ko. Sa pangalawang activity naman ay obstacle courses. Merong gagapang ka, aakyat ng lubid, magbabalance ng sarili at last ay magslide at lalangoy pabalik ng pangpang. Mukhang madali pero hindi dahil hindi simple yung nagawa nila. Matataas ang lubid at medyo may kalaliman ang babagsakan. Pero may mga life guards na naka-abang at nakaalalay sa mga courses na yon. Dito ay hindi na labanan, Kailangan na lang ienjoy pero kailangan niyo pa din magtulungan. After nito ay zipline at cliff diving naman. Natry ko na pareho iyon kaya hindi na nakakakaba. Lagi akong inaalalayan ni Grae dito sa obstacle course na para bang ingat na ingat ito na hindi ako magalusan. Hinayaan ko na lang dahil ayoko din naman makipagtalo. Gusto ko lang ienjoy ito, kasi pagbalik namin alam kong puro problema na naman ang aasikasuhin ko. Habang paakyat sa lubid at malapit na sa taas ng pinakaslide ay napatid ako. Nang tignan ko ay naipulipot ang paa ko sa lubid buti na lang at nakapitan ko si Jay na nasa harapan ko. Baka kung hindi ay nakapatiwarik na ako. Kung napansin niyo ay hindi si Grae ang nasa unahan ko dahil nauna siya sa akin maakyat at magslide na sana ito ng mapatakbo ito sa akin. Ngayon ay siya ang nagtatanggal ng tali sap aa ko habang inaalalayan ako ni Jay na umayos ng upo. Nang tignan ko ang paa ko ay sobrang namumula ito. Mukhang mahihirapan akong maglakad. Maya-maya ay umangat na ko mula sa pagkaka-upo dun ko lang namalayan na buhat na ko ni Grae. “Teka magslide pa tayo, kaya ko naman” gusto din kasing magslide. “Hindi na” sagot nito ng hindi ako tinitignan. “Please” pagmamakaawa ko. Bumuntong hininga na lang ito bago ako ibaba. Inaalalayan pa din naman niya ako. Nauna siyang mag-slide hintayin niya daw ako sa baba para saluhin. Tumanggi ako dahil may life guards naman sa baba. Pero hindi siya papigil. “BAEEEE! INGAT KAAAA!” rinig kong sigaw ng may medyo kalayuan. Si Sami ay nasa pangpang na kasama ng iba. Kami na lang pala ni Grae ang natira dito. NOTE: Sorry for the late and short update. Naging busy lang talaga ako. Thank you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD