CHAPTER 1

1286 Words
“Finally! Nandito na din tayo. Makakapagpahinga na koooo!” “Hindi ba gutom ka?” “Hindi a” pagtanggi nito. *Groooowl* Hindi naming inaasahan ang tunog na iyon. Sabay-sabay kaming lumingon sa kaniyang namumula na ang mukha. “Oo nga, hindi ka nga gutom. Mauna ka na sa taas, kakain muna kami” pang-aasar naman ng kausap. Sa hiya na din ay tinalikuran kami nito at pumasok na sa loob. Tinawanan na lang nila ito. “Anong gusto niyong kainin? Para maipaluto na sa chef dito” tanong ni Grae. “Menudo sana tapos may mga ihaw” “Adobo din! Tapos may mga desserts” kaniya-kaniya na sila ng suhestiyon. Lumapit naman ako kay Sami at bumulong. “Bae, una na ko sa taas a. Busog pa naman ako’ “Sure ka?” tinanguan ko naman ito. “Osige, tawagan mo ko pagmay kailangan ka. Oo pala, isang malaking kwarto lang tayong lahat. Ok lang ba sayo?’ dagdag nito. “Wala naman akong choice diba?” tanong ko na ikinatawa niya. Hindi ko na siya hinintay pang-sumagot, Ngumiti na lang kami sa isa’t-isa bilang paalam. Dahan-dahan akong umalis para hindi na makaistorbo sa pinag-uusapan at ginagawa nila. Pagkarating ko sa kwarto ay malaki ito at may higaan na din. Sa sahig lang ito nakalagay. May isang pinto sa gilid na tingin ko ay banyo. May mga locker din na pwedeng paglagyan ng gamit. Aayusin ko na sana ang gamit ko ng biglang bumukas ang banyo. Gulat na tumingin sa akin, dahil na din siguro nakatopless lang ito. Ngunit wala naman akong pake. “Sorry, nandiyan ka pala. Akala ko sumama ka sa kanila” ani nito habang nagsusuot ng damit. Siya si Mike isa sa mga kaibigan ni Grae. “Ok lang. Busog pa kasi ako” sabi ko at tinuloy ang pag-aayos ng gamit para malaman niya na ayoko ng pahabain pa ang usapan. Nakaramdam naman ito, kaya nahiga na lang at nagphone. Tinuloy ko naman ang pag-aayos. Patapos na ko ng tumayo si Mike. “Lalakad-lakad muna ko, ang boring dito e. Iwan na muna kita.” Hindi ko naman ito nilingon peor sumagot ako. “Ok, ingat.” Ilang segundo lang ay wala na siya. Sa totoo lang ay gutom ako, ayoko lang talagang sumabay sa kanila. Itetext ko na sana si Sami ng bumukas ang pinto na iniluwa ang taong hindi ko inaasahan. “Dinalahan kita ng pagkain mo. Malayo ang hospital dito, so you better eat your now” sabi niya habang inaabot ang malaking paper bag. Tatanggi sana ko pero gutom na din talaga ako. Dahan-dahan ko itong inabot ng nakayuko. “Kumpleto na yan. Tawagan mo kung may kailangan ka or si Sami na lang” dagdag nito habang nakatalikod na. Palabas na sana ito ng magsalita ako na nakapagpahinto sa kaniya. “T-thank you, Grae” mahina kong saad. Hindi na niya ko nilingon at tuluyan ng lumabas. Nang buksan ko ang paper bag laman nito ay sinigang, dalawang balot ng rice at tubig. Hindi na ko nag-atubili na lantakan dahil gutom na ko. Pagkatapos ko ay lumabas ako ng kwarto para magtapon. Pabalik na ko ng makita ko hindi kalayuan ang tropa ni Grae. “May dalang paper bag kanina si Grae” “Oo, sabi niya dadalin niya kay Kuyang guard” “Di mo sure. Hindi pa nga siya kumakain non, kasi nagmamadali siya umalis para ibigay yon” possible bang yung kinain ko kanina ang tinutukoy nila? Pero bakit naman gagawin ni Grae yon. Isa pa may girlfriend yon, bakit nila pinagiisipan ng ganito. Umalis na lang ako dahil nag-aasaran din yung dalawa. Hindi din naman nila ko napansin. “Hi” muntik ko ng masampal ang lalaking ito. Bigla-bigla na lang kasing sumusulpot. Tumawa muna siya sa nagging reaksyon ko. “Sorry nagulat kita” paumanhin nito. Sinamaan ko na lang ng tingin at dire-diretsong naglakad. Pero pinigil niya ko sa pamamagitan ng paghatak sa braso ko. “P-pwede ba tayong mag-usap m-mamaya?” nauutal na sabi nito ng lingunin ko siya. Yumuko ito at binitawan ako ng hindi magsalita. “Ok lang kung ayaw mo, naiinti---” pinutol ko ang sasabihin pa nito ng isang malakas na tawa. “Grabe, ganoon na ba ang tingin mo saken?” nahihiya naman itong nag-iwas ng tingin. Kaya mas natawa na lang ako. “HAHAHA sige mamaya. Tawagin mo na lang ako. Una na ko baka hinahanap na ko ni Sami” pagpayag ko habang nakangiti. Hindi naman ito makapaniwalang nakatingin sa akin. Tumalikod na ko para bumalik sa kwarto. Habang tinatahak ang daan pabalik at saktong text ni Sami, nandoon na daw sila at nagbabalak na manood. Mukhang magmmovie marathon muna ngayong araw. Dalawang araw ata munang walang activities dahil sa susunod na araw pa ang dating ng mga staff. Kaya siguro sinusulit na nilang magsaya dahil wala ng pahinga sa susunod na tatlong araw. 5 days lang naman kami dito dahil may kaniya-kaniya din kaming gawain. “Hi, anong papanoorin?’ tanong ko pagdating ko. Gulat naman nila kong nilingon dahil na din siguro sa hindi ko pakikisalamuha sa kanila gaano, Aminin ko nagging mailap ako kanina. “Ehem, horror daw” sagot ni Keen habang naiilang. “Ay anong horror? Bakla ka diba? Chansing ka lang e” kontra ni Mike. “Gago!” sagot ng isa sabay bato ng unan na nailagan naman ngunit di inaasahan ng tao na kakadating. “Tanga mo pre!” ani ni mike sa takot na si Keen. Habang ang iba naman ay natatawa na lang. “P-pre s-sorry di ko s-sinasadya” kabadong paliwanag ni Keen kay Grae na kasalukuyang naglalakad palapit sa kaniya na masama ang mukha. “Tsk” sagot nito at biglang umupo sa tabi ko na kinagulat nilang lahat. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha nilang lahat dahil alam ko namang may alam sila. “S-simulan na natin para maaga tayo matapos” basag ko sa katahimikan. “Teka k-kuha lang ako ng pagkain at inumin” suhestiyon ni Russ isa pang kaibigan nila. “Sama ko!” sigaw ni Jay sabay habol kay Russ. Kaniya-kaniya naman sila ng ginawa habang naghihintay sa dalawa. Napansin ko naman ang simpleng kalabit ni Grae sa gilid ko. Dahil nasa likod kami na pinakadulo ay hindi nila kami napapansin. “Hmm” “Sorry” panimula nito. Tinignan ko naman siya habang naguguluhan. “Sa lahat. I want to make things right. I want to explain myself why I left you without any words” tumingin ito sakin na may malungkot na mata. Nakinig lang ako dahil sa tingin ko kailangan ko na din siyang bigyan ng pagkakataon na makapagpaliwanag. “Babawi ako sayo, kung ok lang manliligaw ako ulit para malaman mo na sincere ako. Sorry I can’t tell why right now because of our friends. I don’t want them to worry” ilang minuto din ang lumipas ng tingin ko’y naghihintay na ito ng sasabihin ko. Dahan-dahan kong inabot ang kamay niya na hindi nila nahahalata. Gulat naman akong tinignan ni Grae, babawiin sana nito ang kamay ng higpitan ko ang pagkakahawak at ngitian ko siya. “Huwag natin madaliin. Pero handa akong magbigay ng chance maprove mo lang yung sarili mo” mahina kong sabi. Yayakapin sana niya ko ng makarinig kami ng sigaw. “Mga gago! Tulungan niyo kami, ang dami nito” sigaw ng nasa pinto na tingin ko ay si Mike. Tumawa na lang kami at tinulungan din naman sila ng mga kaibigan nila. Kalagitnaan ng panonood ay bigla na lang dumantay sa balikat ko si Grae, aangal sana ko ng magsalita ito. “Please” hinayaan ko na lang dahil ramdam kong pagod din ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD